PAALAM NA, PATAWAD AT MAHAL NA MAHAL KITA

182 5 0
                                    

Panibagong araw nanaman
Mag kikita ulit tayo sa dati nating tagpuan
Na syang pinangnakuan na WALANG iwanan
Suot ko ang bigay mong damit sa akin
Na sya ring pinag kasunduang isuot natin.

Kagabi, nag usap tayo
Gamit ang ating mga telepono
Habang nakikinig ka sa radyo ng nanay mo.
At akoy nakikinig sayo,
Sa pag kukwento mo Kung anong Nang yari sa
Sa araw mo.

Na alala ko kagabi
Nung sinabi mong dadalo tayo sa party,
Nang iyong kaibigang si Raffy.
Nag tatanong Kung anong pwedeng iregalo sa kanya
Dahil para sayo ay parang kapatid mo na siya.

Mahal, Hindi ko alam kung Bakit Hindi ko masabi.
Ngayon, nandito kana sa aking tabi
Na kausap na kita mula pa kagabi
Na ang mga salita ay manggagaling na mismo sa iyong mga labi
Bakit nga ba Di ko kayang ilabas?

Na akoy may matagal Nang karamdamang ayaw ilabas?
Dahil ayaw kong sayo ay iparanas
Na akoy nahihirapan Nang huminga
Na namumulupot na ang aking sikmura
Na ang aking paningin ay umiikot na
Sinta. Ayaw Lang kitang mag alala.

Balikan natin yung simula
Na makaranas ako ng mga gabing
Masakit ang aking ulo na kahit kailan
ay hindi ko pa naramdaman ang sakit na parang impyerno
Hindi ko malimutan
Ang gabing sinabi mong mahal kita
Ang inalala ko sa tuwina
Kapag akoy sinusugod sa ospital
Ng aking Ina.
Dahil kulang daw ako sa mga bitamina
Hindi ko alam kung anong meron sa aking katawang
Hinang hina na.
Hanggang sa akoy nasanay, sa sakit na dulot ng aking karamdaman.
Inuulit ko sinta, ayaw kitang mag alala.
Bakit? Dahil Sabi mo ay may pangarap ka.
Para sa ating dalawa
Nag tatrabaho ka, para sa akin ay maibigay ang lahat ng mga bagay
Na aking gustong makuha
Pero ngayon ay akoy matamlay
Hindi ko na minsan kayang igalaw ang aking mga kamay
Pero para sayo mahal, sinta, baby, irog...Sinusubukan kong mag reply.
Sinisikap kong tumugon
Na parang ang lakas lakas ko pa
Pinipilit kong tumugon
Na parang Wala akong iniinda
Tumutugon ako dahil mahal kita.
Inuulit ko, ayaw kitang mag alala.

Lumipas ang ilang mga araw
Ang liwanag  ay hindi ko na matanaw.
Hindi ko na kayang imulat pa ang aking mga mata.
Umiyak ako ng umiyak na Wala na akong makikita.
Hindi na kita matatanaw
Hindi na ako matutunaw
Sa mga pag tingin mo sakin
Gamit ang iyong mga panananaw
Hindi ko na Alam ang dapat kong gawin.
Dahil hindi ko na alam kung makikita pa kita
WALANG kasiguraduhang ikaw ay aking mahahagkan pa.
Inuulit ko sinta ayaw kitang mag alala.

Ayaw kong iyong mabatid na akoy nahihirapan kayat
Aking tinapos ang ating pag mamahalan
Ang relasyong pangako ay WALANG iwanan.
Na ngayon ay akin Nang tinuldukan.

Mga inalala kong pangako natin sa isat isa
Sinira ko ng dahil akoy bulag na.
Mahal Hindi ko kayang damhin ang Luha mong pumapatak
Sa iyong mga pisngi
Mahal,
Di ko kayang sikmuraing
Hindi ka pa naglilisan
Mahal
Hindi kita kayang iwanan.
Pero sa huli, ginusto ko namang malaman mong mahal na mahal kita.
Mahal inuulit kong ayaw Lang kitang mag alala.

Bakit ba Hindi ko maipahiwatig sa iyo
Ang nararamdaman kong komplikado
Pero mahal, Hindi na ako mahahinga!
Hindi ko na kayang ibuga
Ang mga katagang mahal na mahal kita.
Akoy hinang hina na.
Hindi ko na Kaya.
Hanggang sa dumating ka, sa aking Kama
At hinawakan ang aking kamay na syang nag bigay lakas sa aking buhay
Ang bawat luhang tumutulo sa aking mga mata, ay sinasalo ng iyong hinalaki
At bigla kang sumigaw
Na kahit kailan ay buwan na huwag akong bibitaw, mahal bigla na Lang akong NAWALA sa aking Malay Nang sabihin mong mahal kita.
Ang huling salita na hinihiling kong madinig!
Ay makuha ko na,
Kaya akoy Lilisan na
Sa pagkat Di ko na masikmura pa
Ang makita ang aking kobre Kama ay unti unti Nang nababasa
Dahil Dyan sa iyong mga tumutulong luha
Na dulot ng isang katulad kong TAONG Mahina.
Binalot ako ng hinagpis
lalo na noong mga panahong nag titiis
Sa mga lubid ng mga pasakit
Pero Bakit?
Bakit ko pa nagagawang mag tago
Sa isang taong
WALANG ibang ginawa kundi mahalin ako
WALANG ibang ginawa kung Hindi intindihin ako
Bakit? Bakit? Ko nagawang itago sayo!?
Dahil ayaw Lang kitang mag alala
Ayaw kong sayo ay iparamdam and dinadanas kong parusa
At lalong ayokong makita kang na Luha sa piling ng iba
Dahil mahal, uulitin ko ayaw Lang kitang mag alala!
Kahit gusto Kung ipadama na mahal na mahal kita
Naaalala kong akoy Mahina na pala!
Mahal,
Hindi ko na yata Kaya pa!
Ayoko na!
Oo na!
Ako na tong si tanga!
Mahal,
Bakit ang sakit?
Bumabalik sa akin lahat ng ala ala noong tayong dalawa pa?!
Mahal,
Ipipikit ko na ang aking mga mata!
At palagi mong tatandaan na mahal, minahal, minamahal kita...
Hinding hindi ko malilimutan ang mga Oras na iyong nilaan
Para sa ating dalawa
Unang akoy mapaligaya mahal,
Salamat at dumating ka,
Sa buhay kong napakagulo
At sa puso kong muntik Nang mag Sara!
Mahal,
PAALAM NA, PATAWAD AT MAHAL NA MAHAL KITA.

#HugotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon