Habang tumatagal ang halik ay mas lalo itong lumalalim. Although I'm not kissing him back. Hindi naman ako nagpumiglas... I'm giving what my best friend want. Ayoko siyang masaktan."Liane..." Hinaplos niya ang aking pisngi pagkatapos ng halik. "I... I'm sorry." Tumungo siya. I touched his cheeks.
"Ako dapat ang mag sorry eh." Sabi ko at niyakap siya.
~
Finally, the awaiting reunion of Villanuevas had come. Andito ako ngayon sa kwarto ko at nag-aayos ng gamit na kukunin ko sa resort. We'll be staying there for three days. Today's Friday so we'll need to excuse our classes in Monday.
"Tapos ka na?" Sabay na pumasok si Pat at Ethan sa kwarto ko.
"Yeah." Sagot ko kay Pat saka isinukbit ang aking bagpack. Lumapit sa akin si Ethan at kinuha ang travelling bag ko.
"Let's go." Aniya at nauna nang lumabas. Sinundan namin siya ni Patricia.
"Ako na magbubuhat, kaya ko naman." Pilit kong kinukuha iyong bag sa kay Ethan pero ayaw niya.
"No." Iniwas niya ang bag at saka inilagay sa likod ng SUV na sasakyan namin. Napabuntong hininga na lang ako. Ang tigas talaga ng ulo niya.
Dalawang SUV ang ginamit namin papunta sa resort. Sa aming mga bata iyong isa, yung isa naman ay sa mga ibang guests. Yung matatanda naman ay siyempre... sa mga kanya kanya nilang sasakyan.
Umupo ako dun sa may bintana para fresh... tumabi naman si Ethan. Katabi ni Ethan si Pat. Sa likod ay yung tatlo. Si Ryan ay sa may passenger seat.
"Wohoo, I'm so exited!" Sigaw ni Pat na agad namang sinita ni Ryan. Alam niyo na ang sunod na mangyayari. Of course ano pa ba...?
"Pake mo! Sumigaw ka rin ah kung gusto mo... epal!"
"Haist, you're making me insane ugh!" Umiling si Ryan na para bang nahihirapan na sa pagtatalo nila ni Pat.
"Eh di mabaliw ka na!" I chuckled at Pat's remark. Ang hard! Natawa rin si Ethan sa pag-aaway nung dalawa. Napatingin naman ako sa likuran namin.
Evans' scrolling his/her phone, Jillian's probably sleeping(?) with her headphone and Katherine's busy typing on her laptop. Busy ang tatlo ah.
Nagulat ako nang ipinatong ni Ethan ang kamay niya sa kamay kong nakapatong sa hita ko saka humilig sa aking balikat.
I shivered when his left arm snaked my waist from the back saka hinawakan ang aking tummy. What the fuck? I wonder what's our position right now?
Hindi naman ata napansin ng mga kasama namin ang aming posisyon dahil isa, parehong nagsuot ng headset ang dalawang kaninang nag-aaway at saka umidlip ata. Ikalawa, may sariling mundo ang tatlo sa likod... at ikatlo... naka focus ang driver sa daan siyempre.
Huminga ako ng malalim at tinitigan ang maamong mukha ni Ethan. I wonder why he fell for me? I am nothing compared to his exes. Mostly Krystal...
Krystal Shane Rosario is his first love. Palagi niya noong kinukwento sa akin kung anong tinakbo ng araw niya kasama si Krystal. Wala ni isang araw siyang umabsent na mag kwento. He tells me how he loved her, how his lips met hers... how he courted her and how she accepted him.
That was the most happiest smile I saw painted on his face for over the years we spent. He really loved her.
But it was also the saddest break up he ever felt. Naramdaman ko iyon.
He cried and cried when Krystal broke up with him many years ago without any valid reason. I was there of course... comforting him.
Si Krystal ang 100% na minahal ni Ethan. Micaella, his second girlfriend probably be 15% kasi naging rebound lang siya at hindi sineryoso ni Ethan. His third is Olivia who probably be 50% kasi naglasing siya noon nung nalaman niyang mag-aaral na ito sa abroad. His fourth, Dyan maybe 95% I think? Kasi siya ang pinakamatagal na girlfriend ng kaibigan ko.
Matatas ang standards nung apat. Magaganda at mayayaman. Me? I don't have those.
I went back to reality when he intertwined our hands. Napatingin ako sa kaniya.
"Your hand is soft." Bulong niya. "Tamad ka ba?"
"Hindi ah... ang sipag sipag ko kaya." Nagtaas ako ng kilay. Although hindi ako masyadong gumagawa ng house chores. Ayoko namang isipin niyang tamad talaga ako.
"It's okay to admit that you're lazy... I will voluntary do all your responsibilities sweety." Napaikot ako ng mata ng wala sa oras. Akala ko nagtatanong lang siya, bumabanat pala... psh, ang corny.
"Ewan ko sayo."
Hindi na kami nag-imikan pagkatapos nun at dahil dun ay bigla akong inantok. Ang tahimik eh.
I yawned at humilig sa ulo ni Ethan. And after that, I drifted off to sleep.
"Akin na nga, bwisit!"
"J.L. and J.E. will probably get angry!"
"Hindi! Hindi naman nila malalaman eh... can't you see? Natutulog po sila." I opened my right eyes to see what's the ruckus.
"They aren't sleeping anymore... see... your voice can wake up thousands of people."
Napatingin ako sa inilalayong cellphone ni Ryan kay Pat. Nagngingitngit naman iyong huli.
"Ikaw kasi eh, ayaw mo kasing ibigay. Sayo ba ha? Sayo ba?" Umirap si Pat at padabog na inagaw ang cellphone kay Ryan saka nag walk out. Tsk, wala talagang patutunguhan itong dalawa.
Umayos ako ng upo at napatingin sa ka tabi ko. He's still sleeping. Wow! Ang galing, hindi nagising sa sumbatan nung dalawa.
"Ethan..." Tinapik ko siya sa pisngi. Napatingin ako sa loob ng SUV. Kami na lang ang nandito.
"Ethan gising na." He moaned and shifts his position. Ayaw magising.
"Ethan, gumising ka na." Inangat ko iyong ulo niya at sinampal ng mahina sa pisngi.
"Ugh! What!?" Uh-oh... galit ata. Pinakaayaw pa naman niya ay naiistorbo ang tulog.
"Nandito na tayo." Pagkasabi ko nun ay nagmulat siya ng mata at napatingin sa labas.
"Oh, I'm sorry. My dream's just... uhh beautiful." Kinuha niya ang kaniyang bag at isinukbit sa kaliwang balikat. "Let's go." Halatang inaantok pa siya.
"Did you run out of sleep last night? Mukhang kaninang umaga ka pa inaantok." Tanong ko habang naglalakad kami patungo sa bahay na tutulugan namin.
Nagpresinta kasi si tita na sa temporary house nila dito sa resort kami matulog para hindi na magastos.
"Yeah." Maikli niyang sagot.
"Bakit? I thought maaga kang natutulog." Pagpatak kasi ng seven ng gabi eh pinapatay na niya ang ilaw sa kaniyang kwarto. I can see it 'coz our room is just fence apart.
"I was thinking of you." Literal na natigil ako sa sinabi niya. Napansin niya iyon kaya tumigil rin siya. "Never mind about it... let's just go."
Kinuha niya ang aking kamay at hinila na.