Tayo nga ba? o Ako lang mag isa?

132 5 0
                                    

Hi baby! Yan, yan yung mga katagang palagi mong sinasabi
na lumabas diyan sa mga magaganda mong labi
at sabi mo pa nga dati na ako'y parating mananatili
sa iyong mga daliri
at hindi mo pakakawalan
at kahit kailan ay hindi mo iiwan
Pero ngayon, ano na ang nagyari
sa mga pangako mo dati
na hanggang ngayon sa akin ay nananatili.
Yung ? sinabi mong habang buhay lang na ako
yung mga sinabi mong habang buhay na merong tayo
dahil mahal na mahal mo ko.
Pero anong ginawa mo,
pinag palit mo lang ako, sa Ex girlfriend mo
na walang ginawa kung hindi sirain tayo
mula pa simula na ibigin mo ko
at nung simula na ibigin na rin kita
ngunit baliwala lang pala
dahil ginawa mo lang akong rebound nung mga panaahong bored ka.
Ginawa mo lang akong laruan
na parang lagi mo nalang akong dinidiktahan.
Pero mahal, oo mahal kahit alam kong ang tinitibok ng puso mo ay oo alam ko na mula pa sa simula na ang relasyong ito ay parang ako lang
na dapat ay tayong dalawa.

Ngunit ano nga ba ang meron sa salitang tayo.
Letrang T tatawirin
Na lahat ng problema ay kakayanin
Bastat iko at ikaw lamang ang iibigin
Ngunit ang pangako mong Mamahalin
Na mas matulin pa sa isang lumilipad na buhangin

At akong parang isang ibong napadpad sa isang islang hindi ko alam
dahil iniwanan mo ako sa gitna ng papawirin
na ating dapat ay tatawirin
at pagkatapos ay ikaw at ikaw lamang ang iibigin
hanggang mapansin ko na ako pala ay nakabitin
sa isang pangako na sa akin ay pumapatay
gamit ang lubid na nakasampay sa mismong iyong mga kamay.
Pero hanggang ngayon, ito ako, nag iintay
Sa isang oo mo na kahit kailan ay di mo sakin kayang ibigay.

Letrang A Aasa
Sa mga pangako mong nakakatukso
Sa taong tinitibok ng puso ko
Oo ikaw,
Ikaw lamang at wala ng iba
Ang palaging iniintindi mula sa simula
Na sabihin mong merong tayo, merong ikaw at ako,
Pero wala.

Walang pag asa
Walang pakielam
Dahil lagi na lang akong umaasa
Na hindi na ako magdusa
Sa aking parusa
Na dulot ng isang katulad mong paasa.

Letrang Y yakap
Yun yung palagi mong gingawa sa kanya
Na kahit sa harapan pa ng iba
Na kahit kailan sayo ay hindi ko nadama.
Ang yakap ng pag mamahal
Ang yakap ng pag intindi.
Na gusto kong sayo manggaling
Na aking ipinagdarasal
Sapoong maykapal
Na ikaw naman ay mapa sa akin
Na ikaw naman ay magising sa katotohanan
Na tayo ang nakatakdang mag katuluyan.
Pero ako yung nagising
Sa katotohanan na pinagtagpo lang tayo pero hindi tayo nakatakdang magkatuluyan at magmahalan.
Dahil sayo ay isa nga lang pala akong di hamak na babaeng umiibig sayo
Na talo mo pa artista kung makatanggi na wala namang tayo?!
Oh dapat bang sabihin kong wala naman talagang tayo.
Dahil puro ako kang naman ang lumalaban para sayo at para sa relasyong ito.

Letrang O Oportunidad
Na dapat ay akin na sana
Ngunit hindi mo binigay
Dahil hindi mo nadama
Dahil kulang pang minahal kita
Na lahat ay ginawa para mahanap ka sinta.
Aking sinisinta
Na siya ring pumapatay sa aking kaluluwa
Na kahit kailan ay hindi mo nadama
Dahil manhid ka
Dahil sayo ay wala akong silbi
Dahil sayo ay kailangan mo ng babae
Nakayang ibigay pati ang sirili.

Katotohanan

Na hanggang ngayon ay minamahal parin kita
Na hanggang nagyon ay handa akong mag pakatanga.

Dahil alam kong kahit kailan ay hindi mo gugustuhing madama
Na ikay aking sinisinta

Hindi mo gugustuhing madama
Na minamahal kita

Na gusto kong dinggin
Ngunit ayaw mong pakinggan.

Katotohanan na sayo lang bumabalik ang puso ko

Dahil ikaw lamang ang minamahal ko.

Ngayon hindi ko na alam kung kaya ko pa ito
Kaya dapat malinaw na, habang maaga pa
Dahil hindi ko na alam kung anong gagawin.
Sa relasyon natin, o dapat bang sabihin kong pasakit lamang sa akin.

Tayo ba? O Ako lang mag isa?

#HugotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon