"So... kumusta first day?" Tanong ni Patricia while sitting pretty sa royal throne kuno niya. We're currently hanging out here at their house's veranda. Bonding of course kasi wala siya nung summer, nag bakasyon sa Baguio. Buti pa siya, naka baguio. Eh ako? House lang! Psh.
"Good. Nakakatunaw nga lang sa mga titig ng mga students dun. Grabe bhes! Kung makatitig wagas!" Natawa naman siya sa sinabi ko.
"Bakit ka pa kasi nag transfer gaga, lonely na tuloy si baby Jack mo." Pinaglaruan niya ang kaniyang cellphone habang nakangisi.
"Ha? Lonely? Bakit naman malulungkot si Jack eh wala lang naman ako sa kaniya." I sigh. Si Jack Lance Hernandez ay ang batang super na nagustuhan ko. He's two years younger than me, so if I'm not mistaken he turned fourteen the month after last month.
He's two years younger than me pero parang he's two years older than me. Gets? Parang guy version siya ni Katherine. Matured na matured. Bagay nga sila eh... pero NO WAY! Kahit sabihin man akong child abuse... masakit pa ring isipin na... na... ang taong kinababaliwan mo ay napunta lang sa soon to be pamangkin mo. Hurts!
Tumigil si Pat sa paglaro sa cellphone niya at inilapit ang mukha sa akin.
"Ang manhid mo din pala noong nasa BNHS ka pa. Hindi mo man lang naramdaman. Tsk."
"Ang ano?" Hindi ko gets? Please say it clearly.
"Psh, manhid nga. Lutasan mo na nga iyang mag-isa mo." Tumuwid siya sa pagkakaupo at linaro ulit ang cellphone.
"Hindi ko gets. Huy huwag kang mambitin. Ano iyon?" Kainis naman itong pamangkin kong 'to slash childhood best friend slash soon to be again pamangkin.
"What? Really? Oh my gosh!" Sabay kaming napatingin ni Pat sa biglang tumili. And there, we saw the three muskeeters. Evans, Jillian and Katherine.
Kung ako, si Pat at Ethan ang palaging magkakasama... pwes iyan ding tatlong iyan ang always na magkakasama.
Hindi nila kami kita ni Pat dahil nasa veranda kami ng kwarto niya at medyo madilim dito.
"Anong pangalan niya?" Tanong ni Evans.
"Jack... uhh Jack... what's his second name again ate Jill?" Bumaling si Kat kay Jillian.
"Jack Lance Hernandez... ang gwapo kaya nung batang iyon." Mukhang kinikilig pa si Jillian.
"Mukhang may obssess rin sa crush mo bhes." Bulong ni Pat.
"Crush?"
"Ay puta!" Sabay kaming napamura ni Pat nang may biglang sumulpot sa gitna namin.
"Paano ka nakapasok sa kwarto ko?" Nanlalaki ang mga matang tanong ni Pat sa second degree cousin.
"I entered the door of course." Pilosopo niyang sagot sabay upo sa tabi ko. Bench kasi ang inuupuan ko unlike kay Pat na yung mamahaling upuan. Trono nga tawag niya don.
"Seryoso ako James... I locked the door minutes ago." Kumunot ang noo ni Pat. Eto namang si Ethan, pa cool lang. Psh, effect effect pang nalalaman.
"I have spare keys you know." Sabay pakita sa susi sa daliri niya. "Tita Penny gave me this."
"Bwisit ka talaga!" Mura ni Pat sa second degree cousin.
"Enough." Napatingin ako sa baba at napansing wala na ang tatlo dun. Siguro umuwi na. Past eight na kasi.
"So... who's crush who? I heard something earlier." Chismosong Ethan.
"Wala ka na dun." Umirap ako.
"You have someone you like Liane?" Napatingin uli ako kay Ethan na nanlalaki na ang mga mata. Oh? Why so O.A.?
"So?" Nagtaas ako ng kilay.
"Who? Tell me!" Napatingin ako kay Pat na nakataas rin ang kilay.
"Jack Lance Hernandez." Pagsasagot ni Pat sa tanong ni Ethan.
"I should meet that guy to see if he deserves you." Nagpamulsa siya at tumitig sa bakurang nasa harapan namin.
"Kailangan pa ba yun? As if naman may gusto sa akin ang batang yun." I sigh. Now I realize, miss ko na si Jack. The last time I saw him was two months ago, nung recognition.
"Bata?" Ethan asked curiously.
"Uh-huh... Jack's I think turned fourteen last month?" Napatingin sa akin si Pat.
"No, the month before last month." Pag c-correct ko sa sinabi ni Pat.
"What? So... he's two years younger than us? The fuck Liane... nagkagusto ka sa isang bata?" Hindi makapaniwalang sabi ni Ethan.
Medyo na-offense ako sa sinabi niya. So, what's wrong of liking a guy younger than you? Sabi nga nila 'age doesn't matter.'
"Oo, bakit may angal ka?" Tinaasan ko siya ng kilay. Hindi siya nakapagsalita. He bit his lips then sigh.
"I think we should go home. It's already late." Tumayo na si Ethan kaya sumunod na rin ako. Mag n-nine P.M. na rin pala.
"Sige Patricia, uwi na kami. Good Night!" Tumango si Pat sa sinabi ko at pagkatapos nun ay sinundan na si Ethan na naglalakad palabas ng bahay nila Pat.
"Ethan." Kalabit ko sa tahimik na naglalakad na Ethan. "Psst."
"What?" Ay, bad trip?
"Bakit ka tahimik? Unusual ah." Whenever kasi na magkasama kami eh sat sat siya ng sat sat. 'Nong nangyari?
"Nothing. Anyway . . . So, how's our school? Wala bang nambubully sayo?" Huminto siya sa paglalakad at hinarap ako. Umiling ako.
"Your threat's effective. Takot ba lahat ng student dun sayo?"
"Tss . . . Gwapo kasi ako that's why." Ngumisi siya. Nagtaas naman ako ng kilay.
"Gwapo mo mukha mo."
Kinabukasan, maaga akong nagising. Don't know why.
"Oh . . . Maaga ka ah." Saad ni mama pagkapasok ko sa kitchen. She's already preparing breakfast.
"Yeah. Si popsy?" Umupo ako sa dining chair at kumuha ng sandwich at linagyan ng peanut butter.
"Work of course. Baka mamayang hapon na ang uwi niya." Sagot ni mama. Napatango na lang ako at hindi na nagsalita.
"Good morning tita . . . Is Liane there?" Napahinto ako sa pagkagat sa sandwich at napakunot ang noo ko. Ba't ang aga ni Ethan ngayon?
"Oo . . . She's having her breakfast na. Come on, join her." Inilahad ni mama ang breakfasts namin. Ngumiti si Ethan at umupo sa tabi ko, the chair which he always sits.
"Nah tita, I'm finished. I'm just fetching Liane."
"Maaga pa ah." Sabi ko. "6:15 pa naman."
"It's better to be early than to be late." Tsk . . . Eh di wow!
"Eh di ikaw na maaga, psh." Umirap ako at kinagat ng sandwich. I heared him chuckle at hinawi ang kalat na buhok sa mukha ko.
"Ang ganda mo talaga tuwing umaga Liane." Aniya.
"Pag hapon?" Nagtaas ako ng kilay.
"Still . . . Maganda ka pa rin. Even at night of course. But no one can defeat your beauty in the morning."
"Psh . . . Tumigil ka nga sa pambobola mo. Stop! Hindi nakakatawa." I finished my third sandwich at uminom ng gatas.
"Sa sala ka na maghintay." Sabi ko at tumayo.
"K." Sumunod na rin siya sa pagtayo. Pagpasok ko sa loob ng aking kwarto ay hindi ko maiwasang ngumiti. He's sweet though. No doubt, he's my best friend.