-HEIZE-
"Hoy, kumalma ka nga." Sabi ni bal.
"Sino ba namang hindi kakalma dun diba." Sabi ko sabay irap. "Kung ikaw ba naman maka encounter ng ganun kagwapo, pero ang sama sama ng ugali."
Tinignan ako ni bal sabay ngisi sa akin, "Sayo na mismo nang galing na gwapo siya."
"Oh bakit? Totoo naman na gwapo siya eh. Kaso kamusta yung ugali diba?"
"Eh atleast gwapo. Crush mo 'no?" Pangaasar na tanong niya sa akin.
"Asa siyang magugustuhan ko siya. Tsk." Irita kong sabi sakanya. Mag sasalita na sana ulit siya ng biglang nag ring cellphone ko.
*Kringggg! *Kringggg!
Calling-- "Mom"
Agad ko namang sinagot ang tawag sa akin ng mommy ko.
"Heize? Umuwi kana ngayon, at may pupuntahan tayo." Bungad na sabi niya.
"Hindi ba uso 'hello' mom. Hahah btw, san tayo pupunta? Biglaan ata?" Sagot ko naman sakanya.
"Ah basta! Wag nang madaming tanong at umuwi ka nalang."
"Okay fine! Bye." Sabi ko sabay baba.
Pag baba ko ng tawag hurap ako sa bestfriend ko.
"Oh, anong sabi ng mommy mo?"
"Pinapauwi na ako eh bal, may pupuntahan daw kami. Next time na lang tayo umalis." Sabi ko naman sakanya. Siya naman ay nag *pout* pa. "Ewwww! Bal dimo bagay hahah. So hatid mo na ako sa amin."
"Oo na, kung di lang kita mahal eh. Tsk. Tara na nga, baka magalit pa sayo mommy mo hahahah."
Sumakay na kami sa kotse niya. At wala nang nag usap sa aming dalawa hanggang maka rating kami sa bahay namin.
-Carbonnel Residence's-
Nang maka rating kami samin nag paalam na kami sa isa't-isa.
"Oh pano bal, next time na lang lakad natin ah. Take care. Mwa :*" Sabi ko sabay halik sa pisngi niya.
"Okay see you. Take care. Bye." Ganon din ang ginawa niya. Nang hindi ko na nakikita yung sasakyan niya pumasok na ako sa bahay namin.
"Mommy, Im home." Sigaw kong sabi.
"Osya, umakyat kana sa taas at mag ayos." Sabi niya sa akin.
Umakyat na ako sa kwarto ko at nahiga sa kama, papahinga muna ako bago ako maligo. Nag muni-muni muna ako saglit at naligo na.
L
I
G
O
Pag tapos ko maligo nag hanap na ako ng dress na black at nag lagay lang ako ng lite make up. Kinuha ko na din yung dollshoes kong black. *Tadaaaaa* ayan okay na. Pag tapos ko mag ayos bumaba na ako.
"Mom, ready na po ako." Sabi ko sakanya.
"Okay, lets go. At baka inaantay na tayo ng bestfriend ko." Sabi niya at lumabas. Sumunod lang ako sakanya at sumakay na sa kotse.
YOU ARE READING
Love At First Sight (On-going)
Novela JuvenilNag-simula ang lahat sa hindi inaasahang pagkakataon, nagkakilala sa hindi sinasadyang pagtatagpo ng landas nila. Galit at inis ang unang naramdaman ni Heizel Leyanne Carbonnel kay Stephen Skyler Madrigal noong una nilang pagkikita. Arogante, mayaba...