Chapter 2

69 2 0
                                    

SA UMPISA LANG NAKAKAKILIG ANG CRUSH

Eri Robles

2. Cheating Positions

EMAN.

Kung minamalas ka nga naman. Normal na sa'kin ang maging late madalas, pero ito na yata ang pinakamalala sa lahat. Second period na nung dumating ako sa klase at nagsisimula nang mag-discuss and Math teacher namin na si Miss Hernandez. Patay na.

"Finally, Mr. Soriano. How generous of you to grace us with your presence," bungas sa'kin ni Ma'am. At tulad nga ng kwento dati ng mga kasamahan ko sa basketball team na ahead sa akin, si Miss Hernandez nga yata ang Miss Minchin ng AWHS.

Ngayon lang namin nakikilala ang mga teachers namin per subject dahil para sa advisers lang ang whole day kahapon. Kaya eto ako, unang meeting pa lang, bad shot na agad. At ang masaklap pa, wala akong valis reason. Unless, valid na matatawag ang hindi ako nagising sa alarm ko.

Tinapunan lang ako ni Miss Hernandez ng nagbabantang tingin at saka sinabing, "Dahil kumpleto na kayo, umpisahan na natin ang pag-aayos ng seating arrangement."

Walang umangal. Lahat ng mga kaklase ko ay tumayo at pumunta sa harapan para mabakante 'yung mga upuan. Nilapitan ko sina Reuben at Tony.

"Delikado ba 'ko?" bulong ko sa kanila.

Binigyan lang ako ng pity look ni Reuben. Si Tony naman ang sumagot. "Malamang, tol. Kanina pa nga walang umiimik sa kanya sa mga kaklase natin eh. Malas mo."

"Okay, IV-Venus," umpisa ni Miss Hernandez na siyang dahilan para mabaling ulit ang atensiyon naming tatlo sa kanya. "This is how this seating arrangement will be set. Gusto ko, alternate ang boys at girls paar hindi niyo katabi ang mga kadaldalan niyo. Fall in line and find your height."

Nagsimula nang pumila ang mga kaklase ko. Maglalakad na sana ako papunta sa bandang likuran ng pila ng mga boys nang bigla akong ituro ni Ma'am.

"At ikaw, Soriano, saan ka pupunta? Dito ka sa harapan ko uupo." Tinuro niya 'yung armchair sa gitna ng front row.

Kamalasan Number 2.

Resigned, bumuntong hininga na lang ako at naupo sa upuan na tinuro niya. Nasa ibang lugar na ang utak ko nang simulan na niyang paupuan 'yung sa rightmost ng front row. At bigla lang akong nabalik sa realidad nang matanto ko kung sino na ang nasa harap ng pila ng mga babae, at 'yung sa tabi ko na pala ang susunod na bakante.

Si Reinne Rivera.

Hindi ko makita sa mukha niya kung katulad ko rin ba siyang hindi komportable sa sitwasyon namin ngayon, dahil katulad na lang ng tuwing nagkakaharap kami, expressionless ang mukha niya. I really messed up when it came to this girl. Dahil ang minsang pinakamasayahing babaeng kilala ko, eto at capable nang maging cold pagdating sa'kin.

Kamalasan Number 3.

Naupo lang siya sa tabi ko ng walang imik. At tahimik ko lang din siyang pinagmasdan. Sayang talaga at hindi pa siya 'yung na-elect na muse kahapon. Maganda naman kasi si Reinne -- in her natural and plain way -- sadyang wala lang talaga siyang bilib sa sarili.

To make matters worse, biglang may estudyanteng dumating para sabihing pinapatawag si Ma'am sa faculty room ng Math Head. Kaya naman hinold muna 'yung pag-ayos ng seating arrangement habang nasa labas pa siya. At dahil walang Miss Hernandez para i-consume ang mga attention namin, ramdam na ramdam ko tuloy ang awkwardness ng paligid.

At ang lokong si Reuben, nag-aasar pa at tinuro ako at si Reinne, saka sinabing, "Uy, bagong love team oh."

At dahil tahimik ang buong klase nung sinabi niya 'yon, narinig siya ng lahat at nagsimulang magbulungan ng, "Ayie," "Kinikilig na yan," o "Kiss naman diyan oh." All of which made me think of Reinne way back before high school. Sapat na 'yon para mag-manifest sa mukha ko ang reaksiyon na inaatim ng mga siraulong kaibigan ko.

Sa Umpisa Lang Nakakakilig Ang CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon