Chapter 1

202 2 0
                                    

Sa Umpisa Lang Nakakakilig Ang Crush

Eri Robles

1. Eye Contact

REINNE.

"The table is now open for the election of the president," sabi ng class adviser at Filipino teacher namin na si Mrs. Martinez. Ironic lang na kailangan pang English ang eleksiyon eh Filipino nga ang subject niya.

Pagkatapos ng opening statement ni Ma'am, lumipad na ng tuluyan ang utak ko. Ni hindi ko nga natandaan kung sinu-sino ang nanalo ng anu-anong posisyon eh. Elections never made sense to me, until I heard my name on this one.

"I respectfully nominate Reinne Rivera for muse," sabi ni Mella, and babaeng nakaupo sa tabi ko at supposed-to-be friend ko rin. Pagkatapos ay binigyan niya ako ng nang-aasar na ngiti at saka nakipag-high five kina Louise at Aliyah na nakaupo rin sa row namin.

Kita mo 'tong apat na 'to. Pinagkakatuwaan na naman ako. Bumuntong hininga na lang ako at tinuon ang mata ko ulit sa labas ng bintana. Tanaw kasi mula sa pwesto ko 'yung field sa baba.

Hindi masyadong nag-register sa utak ko pero may isa pang ni-nominate na muse. Mira-something. Nilingon ko 'yung black board para basahin 'yung pangalan -- Mira Dolencio.

"'Yung dalawang nominees, please stand up in front," sabi ni Trisha, 'yung elected president.

Ano?! Hindi pa ba ako nasa nakakahiyang sitwasyon na nakaupo dito habang naglalakad sa aisle 'tong magandang nilalang na si Mira Dolencio? Obvious naman siguro sa isang tingin pa lang kung sino ang muse-worthy sa aming dalawa, diba? Wala sana akong planong tumayo kaso hinigit ako at tinulak paharap ni Mella.

Tinapunan ko silang tatlo ng tingin na nagtatanong ng, "Kaibigan ko ba talaga kayo?" Kinindatan lang nila ako.

Habang nakatayo ako sa harap katabi ng diyosang si Mira, ramdam kong pulang pula na ang mukha ko. Mamamatay na yata ako sa hiya. Ganun pa man, hindi pa rin nakaligtas sa mga mata ko ang patagong pagpasok ni Eman Soriano sa classroom habang nakatalikod si Mrs. Martinez.

Unang araw pa lang ng klase, late na agad siya. Sa likod ng classroom 'yung pinto kaya naman kaming tatlong nakatayo lang sa harapan ang nakakita sa kanya (bukod kay Ma'am, syempre.) Agad rin siyang umupo sa tabi ni Reuben sa pinakalikod na row.

"So, anyway," umpisa ni Trisha, "sinong boboto kay Reinne para sa muse?"

Ayoko sanang tumingin sa mga kaklase ko pero dala ng curiosity ay tiningnan ko na rin kung sinong mga nagtaas ng kamay para sa'kin. 'Yung tatlong bruhang mga kaibigan ko nagtaas syempre, pati na 'yung mga babae sa first row, 'yung tatlong naghaharutan sa row sa likod nila Mella, may iilan-ilan din sa ibang row pero ang pinakanapansin ko sa lahat ay si Eman. Bumoto rin siya sa akin?

"At para naman kay Mira?"

Hindi ko na tiningnan 'yung mga nagtaas ng kamay para kay Mira. At ang resulta? Ako: sixteen; Mira: nineteen.

Pinilit kong ngumiti kahit na ang totoo ay gusto ko na lang matunaw sa kinatatayuan ko. Ito ang idea of a joke ng mga kaibigan ko: ang iboto para sa muse ang boyish na si Reinne. Technically, hindi naman ako kasing boyish ng iniisip niyo. Well, not since nag-high school na kami. Pero sabi nga nila, old habits die hard. Kahit simpleng posture at gait ko na lang hindi pa rin kasing prim and proper ng sa mga ibang senior girls ng AWHS.

"I respectfully nominate Eman Soriano for escort."

"I close the nomination for escort."

"I second the motion."

This time, ayon na rin sa unanious vote naming lahat, si Eman na naman ang escort. Fourth consecutive year niya na 'to bilang class escort, kahit na ni minsan hindi siya nag-participate bilang Mr. Angel Wings High School. Mas 'trip niya kasi ang sports kaysa daw ang magpapogi.' His words, not mine. Marami siyang sports na nilalaro, pero sa skateboarding lang talaga ang passion niya miski nung nasa elementary school pa lang kami. I would know; magkapitbahay kami eh. Although hindi na kami kasing close ng dati.

Sa Umpisa Lang Nakakakilig Ang CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon