HEIZE POV
Tumayo na ako sa kinauupuan ko ng marinig ko yung mga kaklase ko na nag sitawanan, kaya tinignan ko muna sila ng masama bago ako padabog na lumabas ng room. Fvck this life! Simula nang nakilala ko yung kupal na yon nag ka letse-letse na yung buhay ko. Nakakainis!!!! Habang nag lalakad ako halos lahat ng nadadaan kong mga bagay ay sinisipa ko, nang makarating ako sa tapat ng room nung kupal nayon ay inexcuse ko na siya!
"Good morning miss, may i excuse to Mr. Madrigal?" Naka simangot kong sabi sa prof nila. Bigla naman lumingon si kupal sa gawi ko ng nakangisi, kaya inirapan ko siya.
"Okay Ms. Carbonnele, basta ba ibabalik mo siya." Sabi niya nang tumatawa at pati ang klase niya ay nakitawa narin. Napasimangot na lang ako lalo. Nakakainis talaga!
Tumalikod na ako sakanila at hinintay na lang lumabas si kupal. Habang hinihintay ko siya ay bigla na kang may tumabi sa akin kaya ako naman ito muntik na mapatalon.
"Ay muka kang butiki." Halos pa sigaw kong sabi kaya napatakip ako sa bibig ko.
"Sa gwapo kong to muka akong butiki? Hahah." Napatingin naman ako sa nagsalita sa katabi ko kaya napasimangot ako! Ang yabaaaang!
"Mag kakabagyo ata, ang lakas kasi ng hangin eh. Tse! Jan kana nga." Inirapan ko siya tsaka na ako nag lakad paalis sa tabi niya.
"Uy teka sandali." Sigaw niyang sabi tsaka niya ako sinundan. Hindi ko siya pinansin at derederetso lang nag lalakad.
"San ba tayo pupunta hah?" Tanong niya ulit. Ang kulit din ng isang to.
"Hayst! Basta sumunod ka nalang." Inis kong sabi sakanya. Sumunod lang nga siya at tsaka tumahimik na buti naman.
Nang makarating na kami sa harap ng Guidance office, bubuksan kona sana yung pinto ng bigla niya akong hilahin pabalik.
"Ano bang problema mo? Kanina kapa eh." Pag mamaktol ko sakanya kong sabi sakanya.
"Anong gagawin natin jan? Wala naman akong ginawang masama ah?" Takang tanong niya sa akin. Napa irap na lang ulit ako at tsaka na pumasok. Sumunod naman siya.
"Good morning Mrs. Rodrigues." Walang emosyong bati ko sa Guidance Councilor.
"Good morning din Mr. Carbonnel and Mr. Madrigal." Bati nito pabalik.
Sinabi ko na lahat ng ginawa ko kanina, sakto namang pumasok na si Miss yung prof. Ko kaya pinabalik na kami sa mga klase namin. Inirapan ko muna tong lalaki na to bago ako lumabas ng Guidance Office. Paglabas ko ng Office derederetso lang ako, sakto namang nag bell na, hanggang 2:00pm lang kasi ang pasok namin kaya naman hinintay ko na lang dito ang bestfriend ko. Mga 5mins din akong nag hihintay sakanya dito sa tapat ng room nila dahil ang dami pang sinabi sakabila ng prof nila.
"Uy bal, kanina kapa ba jan?" Tanong niya sa akin. Hay sa wakas ang tagal kong nag hintay dito buti naman pinalabas na sila. "Oo kanina pako dito, ang tagal mo." Nakasimangot kong sabi sakanya. "Heheh sorry na, yung prof kasi namin ang dami pang arte eh. So saan tayo niyan?" Tanong niya. Oo nga saan kami niyan? Eh mamaya pa ang balik namin. "Bahala na hahah. Saan mo ba gusto kumain?" Tanong ko, bigla kasi ako ginutom dahil sa mga nangyari kanina. "Kahit saan tara." Tumango lang ako bilang sagot.
Naglakad na kami palabas ng school at naisipan naming pumunta na lang muna sa mall at magliwaliw dahil nga tapos na ang klase namin. Kakain muna kami pagkatapos mag lalaro sa Timezone. Bago umuwi Heheh. Ang tagal na rin kasi simula nang nakapag laro kami duon.
---
SKYLER POV
Nandito ako sa tabi ng bintana habang naka pikit ako, hanggang mahagip ng mga mata ko ang katapat ng building namin, ang ang kinagulat ko nang naka tingin sa akin si heize, bigla naman bumilis ang tibok ng puso ko kaya naka smirk na lang ako. Nakita ko namang naiinis siya sa pag Smirk ko kaya naman Itinaas niya ang middle finger niya ng makita kong naka tingin sakanya ang kanyang Professor kaya naman tinuro ko ito, pero ayaw ng lumingon sa likod niya ngumuso pa ako para senyales na may tao sa kanyang likod. Kaya naman nakita ko siyang napasimangot, ang akala siguro niya ikikiss ko siya hahah. Pero mali siya ng iniisip.
Dahan dahan naman siyang lumingon sa direksyon na tinuturo ko pero hindi pa rin niya ibinababa ang middle finger niya. Muntik pa nga siyang malaglag sa kinauupuan niya nang makita niya ang professor nila. Nanlilisik ang mga mata habang nakatingin sa kanya. Palihim akong napatawa, hindi naman niya iyon maririnig dahil medyo malayo ang ang building nila sa amin. Nakita kong galit na galit yung prof niya kaya naman tinuon ko na lang ang pansin ko sa nag sasalita ko ding professor.
Nang mapatingin ulit ako sa gawi niya ay, bigla na lang siya tumayo at padabog na lumabas ng kanilang room. Saan naman kaya pupunta ang babaeng iyon. Habang nag iisip-isip ako ng kung anu-ano ng bigla kong marinig ang apilyido ko galing sa labas.
"Good morning miss, may i excuse to Mr. Madrigal?" Naka simangot na sabi niya sa prof namin. Bigla naman ako napalingon sa gawi nang nag excuse sakin ng nakita ko siya ay bigla na lang ako napangisi, nakita ko namang umirap siya.
"Okay Ms. Carbonnele, basta ba ibabalik mo siya." Sabi nang professor ko habang tumatawa at pati ang mga kaklase ko ay nakitawa narin. Napasimangot na lang siya lalo.
At tsaka Tumalikod sa amin. Pinalabas na ako ng prof ko kaya naman lumabas na ako, paglabas ko nandun lang siya naka tayo kaya naman nakaisip ako ng kalokohan, tinabihan ko siya para naman magulat siya.
"Ay muka kang butiki." Halos pa sigaw niyang sabi dahil sa gulat kaya naman napatakip siya sa bibig niya.
"Sa gwapo kong to muka akong butiki? Hahah." Sabi ko bigla kaya naman napatingin siya sa gawi ko. Ang sarap talagang inaasar ng isang to.
"Mag kakabagyo ata, ang lakas kasi ng hangin eh. Tse! Jan kana nga." Inirapan niya ako tsaka na siya nag lakad paalis sa tabi ko.
"Uy teka sandali." Sigaw kong sabi tsaka ko siya sinundan. Hindi niya man lang ako nilingon at pinansin, derederetso lang nag lalakad.
"San ba tayo pupunta hah?" Tanong ko ulit.
"Hayst! Basta sumunod ka nalang." Inis niyang sabi sakin. Hindi na ako umimik at sumunod na lang sakanya.
Habang nag lalakad kami at bigla siyang huminto sa harap ng Nang Guidance office, nagulat naman ako ng bubuksan na sana niya yung pinto kaso bigla ko siyang hinila pabalik.
"Ano bang problema mo? Kanina kapa eh." Pag mamaktol niyang sabi sa akin.
"Anong gagawin natin jan? Wala naman akong ginawang masama ah?" Takang tanong ko sakanya. Napa irap na lang ulit siya at tsaka na pumasok. Sumunod naman ako.
"Good morning Mrs. Rodrigues." Walang emosyong bati niya sa Guidance Councilor.
"Good morning din Mr. Carbonnel and Mr. Madrigal." Bati nito pabalik.
Sinabi na niya lahat ng ginawa niya kanina, sakto namang pumasok na yung prof niya kaya pinabalik na kami sa mga klase namin. Inirapan niya muna ako bago siya lumabas ng Guidance Office. Paglabas namin ng Office derederetso lang siya at dina ako pinansin pa, sakto namang nag bell na, hanggang 2:00pm lang kasi ang pasok namin, kaya maaga ang uwian namin kaya hayahay ang buhay. Bumalik na ulit ako sa room para kunin ang gamit ko, uuwi na lang ako tinatamad ako gumala at tsaka inaantok kasi ako hahah.
Sisiguraduhin kong papansin mo din ako. Heizel Leyanne Carbonnel.
YOU ARE READING
Love At First Sight (On-going)
Teen FictionNag-simula ang lahat sa hindi inaasahang pagkakataon, nagkakilala sa hindi sinasadyang pagtatagpo ng landas nila. Galit at inis ang unang naramdaman ni Heizel Leyanne Carbonnel kay Stephen Skyler Madrigal noong una nilang pagkikita. Arogante, mayaba...