Sa Umpisa Lang Nakakakilig Ang Crush
Eri Robles
3. Rock Bottom
REINNE.
[Mella Corpuz] Did you see what I saw a while ago?
[Louise Salvador] Ano ba 'yan, Mel? Magtatanong pa kasi, hindi na lang sabihin.
[Mella Corpuz] Oy, Salvador, tigil-tigilan mo nga ako ng pangbi-bitch mo. Tinutukoy ko ay kung nakita niyo si Eman at Maui kanina na nagd-date sa plaza.
[Donita Aliyah Lim] Nakita ko 'yon!
[Reinne Rivera] Seriously, girls? Sina Eman at Maui na naman ang pag-uusapan natin? Baka nabibilaukan na sila mula pa kagabi.
[Louise Salvador] Uyy, concern!
[Donita Aliyah Lim] Bakit, sinong gusto mong pag-usapan natin? Ikaw naman at si Eman? Game ako!
[Mella Corpuz] Eman at Maui na lang.
[Donita Aliyah Lim] Buzzkill ka, Mel.
[Reinne Rivera] *Facepalm*
The next day, as usual, hot topic pa rin sa mga friends ko sina Eman at Maui. Puro pang-ookray lang naman ang naririnig kong sinasabi nila. They're my friends, after all. Pero may iba sa araw na 'to. Dahil for the first time in four years, binati ako ni Eman nang magkasalubong kami sa may gate papasok ng school. Hindi lang 'yan. Pati ang girlfriend niyang si Maui binati rin ako. At pagkatapos nun, umalis na rin sila. Malamang nagpagising pa 'yang si Eman sa Mama niya para lang makapasok ng maaga at masundo si Maui.
"Nangyari ba talaga 'yung nakita kong nangyari?" tanong ni Louise na kasabay kong papasok ng gate. Kaming dalawa lang ang madalas na naghihintayan sa gate dahil laging late kung pumasok sina Aliyah at Mella.
"Kung ang tinutukoy mo ay 'yung nginitian ako ng bagong love birds ng AWHS, oo, nangyari talaga 'yon," sagot ko.
Sumimangot naman si Louise. "Ang kapal din naman ng face ng Soriano na 'yon para ngumiti ng wagas sa'yo habang makabalandra sa tabi niya 'yung jowa niyang parang isinubsob sa espasol dahil sa kapal ng foundation sa mukha."
Bumuntong hininga na lang ako. "Hayaan mo na nga." Naglakad na ako papasok ng gate. Sinundan naman ako ni Louise.
"Alam mo, girl, bilib talaga ako sa pagtatago mo ng reaksiyon pagdating diyan kay Soriano ah. Kung hindi ka nagho-hold back sa reaksiyon mo pagdating sa kanya, paano mo kaya siya hinarap kanina?"
Napaisip naman ako sa sinabing 'yon ni Louise. "Siguro baka ginawa ko rin 'yung ginawa niya sa akin noong Grade 6 tayo." Then nag-smirk ako. "At sa harapan pa ng girlfriend niya para bongga."
Nag-high five kaming dalawa at didiretso na sana sa classroom namin. Alam kong napansin rin ni Louise sa periphery namin na ihinatid ni Eman sa room niya si Maui. And masakit lang, nakita ko pa nung mag-goodbye kiss si Maui sa kanya. Nakakainis naman 'tong nararamdaman kong selos. Four years na eh. Dapat naka-move on na 'ko. After all, wala naman talaga akong kahit anong claim sa kanya.
"Girl, parang gusto ko ng shake," biglang sabi ni Louise, na alam kong paraan niya lang para i-distract ako sa nakita ko. "Punta muna tayo sa canteen."
"Okay," na lang ang nasabi ko.
Nilagpasan namin 'yung classroom namin at saka dumiretso sa canteen. Wala pang gaanong tao, kasi naman sobrang aga pa. Kung may mga customers man dito ngayon, siguro 'yung mga nakalimutan lang mag-almusal sa bahay.
Pagka-order ni Louise ng shake niya, nilingon niya ako. "Anong sa'yo? Libre ko."
Tinaasan ko siya ng isang kilay. "Aba, anong meron at nanglilibre ka?"
BINABASA MO ANG
Sa Umpisa Lang Nakakakilig Ang Crush
Genç KurguSix years ago, nagbago ang buhay ni Reinne Rivera nang magkagusto siya sa kababata niyang parang nakababatang kapatid lang ang turing sa kanya. Four years ago, sa sariling paraan ni Eman Soriano ay ipinaintindi niya kay Reinne na ayaw na niya ng ka...