"Reunion?" Tanong ko kay popsy habang kumakain kami hapon ng sabado."Yeah, sa resort nila Lily." Tita Lily's mom's older sister. Napatango naman ako sa sinabi ni popsy.
"It will be exciting!"
Sa August 13 kasi ay gaganapin ang grand reunion ng mga Villanueva at sa resort ni tita Lily gaganapin. Wah! Nae-excite ako!
Siguradong marami kami kasi nasabi ko naman sa inyo diba? Malawak ang sakop ng mga Villanueva dito sa bayan namin.
Pero napabuntong hininga ako.
"What's wrong anak?" Tanong ni mama.
"Eh kasi ma, Villanueva's Grand Reunion iyon. Alangan naman a-attend ako eh hindi naman ako Villanueva." Malungkot kong saad. Tinapik naman ni popsy ang kamay ko.
"Don't worry dear, soon... malapit ka nang maging Villanueva, just wait okay? Kaya don't be sad." Napangiti ako sa sinabi ni popsy. He's really a good father.
~
Tumungo ako sa bahay nila Patricia pagkatapos naming kumain. Doon ako nagpababa ng mga nakain ko.
"Yeah right! Oh my gosh... nakaka excite diba? Marami akong makikitang hot at gwapo dun." Napangiwi ako sa sinabi ni Pat. Seriously? Iyon lang ang naiisip niya dun?
"Huwag ka nga, reunion iyon gagiks. Hindi gimik." Napatingin ako sa cp ko nang tumunog ito. Si Ryan!
"Good afternoon Ryan!" Bati ko.
"Good Evening J.L.!" Bati naman niya pabalik.
"Nabalitaan niyo na ba ang reunion na magaganap?" Tanong ko. Si Pat naman nakatingin na ngayon sa sarili niyang cellphone. Hindi magkasundo si Pat at Ryan kaya hindi excited si Pat sa pagbakasyon ni Ryan.
"Yeah. It was a good news 'coz mom and family will also coming there. The Villanueva's will be complete."
"Oo nga! And I miss you so much really." Kahit puro bangayan noon kami ni Ryan, na appreciate ko naman ang kakaunting effort niya. Kaya na m-miss ko na siya.
"I miss you too." Medyo natulala ako sa sinabi niya. His voice sounds husky in that line huh.
"Well hehe." I lack words na! Bakit ba?
"I'm looking forward on meeting you..." Eh? "... all."
"Ako rin. Gusto ko nang ma meet si Jenny!" It's his little sister. She's still 2 years old. Natawa naman siya.
"Soon."
"Who's she talking on her phone?" Napatingin ako kay Ethan na bumubulong kay Pat na rinig naman. At teka? Kailan pa siya pumasok dito?
"Ryan." Simpleng sagot ni Pat.
"Ah."
"Uhm sige Ryan! I'm hanging up na. See you soon!" Magiliw kong paalam.
"Yeah okay. See you soon too!"
After that, ibinaba ko na ang tawag.
"Tapos na?" Tanong ni Patricia. Tumango ako. Lumapit naman sa akin si Ethan at umupo sa usual spot niya. Nasa veranda pala kami nila Pat as usual.
"Anyway, I heard lola and tita Jasmine (my mom) na nag-uusap about sa wedding thingy. Bakit? Ikakasal na ba si tita Jas at tito Lion?
Tanong ni Pat."Well... pinagpaplanuhan na nila since last month yung wedding kaso hindi pa alam ang exact date. Basta sabi ni popsy, soon na daw." Ngumiti ako. "Papalitan na rin nila yung surname ko at malalagyan na ng name of father ang birth certificate ko. Janine Liane Villanueva! Ay bongga!"
Natawa kami ni Pat sa sinabi ko at nag kwentuhan pa sa pagiging part ng big family nila. Ang saya! Kaso yung isa dito na katabi ko, parang biyernes santo ang mukha.
"Kailangan mo ng kandila?" Tinapik ko si Ethan sa balikat.
"Huh?"
"Para ka kasing namatayan eh." Ngumuso ako. Problema niya? Can't move on sa ex ang peg? "Hindi ka ba masaya ma magiging Villanueva na ako? Alam mo namang matagal ko nang pangarap ang maging part ng family niyo eh."
Since I didn't carry out their ancestors' surname, feel ko hindi ako kabilang sa pamilya nila kaya gustong gusto ko nang magpakasal si mama at popsy.
"Of course I'm happy!" Ngumiti siya. Pero may binulong siya na hindi ko nasundan. Yung narinig ko lang eh 'but I'll be more happy if...'
"Ala, gabi na pala." Napatingin ako sa paligid. Madilim na. I looked at my phone and it says 8:15 P.M. na ang oras. Ang bilis ah. 5 lang noong pumunta ko dito.
"Sige Pat, uwi na kami." Tumayo ako at sumunod naman si Ethan.
"Okay couz, we'll go now." Paalam ni Ethan kay Pat. Tumango naman si Pat at nag wave ng hand.
"Ingat sa pag-uwi!"
"Nagkaayos na ba kayo ni Dyan?" Tanong ko kay Ethan habang naglalakad kami pauwi.
"We're already fixed."
"I mean, yung relation..."
"I told you we didn't have any more relationship. Why are you pushing me to her? It's my choice not yours."
Natahimik naman ako sa sinabi niya. He's right though.
"I- I'm sorry." Lumapit siya sa akin at hinawakan ang braso ko.
"Hindi. Okay lang, tama ka naman. Sino ba ako para mag desisiyon sa'yo. Ikaw may-ari ng katawan mo kaya ikaw ang may karapatang mag desisiyon."
"No... what I mean is... ayokong pinagtutulakan mo ako kay Dyan. We're over you see? Bakit mo pa..."
"Nasasayangan kasi ako sa apat na taon niyong pinagsamahan." Tumungo ako.
"Gosh Liane. I don't want us to fight with this such thing." Sabi niya at hinila ako palapit sa kaniya.
"I'm sorry."
"Sabi na nga eh. May gusto ka sa akin." Pabiro kong sabi.
Ngumiti siya at ginulo ang buhok ko.
"What the...? Not my hair idiot." Tumawa lang siya at tumakbo. Aba, chasing pala ang gusto niya.
"Hoy James Ethan Lazaro! Come back here." Hindi ko iyon sinigaw kasi baka may magising ako.
"Catch me first!" Bumelat pa ang gago kaya wala na akong nagawa kundi habulin siya hanggang sa nasa tapat na kami ng bahay namin. Doon siya nagpahuli.
"Good night bestfriend kong pretty." Ngiti niya.
"Talaga lang ah."
"Oo naman... auntie." Aba'y... "joke lang hahaha. Sige pasok ka na."
"Ok." Ngumiti ako at tiningnan siya na kumakaway.