"Mas maganda sa beach wedding auntie... yung may sunset para mas romatic tingnan." Suggest ni tita Jen."Church wedding pa rin ang mas maganda para saksi ang Diyos." Suggest naman ni tita Penny.
"I guess mas maganda iyong wedding sa malawak na garden ng mga Villanueva." Tukoy ni tita Mika sa garden ng ancestral house ng Villanueva. Napatango ako sa suggest ni tita Mika. Ang ganda dun.
Anyway, andito kami ngayon sa sala namin at nagpaplano para sa nalalapit na kasal nina mama at popsy. Magkakasama sina mama, tita Jen, tita Penny, tita Mika at ang tahimik na si tita Fiona. Sila kasi ang mag f-friend eh.
I sigh... malapit ng ikasal sina mama. two months from now na. I didn't know why suddenly I felt unexcited in my mother's wedding. Aish.
"Hey..." Napatingin ako sa nagsalita at nakita si Ryan. "You look sad huh."
Umupo siya sa tabi ko. Our parents' keep on planning and obviously talking."Hindi naman. Si Ethan lang kasi..." Bakit iyon ang lumabas sa bibig ko? Hindi iyon ang ikinalulungkot ko okay? Ugh! What's wrong with me.
"What's with J.E.?" Kuryosong tanong ng katabi ko.
"Well... uhh, hindi na niya ako pinapansin." I know I'm the reason why he became a snobber to me but... can't he just set aside that thing? Hindi naman niya ata ako ganun kagusto eh kaya bakit kailangan pang umiwas? Psh!
Minsan hindi ko rin mabasa ang lalaki'ng iyon.
Humiwalay kami ni Ryan sa mga nakakatanda at tumungo sa likuran ng bahay kung saan iyong tambayan namin. Sumandal ako sa may puno at tumingala sa bahay nila Ethan.
"J.L. may I ask you something?"
"Hmm?"
"Do you believe in incest?" Napamulat ako at tiningnan siya.
"Bakit mo natanong?" Kunot noo kong tanong.
"Nothing... just akin'." Naningkit ang mga mata ko.
"Well... mayroon naman akong kakilala na may case na ganyan." May dalawa akong kakilala. Ninang ko yung isa... pinakasalan iyong uncle niya. Kapatid naman nung lolo ko iyong isa, pinakasalan iyong pinsan niya... pero for the sake of inheritance naman iyon. Wala kasing asawa si lolo Carlito kaya walang pamimigyan ng pensiyon.
"It isn't a sin right?"
"It's a sin." Tiningnan ko siya.
~
"Oh ano, hindi ka na niya ginugulo?" Tanong ko kay Rick habang kumakain dito sa may gilid ng gate papasok sa school. Trip lang naming tumambay dito.
"Well... ginugulo pa rin pero hindi na gaya ng dati." Ngumiti siya sabay subo sa kikiam.
"Bakit ba kasi siya nakipag break sayo kung hahabulin ka rin naman sa huli? Tanga lang ganun?" Sumubo ako ng fishball.
"Mas importante raw kasi ang pag-aaral niya, psh." Umismid siya. Tsk, halatang bitter ang tao. "Ikaw? May ex ka na ba?"
"Huh?" Napatingin ako sa kaniya. "Ex what?"
"Ex boyfriend shunga. Meron ka na?" Kung maka shunga naman 'to.
"Wala pa." Kibit balikat ko.
"Talaga? NBSB ka pa? Sa ganda mong iyan walang nagtangkang manligaw sayo?" Umiling ako.
"Dumadaan muna sila kay Ethan bago sa akin." Natawa ako. "Walang pumasa sa kaniya kaya walang nanligaw sa akin."
"Ohh... I smell something fishy." His eyes narrowed. Meron ngang something fishy.
"Eh si James... hindi ba nanligaw sayo?" Umiling ako.
"We're just friends. Best Friends to be exact." Sabi ko sabay subo sa huling fish ball.
"If I were James... hindi ko hahayaang just best friends lang tayo. Mas gusto ko iyong more than friends." Hindi ako umimik.
"Tsk... tayo na nga sa loob. Nagmumukha lang tayong tanga dito." Tumayo na ako at nagsimulang maglakad papasok. I don't want to talk about that subject.
Just when we walked inside the school, nakasalubong namin si Ethan at Dyan... with matching holding hands. HHWW tsk!
"Kalma lang Nine, huwag magpadala sa emosyon." What? Gulat kong tiningnan si Patrick
"Ano?"
"Parang gusto mo na kasing ibitin patiwarik si Dyan eh. Ang talim ng titig mo sa kaniya... mostly sa kamay nilang magkahawak." Tumawa pa siya. Psh!
"Hindi ko alam pinagsasabi mo. Pake ko ba sa kanila." Umirap ako sa banda nila. "Oh iyan na naman ex mo."
"Aish!"
~
Days pasts by... still, Ethan and I never communicates. Nakakaasar na promise... lalong lalo na kapag nakikita ko silang magkasama ni Dyan. Nakakainis sobra... ang sarap lang nilang tirisin parehas. PDA much. Kung saan saan- aish, whatever!
"Janine... anong gusto mong handa sa birthday mo?" Tanong ni mama habang kumakain kami ng dinner.
"Kahit hindi na ako maghanda ma." Walang gana kong sabi habang busy sa pagkain. Magsasalita pa sana si mama ng biglang tumunog ang cellphone niya.
"Hello? Oh yes..." Tumayo si mama at iniwan akong mag-isa dito sa kusina. Napabuntong hininga ako.
"Hey J.L.!"
"Oh Ryan, saan ka galing?" Umupo siya sa usual upuan niya... which is sa paboritong upuan ni Ethan.
"Ah... I picked up Tricia." Kumunot ang noo ko.
"Girlfriend mo?" Kumibit balikat siya. At sino naman itong Tricia na 'to?
"Anyway... J.E. and I planned to go to hike this saturday. Wanna come?"
"Uh..." I'm not sure. "Kayo lang ni Ethan?"
"No... Tri- I mean Patricia will be going too."
"Oh... okay. Sasama ako." Nang makausap na rin si Ethan.