Sa Umpisa Lang Nakakakilig Ang Crush

280 6 0
                                    

SA UMPISA LANG NAKAKAKILIG ANG CRUSH

Eri Robles

Prologue

Nagsimula ang lahat nung Grade 4 kaming dalawa. Sabay kasi kaming umuuwi tuwing gabi dahil ayaw ni Mama na umuuwi ako ng mag-isa. Nilalakad lang namin 'yung shortcut sa may likod ng school para makarating sa bahay namin. Magkapitbahay kasi kami ni Eman.

And dahilan kaya nagbago ang lahat ng araw na 'yon ay dahil sa isang ulan.

Naghihintay lang ako sa labas ng school gate para kay Eman, nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Sakto namang umulan pa kung kailan naiwan ko 'yung kapote ko. Nakatayo lang ako sa ilalim ng malakas na ulan habang hinihintay na lumabas si Eman. Nang matanaw niya ako, nagmadali siyang puntahan ako. Naka-kapote siya nun at hinubad niya 'yon para isuot sa akin.

"Wag kang magpapaulan, Reinne. Sige ka, mag-aalala ako niyan eh."

And just like that, I'm a goner.

Hindi ko alam kung epekto lang ba 'yon ng ulan o ng nakaka-hypnotize niyang mata o ng ngiti niyang nakakaloko, pero hindi ako makakilos pagkatapos niyang sabihin 'yon. Pakiramdam ko, huminto ang lahat at wala akong ibang naririnig kundi ang kabog ng dibdib ko. Alam ko, alam kong masyado pa kaming bata para makaramdam ako ng ganun sa kanya. Pero ano ba naman ang simpleng crush, diba?

So, ayun. Simula nung araw na 'yon, nag-iba na ang tingin ko kay Eman. All of a sudden, lahat na ng joke niya nakakatawa, lahat ng gawin niya nakakabilib. Kahit sa simpeng laro ng mataya-taya, natutulala ako sa kanya. At dahil ayaw niyang sumali sa amin na maglaro ng ten-twenty o chinese garter, ako na lang ang sumasali sa kanila na maglaro ng habulan. As usual, dahil ako lang ang nag-iisang babae, burot ako palagi.

Sa simpleng crush lang lahat nagsimula. Saan kaya mauuwi 'tong pagtingin ko sa'king kababata?

Sa Umpisa Lang Nakakakilig Ang CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon