chapter 13

215 12 0
                                    

*SOMEONE'S POV*

*booogggggsssshhhhhhh*

Napabangon ako agad ng marinig ko ang tila isang pagsabog. Dali kung sinindihan ang lampara upang magtungo sa labas at tingnan kung ano yun.

bumukas ang aking lumang pintuan . lumangitngit ito at bumungad sakin ang malamig na simoy ng madaling araw.

Mula sa labas ng kubo ay aninag ko ang umuusok na bahagi ng kagubatan. Binaybay ko ang daan papasok sa masukal at maputik na gubat. Dinig na dinig ko ang mga ingay ng mga insekto at iba pang naninirahan dito.

Pagkarating ko sa eksaktong lokasyon ay labis ang aking pagtataka. Kung bakit sa masukal nabangga at napadpad ang kotseng ito?. Ng aking siyasatin ang mga taong nakasakay rito ay tsaka lang nasagot ang tanong ko sa aking sarili.

Kung tama ang hula ko kawawa naman ang mga batang ito. Isa isa kong binaba ang walang malay na katawan nila. Pero di ko na kinuha ang isa pa dahil wala na itong buhay. At sa kanilang lahat sya ang labis na napuruhan. Di naman sya nagkalasug lasug pero di ko sya kayang tingnan.

Matapos kung ibaba ang mga katawan nila ay minabuti ko nalang na dalhin sila sa kubo. Napatingin ako sa orasan alas 3 na ng madaling araw. Napabuntong hininga nalang ako tsaka tinapunan ulit ng tingin ang mga sugatang kabataan.

binuhat ko sila isa isa patungo sa kubo na aking tinutuluyan.

Binigyan ko sila ng paunang lunas. Matagal bago ko nalinis ang mga sugat nila. Pagkatapos ay nilapatan ko ng mga gamot. Kaya pagkatapos ko silang asikasuhin ay napahilata ako at di namalayang naka idlip dala ng pagod.

*mayumi's POV*

Minulat ko ng dahan dahan ang mga mata ko. Kahit malabo alam kong nasa kubo ako. Bumangon ako pero agad akong napahawak sa ulo ko kasi sobrang sakit nito. Napaungol at napapikit ako dahil sa labis na sakit.

"Okay ka lang ba? Heto tsokolate inumin mo muna"

Napamulat ako ng mata upang tingnan ang nagmamay ari ng boses.

"Sino ka? Nasan ako?" Agad kong tanong sa kanya.

"Ako si lyrhiana. Nandito ka sa kubo ko anong nangyari sa inyo? Bakit umabot kayo sa masukal na gubat na yun at dun bumangga?"

Naguguluhan akong tumingin sa kanya. Tsaka napahawak ako sa sintido ko dahil sumakit uli ito. There were some scene flashes in my mind. At higit sa lahat si ellah ang pagkamatay nya kitang kita ko yun. At ang babaeng nakaputi na tila tuwang tuwa sa nangyari samin. Dun ko lang naalala ang  lahat.
Maluhaluha akong tumingin uli sa kanya.

"Nasaan ang mga kasama ko?" Nalulungkot na sambit ko. Napabuntong hinga sya tsaka ako inalalayang tumayo. Ang sakit din ng katawan ko marahil dala ito ng pagkabangga namin.

"Nakita ko kayo sa kalooblooban ng gubat san kayo galing?" Tanong nya sakin habang naglalakad kami patungo sa kabilang kwarto.

"Pina check up namin ang kasama namin sa isang maliit na ospital sa kabilang bayan. Di namin akalaing gabihin kami dahil maaga pa ng lisanin namin ang bayang yun" pagsalaysay ko sa kanya di ko maitago ang himig ng lungkot sa boses ko.

"Anong nangyari ba't kayo ginabi? Kung gayo'y maaga pa bago nyo lisanin ang nasabing bayan?"

Nahigit ko ang hininga ko ng makita ang mga kasama ko. Tila may sariling utak ang luha ko dahil bigla itong dumaloy. Nasasaktan ako sa kalagayan nila. Nanglalambot ang tuhod ko kaya napakapit ako sa dingding.

"Naligaw kami. Sabi ni geo bumabalikbalik kami sa dinadaanan namin. *huk* at sa isang iglap pagkagising namin biglang nag iba *huk* ang paligid *huk*" umiiyak na sagot ko sa kanya. Agad syang lumapit sakin at hinihimas ang likod ko. Di ko mapigilan ang aking paghikbi.

Mayamaya pa'y Pinaupo nya ako sa sofa na yari sa kawayan. At sa tapat ko naman sya umupo.

"Hindi kayo taga rito sa sityo diba?"  Sambit nya habang nagsasalin ng kape sa baso nya. Naguguluhan man pero sinagot ko parin sya.

"K-kakalipat lang namin nung nagdaang dalawang buwan" nakakunot noong tugon ko sa kanya. Napatango naman sya.

*enkkkkkkk*

Napatingin kami sa kwartong bumukas at buhat sa loob lumabas si jasmine kasama si ivan. Mabilis namang lumapit si lyrhiana sa kanila at inalalayan sila hanggang sa maka upo.

Muli nagsalin ng tsokolate si lyrhiana para kay ivan at jasmine.

" s-sino k-ka po?" -jasmine

Napabuntong hininga muli sya. At tiningan ako tsaka muling nagsalita.

"Ako si lyrhiana"

"Sya ang nakakita satin mula sa pagkaka aksidente" dugtong ko sa sinabi nya. Tumango nalang sila at ininum ang tsokolate.

"Yumi wala si ellah!. Nasan sya?" Nagtatakang tanong ni ivan. Nahigit ko ang hininga ko. Magsasalita na sana ako ngunit naunahan ako ni lyrhiana.

"Patay na sya!" Walang ka gatol gatol na sabi nya.

napatingin ako sa kanya na may halong lungkot saking mga mata. ansakit talaga.

Napalaki naman ang mata ni ivan lalo na si jasmine na tila hindi makapaniwala sa sinabi ni lyrhiana.

"H-hindi hindi t-totoo yan!!" -jasmine said while crying. Maagap naman syang niyakap ni ivan.

"No--- it can't be" umiiyak na saad parin ni jasmine habang umiiling iling. Napabaling ako sa ibang direksyon. I cant take to see jasmine crying it hurts me so much. Muli pumatak ang luha ko.

"Its okay babe!! Hush now. Wala na tayong magagawa" pag aalo ni ivan sa kasintahan.

Mabilis na lumipas ang oras at kumagat na uli ang dilim. Nanatiling blanko ang isipan ko sa mga nangyayari. Nag mistulang isang pelikula ang buhay namin ngayon.

"Kain na tayo mayumi!" Tawag sakin ni miyana tumingin ako sa kanya at tinungo na rin ang dining area.

Tahimik kaming kumain. Di ako komportable. Naaasiwa ako. Narinig kung tumikhim si lyrhiana. Dahilan upang mapatingin ako sa kanya.

"Kailan nga kayo dumating dito?" Lyrhiana breaks the ice.

"Kami ni miyana nong nakaraang dalwang buwan nagkasabay kami sa paglipat" sagot ko sa kanya.

"Kami nung firstweek lang ng august" -jasmine.

"Kaya pala wala kayong alam sa storyang namumuo sa sityong ito?" Seryosong Sabi ni lyrhiana habang patuloy sa pagkain.

Napa tingin naman kaming lahat sa kanya. Meron bang tinatago ang bayang ito? Napaka misteryoso.

"A-anong pinagsasabi mo?" Naguguluhang sabi ni geo. Bakas sa mukha namin na naguguluhan talaga. Since di pa naman kami matagal dito sa sityo at wala pa kaming alam bukod sa sinasabi nilang di dapat magpapunta ng dayo sa buwan ng agosto.

"There's always a mystery or a story behind the place. Sigurado ba kayong nanaisin nyong malaman ang mysteryong bumabalot sa sityong ito?" Batid sa boses nya ang sobrang seryoso. Though she's always serious pero parang ibang tao ang kaharap namin ngayon.

Kinakabahan ako na ewan!! Gusto ba talaga naming halungkatin nya at himayin ang nakaraan ng sityong ito? O hahayaan nalang naming itago nya ang nakabinbing sekreto dito. Naguguluhan ako.

Bakas sa mukha nilang apat na naguguluhan din bagama't kinakabahan ay tumango nalang sila. Napahinga ako ng malalim at tumango rin. Inihahanda ko na ang sarili ko sa maaring kinalabasan ng kanyang pagkwento.

----> to be continued..

A/N: tnx for keep on reading this story :) feel free to comment and vote. Dont forget to follow me ..

-darkfashion04.

sitio walang buhay (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon