Para Sayo at Para sa Sarili ko

429 4 0
                                    

Sa pag Lipas ng mga panahong akoy nag iisa.
Ang mga panahong hina hanap kita.
Mga Oras na kailangan kita.
Sinta, sa mga panahong Hindi ko na Kaya.
Hindi ko matiis Ang mga hanging lumilipas at lumalagpas sa aking mukha
Na nag dudulot mismo sa aking mga mata para lumuha
Mga panahong Hindi ko na masikmurang maalala
Ang sirili ko sa salaming basag na basag na
Ilang beses na rin palang naging gripo aking mga mata.

Hindi ko na nga gustong balikan
Ang aking mapapait na nakaraan
Sa mga WALANG sawa kong kakulitan
Sa Nakaka sawa kong Kabaliwan
Noong mga panahong akoy iyong iniwan.
Noong mga panahong akoy iyong Paulit ulit na pinag laruan.
Hanggang ngayon ay inaalala ko
Yung mga pangako mo
Yung mga sinabi mo
Mga pangakong pinangako mo at ipinako mo
Ang puso kong wasak  na wasak
Na para bang sa isang toreng mataas ay iyong ibinagsak
Ang mga sugat na iyong iniwan
Dulot ng iyong pag lisan
Sa kalagitnaaan
Ng isang malawak na karagatan
Kung saan ay ang pinagkalasan ng ating pagmamahalan
Ang WALANG hanggang pangakuan
Ay na tapos dulot ng isang hiwalayan
Na mismong iyong sinimulan
Siguro nagtataka kayo kung saan ko pa ba nakukuha Ang mga salitang Ito
Kung saan ako Nakaka Hugot dahil ang bata bata ko.
Kung saan ko Naranasan, nasaksihan, nalaman,natuklasan
Ang mga tunay na nararamdaman nga mga TAONG iniiwan
Ang tunay na nararamdaman ng mga TAONG nasasaktan
Ang tunay na nararamdaman ng mga TAONG napuputulan ng mga tulay
Na syang nagbibigay kulay sa ating mga buhay
Ang tunay na nararamdaman ng mga TAONG naaagawan, napag iiwanan, napag titripan.
Ngayon gustong kong inyong malaman.
Na akoy inyong kaibigan
Na akin ring naranasan
Lahat lahat ng inyong pinag daanan.

Kasama ako sa inyong mag kakatropa
Kasama ako sa inyong mga ginawang pangreserba
Kasama ako sa inyong mga pinag pustahan
Kasama ako sa inyong mga iniwan
Kasama ako sa inyong mga pinag laruan,pinagkatuwaan,pinag kaitan ng mga katotohanang dapat ay inyo pang dating nalaman
Ngayon huwag ninyong sabihing Hindi ko dama
Hindi ko alam yung mga panahong nilisan ka
Huwag mong sasabihing Hindi ko nasaksihan
Dahil ako mismo, ay aking naramdaman
Ang pakiramdam ng halos pag Luha mo ng dugo
Ang pakiramdam ng halos pag Pako mo sa sarili mo
Ang pakiramdam ng hanapin Kung anong naging kulang sayo
Ramdam ko lahat dahil ako, ako...Ako mismo naramasan ko!
Pinag daanan ko! At pinagmamalaki kong sabihing nalampasan ko...
Nang dahil sa pag mamahal ng dahil sa nakita kong kapal na ng tela na nagawa ko sa pag asa sa isang katulad mo.

Huwag ninyo akong ibahin
Dahil lahat ng paraan ay aking ibinigay
Dahil lahat ng Kaya kong ilaan ay akin Nang inialay
Uulitin ko LAHAT AY AKING IBINIGAY.
Na sa iba ay Wala nang papantay.

#HugotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon