Chapter Three

0 0 0
                                    

Second day of June came..., and the summer's already over. Means, classes are on. I'm exited yes but you can say I'm nervous. Also add the fact I'm a little bit scared. Gosh!

"Ready?" Napatingin ako kay Ethan na nakasakay sa motor niya. I nodded at umangkas na.

"Medyo natatakot lang ako." Bulong ko.

"Don't be." Kahit hindi ko siya nakita, I sense he's smiling... it assured me a little bit though.

Nakarating kami sa St. Mary's in about 45 minutes drive. Napatingala ako sa school na nasa harapan ko. Somewhat, I missed my former school. Although I didn't have much trusted friends there... I still have a couple like Macey and Daisie. Naalala ko tuloy sila, how are they really?

Kaya habang naghihintay sa loob ng gymnasium sa opening program ng classes, inilabas ko ang cellphone ko at ni-video call si Macey na agad naman niyang sinagot.

"Oh My God Janine, hindi mo sinabi na sa St. Mary's ka mag-aaral. Andaya mo!" Bungad niya. Based on her back ground, nasa quadrangle siya at nakaupo sa mga bleachers dun somewhere.

"Sorry... binigla kasi ako ni popsy eh." Sabi ko at nag peace sign.

"Hoy impaktang nang-iiwan na lang bigla!" Daisie appeared from I don't know where at inagaw ang phone kay Macey. Psh, the usual Daisie.

"Bakit echoserang kabute?" Nag angat ako ng kilay.

"Bakit hindi mo sinabi sa amin na sa St. Mary's ka mag-aaral?" Nagtaas siya ng kilay. Mas mataas kaysa sa akin. I opened my mouth to say something when she continued. "Di sana diyan rin kami nag-aral ni Macey." She pouted.

"Ugh Daisie, make face or anything but please... don't pout. It's disgusting!" Ngumiwi ako. Actually, it suits her pero pang-inis ko lang iyon.

"Duh! Whatever." She rolled her eyes. "Kainis ka talaga!"

"Pero seriously, sorry... talagang hindi ko kayo naisip. Medyo preoccupied ako this summer." This time, ako na ang nag pout.

"Oo na! Ikaw na cute mag pout." Umirap si Daisie sabay bigay ang phone kay Macey.

"Bisita ka rin dito pag may time ka ha?" Tumango ako sa sinabi ni Macey. Hindi naman kami as in na magkalayo, we're just in the same town.

"Good Morning SMCian." Napaangat ako ng tingin nang may magsalita sa stage. Yung Director ata ng school.

"Macey, Daisie... I gotta go. Magsisimula na ang program."

"Oh ok... take care ha, ingat!" Tumango ako at pinatay na ang phone at saka linagay sa aking bulsa. Kumunot ang noo ko nang mapagtantong nakatingin sa akin ang isang grupo ng mga babae sa kabilang bleachers.

"Ethan..." Bulong ko sa katabi ko.

"Hmmm?" Nagtaas siya ng isang kilay at bumaling sa akin.

"Yung girls dun oh, ang sama ng tingin sa akin." I eyes the group of girls in the other side of the gym na wagas maka irap. Wow ha!

"Don't worry, hanggang irap lang sila." Make sure lang!

Pagkatapos ng program na pagpakilala ng mga guro ay nagtungo na kami sa mga classrooms namin. Buti na lang pareho kaming matalino ni Ethan kaya mag classmates kami. At buti na lang hindi namin classmate si Dyan.

"Good Morning class!" Pumasok si... uhh, sir... whatever. Si sir bakla. "May transferie pala tayo this school year. Mind introducing yourself miss pretty?" Nginitian niya ako.

"Stand up Liane." Bulong ni Ethan nang mapansin ata ang pag-aalinlangan ko. Geez, nahihiya ako. Pero I have no choice but to stand up.

"Good Morning... my name's Janine Liane Alisdan. 16 years old." Ngumiti ako at agad ring umupo. "Geez, nakakahiya." Bulong ko at humilig kay Ethan. "Balik na kaya ako sa BNHS?"

"Try then... kung kaya mo." Ngumisi siya. "I won't let you idiot." Wow! Kung maka idiot naman 'to.

"Whatever... stupid!" Umayos na ako ng upo.

"So Janine... for your sake, I'll introduce myself. Hi, my name is Johndy Directo... 27 years old. Single and ready mingle." Humagikhik siya. "I'm your adviser this school year." And chorva chorva... sinabi niya ang nga rules and regulations ng classroom and so on and so forth.

Hindi pa kami nagklase dahil first day pa daw kaya ayun. Tulala kami ngayon ni Ethan sa cafeteria habang pinagtitinginan kami ng mga estudyante. Psh, natunaw na ako.

"Ethan... ang boring." Tinusok ko ang kwek kwek na nasa lamesa. "Hindi ka ba naiilang sa mga titig ng students buddy?" Sabay subo sa kwek kwek.

"No. Why would I? They're always like that." He sipped at his drinks. Ugh! Mamatay ako sa boring neto. Isama mo pa itong kasama kong tahimik. Naman oh!

"Cr lang ako. Stay there." Tumayo si Ethan at umalis na. Napanguso ako. Now, I'm alone ... with a bunch of students, glaring at me.

"So..." Napaangat ako ng tingin. There I saw a girl, arms crossed and eyebrows raised. Tingin pa lang, alam mo nang war freak. "Ikaw pala ang ipinalit ni James kay Dyan. Hmm..."

Bigla akong nailang nang tingnan niya ako mula ulo hanggang paa.

"No wonder."

"I'm sorry?" I tilted my head. Ngumisi siya at umupo sa harapan ko.

"I'm Yasmin. Yasmin Jane Reyes." Kumunot ang noo ko. Ang weird.

"Excuse me... if you're planning to bully me-"

"Oh ho, of course not. Bakit naman kita i-bubully? I'm not that low girl."

"Eh kung ganun, bakit ka nandito?" Hindi pa rin nawawala ang kunot ng noo ko nang tanungin ko iyon. She's weird kasi.

"You're James' girlfriend right?" Tanong niya.

"Correction... girl friend dapat. May space sa gitna. Bakit?" Napa 'oh' naman siya sa sinabi ko.

"Since you're James' girl friend. I think you know the true reason behind him and Dyan's break up?"

"Uhh... just a bit. Ni-two time ni Dyan si Ethan. Yun lang." Umiling siya at itinukod ang siko sa lamesa at inilapit ang mukha sa akin.

"You got it right... but not exactly." Ngumiti siya. "And for the second time... I'm Yasmin Jane Reyes. Kapatid ni Dyan." She flashed a most sweetest smile at saka na tumayo. "I didn't know you are that dense."

"Dense?... hey wait!" Napanguso ako. Ano ba naman iyon. Nang-iiwan na lang bigla. Eksaktong paglabas niya ng cafeteria ay lumitaw si Ethan.

"I saw Ate Yasmin on our table as I enter the cafeteria." Umupo siya sa tabi ko.

"Uhh... yes. May kapatid pala si Dyan." Kinuha ko yung Pepsi ko at uminom.

"Yeah, anong sinabi niya?"

"Uhh... wala. She just asked kung alam ko ba ang dahilan kung bakit kayo nag break ni Dyan." I stopped.

"Ano pa?"

"Uhm... manhid daw ako? I don't get it. Bakit naman ako manhid?" Nagtaas ako ng kilay sabay tingin sa kanya. "Nakakaramdam naman ako ah."

"Ng ano?" He crossed his arms.

"Na may gusto ka sa akin..." Napahinto ako. Why the hell did I say that?

"I don't have feelings towards you... auntie?" The fck?

"Don't call me auntie please... papatayin kita diyan." I glared at him pero tumawa lang ang mokong. Psh! "Whatever!"

My Best Friend In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon