*third person's POV*
"tatawagan ba natin ang pamilya nya?" -geo
"wagg!! paiimbistigahan muna natin"-ivan
"bakit pa natin sila tatawagan?? ehh obvious namang kasalanan nila ang nangyari kay audrey!" galit na asik ni jasmine.
"jas! wag ka ngang magsalita ng ganyan. ganon paman may karapatan silang malaman ang nangyari. tsaka wag mo muna ibunton sa kanila ang sisi di pa natin alam ang lahat"-miyana.
"bakit? di pa ba sapat ang mga sinabi satin ni audrey huh?? yana??"-jasmine.
"TAMA NAHHH!!!! ilihim muna natin to. gawin natin ang nakabubuti sa sitwasyon hindi ito ang tamang panahon para magbangayan tayo"- pasinghal na saad ni mayumi. kaya natahimik sila. tumayo si mayumi at lumapit sa kinaroroonan ni ellah.
"sa ating lahat si ellah ang labis na naapektuhan sa pangyayari. ilang araw na ang lumipas simula ng mamatay si audrey. di natin sya makausap ng maayos ni hindi nga kumakain. paulit-ulit nya pang bnabanggit ang pangalan ni audrey. ehh tayo?? ano?? nagbabangayan? samantalang ito si ellah nangangailangan ng tulong natin." padabog na napaupo si mayumi at umiyak.
labis ang kanilang pangungulila sa pagkamatay ni audrey! simula ng makita nila ang bangkay nito at ang sinasabing premonition ni ellah ay di na ito maka usap ng matino. matapos nilang makita ang katawan ni audrey ay minabuti nalang nilang ilibing ito.
"bakit ba nangyayari satin to!!!" umiiyak parin na sambit ni mayumi. tumayo naman ang iba at lumapit sa kanya sabay yakap ng mga kaibigan nya sa kanya.
"hush!! malalampasan din natin to" tumatango tangong saad ni miyana.
*PAG SAPIT NG GABI*
"ellah!! kain ka na ouh!!" pangungumbinsi ni mayumi kay ellah.
"AYOKO!!nakikita nyo ba yun? o nararamdaman man lang? may nag mamasid sa atin. ALAM NYO BA YUN?? isang babaeng nakaputi nakalugay ang mahaba nyang buhok at nanglilisik ang mga mata" sabi ni ellah habang lumilingon lingon pa at tila takot na takot.
"ellah!! please naman oh! tama na tinatakot mo lang ang sarili mo ehh" umiiyak na saad na mayumi habang nakatingin kay ellah. di nya maitatangging nakaramdam sya ng awa rito.
"HINDI------- palagi nya tayong susundan. di sya titigil. kukunin nya ako. kukunin nya tayong lahat." pabulong bulong na sambit ni ellah. pagkatapos mag titili ay iiyak na naman ito. pagkatapos ay titingala.
"ellah" walang nagawa si mayumi kundi ang umiyak nalang. naaawa sya sa sitwasyon ng kaibigan.
what have i done?? tanong nya sa sarili habang nakatingin parin kay ellah na nasa isang sulok. napabuntong hininga sya saka tumayo at tuluyang lumabas ng silid ni ellah.
"di parin ba sya kumain?" -miyana.
umiling iling si mayumi bilang tugon rito.
"e konsulta na natin sya" suhistyon naman ni geo. napatingin naman sa kanya nag buong barkada.
"WHATTT??? you think ellah is a psycho??" napasigaw at napatayo si jasmine sa gulat.
"hindi naman sa ganon! pero we need to consult an expert to give us an explaination kung bakit sya nag ha-hallucinate. o kung bakit ganyang ang behaviour nya" pagtatanggol naman ni geo sa idea nya.
"UUUUUGGGGHHHHHHH EWANNN!!!!!" padabog na tumayo si jasmine sabay gulo ng buhok nya dahil sa inis at pumanhik sa taas. napayuko nalang si geo habang minamasahi ang sintido nya.
"kailangan nga siguro natin syang dalhin sa isang malapit na ospital dito"-mayumi.
"saan ba may malapit na ospital dito?" -ivan.
"sa kabilang bayan. pero kung aalis tayo ng maaga i'm sure maaabutan pa natin ang clinic hours nila."-miyana.
"sige aalis tayo ng maaga bukas. matulog na kayo" mayumi said in a voice full of authority. kaya agad na nagsi.akyatan ang magbabarkada. agad na nakatulog ang magkakaibigan dahil sa sobrang pagod.
*ilang oras pa ang lumipas*
hindi nakatulog si jasmine. magmula nong pumanhik sya at pumasok sa kwarto nya. di nya naintindihan ang nararamdaman. nagpaiba iba narin sya ng posisyon sa higaan nya. pero gayon paman ay di parin sya dinalaw ng antok. ginawa na nya ang lahat magbilang ng tupa, mag basa, makinig ng musika but still di parin sya inaantok. at sa huling pagkakataon ay wla syang ibang choice kundi ang bumaba.
binuksan nya ang pinto ng silid at bumaba ng hagdan at agad na nagtungo sa kusina. pagakarating ay agad syang nagtimpla ng gatas. di paman natapos sa pag timpla ay agad syang napalingon sa likod. tila may humagod at hanging dumaan sa batok nya nakaramdam sya ng panlalamig at di maipaliwanag na pakiramdam. bumilis ang tibok ng puso nya. kaya ngmadali syang taposin ang ginagawa. papaakyat na sana sya ng may mahagip ang mata nya sa may terrace. isang babaeng nakaputi mahaba at nakalugay ang buhok. nakaramdam man ng takot ay sinubukan nya paring lapitan ito. malapit na sya sa glass door nga may biglang hunawak sa braso nya. agad syang nanglamig at di nakapagsalita halos maihi na sya dahil sa takot na dulot nito. lalo pa syang nagulat ng magsalita ito.
"ba't di kapa natutulog?" tanong ni ivan sa kasintahan.
mabilis na napalingon si jasmine sa kasintahan. at tiningnan muli ang labas ng glass door. napabuntong hininga naman sya. tsaka tinapunan uli ng pansin ang kasintahan.
"walangya ka ivan. halos atakihin ako sa puso dahil sa ginawa mo" sabi nya sabay hampas kay ivan. at padabog na umupo sa isa sa mga stool.
"ano ba kasing ginagawa mo? tsaka teka nga lalabas ka ba?"-ivan.
naphinto sya sa pag-inom at sandaling tiningnan si ivan. tsaka sya napatingin uli sa glass door. naalala na naman nya ang nangyari kanina. totoo ba yun?? o guniguni ko lang yun??? sa isip nya.
"hooooyyy!!! ano bah??" pasigaw na saad ni ivan sa kanya sabay habang winawagayway ang mga kamay nito sa harap ng mukha ni jasmine.
"h-ha??" wala sa sariling sagot nya. di nya namalayang napalalim na pala ang pag iisip nya sa bagay na yun.
"tara nga't matulog" hinila ni ivan si jasmine paakyat. aalis na sana si ivan. ngunit mahigpit na hinawakan ni jasmine ang kamay nya. dahilan para mapatingin sya rito.
"stay!! hon please . ayoko mag isa. natatakot ako" pagmamakaawa ni jasmine sa nobyo. napabuntong hininga nalang si ivan. at nangpasya silang matulog na.
di paman nawalan ng ulirat si jasmine ay muli nyang nakita ang babae. nakatayo ito sa may bintana habang ang bistidang sout nito ay sumasabay sa kurtinang linilipad ng hangin. agad syang umusal ng dasal. at tuloyan ng nakatulog.
A/N: hi guys :) kumxta po :) advance happy halloween po sa ating lahat. hope you enjoy your sembreak po o holidays :) ... sorry po sa mga wrong grammar o typo tinatamad pa po akong e-proofread ehh.. pag tyagaan nyo nalang po :) slamat po sa suporta ..
-darkfashion04
BINABASA MO ANG
sitio walang buhay (Completed)
Paranormaltrip to new destination! seeking for enjoyment in another town. what will happen next when the enjoyment turned into scary and going to be bloody. tara!! samahan natin sila sa SITIO WALANG BUHAY.