Chapter 4

44 0 0
                                    

Sa Umpisa Lang Nakakakilig Ang Crush

Eri Robles

4. New Normal

EMAN.

"Hoy, gising na, Eman!"

"Ma, maaga pa eh. Wala pang araw sa bintana oh."

"Baliw. Sa kabilang direksyon 'yung bintana mo. Cabinet 'yang tinuturo mo, naturalmente walang araw na sisikat diyan. At saka, excuse me, hindi ako ang Mama mo. Kaya, hala, bangon na diyan."

Nagkusot ako ng mata at nag-inat nang hindi minumulat ang mata. Walanjo, ang aga-aga pa eh. "Asan na 'yung gatas ko?"

Tumawa siya ng malakas. "Langya. Nagga-gatas ka pa rin hanggang ngayon?"

Hindi ko siya pinansin. Kung sino man 'tong nasa kwarto ko, wala siyang magagawa kung ayaw ko pang bumangon. "Kung hindi mo dala 'yung gatas ko, alis na."

Naramdaman kong may unan na tumama sa likuran ko. Binato niya ako? "Hoy, Noah Emmanuel Soriano! Kapag hindi ka pa bumangon ngayon din, iiwan na kita!" At isa pa ulit na unan. Nakakarami na 'to ah?

"Ay takte. Ano ba? Wag mo nga akong hagisan ng unan. Istorbo ka."

"Ah ayaw mo talaga ah? Sige, tingnan lang natin kung hindi ka pa bumangon pagtapos nito."

At saka niya ako pinagsasampal sa mukha. Sa gulat ko, napamulat ako. "Aw, shit." Tapos napansin ko kung sinong kaharap ko. "Reinne?"

Tinaasan niya ako ng kilay. "Hindi ko alam na disoriented ka pala tuwing umaga, Eman." Tumawa siya. "Dahil ba 'yan wala pa 'yung rasyon mo ng gatas ngayong umaga?"

Nag-init naman ang mukha ko doon. "Pag may ibang nakaalam nun, yari ka sa'kin, Yen."

"Try me."

At ngayon, naalala ko na. Dito nga pala siya natulog sa kwarto ko. Nung una, akala ko magiging awkward para sa aming dalawa ang ganitong set-up. Kasi naman, apat na taon din kaming hindi nagpansinan. Pero nung patulog na kami at nasipa niya ako ng unang beses, natawa na lang ako at nawala ang pagka-ilang ko sa kanya. Hindi pa rin siya nagbabago. Malikot pa rin siya matulog.

Halatang nagulat si Mama nang makita niyang nanggaling si Reinne sa kwarto ko nang bumaba kami para mag-almusal. Pero pilit niyang hindi ipahalata. Ngayon lang kasi ulit 'to nangyari, kaya given nang magulat siya.

At kahit na ngumingiti na ulit si Reinne, nag-aalala pa rin ako. Paano na lang pagbalik ng tatay niyang control freak? Kokontrolin niya na naman si Reinne?

Pagkatapos naming kumain, hinintay niya akong makapag-ayos, tapos sinamahan ko siya sa bahay nila para siya naman ang mag-ayos. After fifteen minutes, bihis na si Reinne nang bumaba sa hagdan. Bagong ligo, naka-uniform na, at hindi pa nasusuklay ang basa niyang buhok. As always, wala pa rin siyang pakialam kung mukha siyang hindi nag-aayos. Parte nga yata 'yan ng charm niya eh.

"Tara na."

Sabay kaming naglakad papuntang school. Ngayon lang ulit nangyari 'to, at alam kong kasalanan ko kung bakit. Iniwasan niya ako dahil sa ginawa ko dati. Ilang beses ko man pagsisihan 'yung ginawa ko dati, alam kong hindi na maaalis nun na nasaktan ko si Reinne. Kaya naman kahit papaano ay nagpapasalamat na rin ako na nag-uusap na ulit kami.

Friends. 

Sana nga pwede pa talaga. Ng walang complications.

Nawala sa isip ko na dadaanan nga pala ako ni Tony gamit ang motor niya papasok ng school ngayon. Kaya naman nang huminto siya sa harapan namin ni Reinne habang naglalakad kami, at may ngiti pa ng walang gawang matino sa mukha niya, kinabahan agad ako. I know how this looks. Ako at si Reinne, magkasabay na papasok ng school -- big deal 'to. Lalo na't hindi naman nila alam ang tungkol sa'ming dalawa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 16, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sa Umpisa Lang Nakakakilig Ang CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon