Chapter 20

74 3 0
                                    

Trinity Lane POV

UMIIYAK ako sa labas nang mansion namin. Hindi ko alam kung tama ba ang naging desisyon ko na iwan nalang si Troy nang ganoon nalang. Hindi ko intensyon na iwan sya. Pero hindi na kaya nang puso ko, dahil kahit anong gawin ko sya parin ang laman nitong puso ko.

"Kapag nakikita kitang malungkot at nag iisa, gusto kitang lapitan at damayan, yayakapin ng mahigpit at sabihing nandito lang ako para sayo. Kaso di ko magawa baka kasi sabihin mo. sorry hindi ikaw ang kailangan ko." Napatingin ako sa lalaking nasa harap ko. Si Troy. At lasing sya at puro pasa ang mukha.

Tumayo ako sa pag kakaupo ko at pinunasan ang luha ko. "A-anong nangyari sayo? Bakit puro pasa ka at lasing!?" Tanong ko. Kahit papaano nag aalala parin ako, lalo na dahil sa akin bakit sya nag kaka ganito.

"Bakit ako nag kakaganito!? Dahil nasasaktan padin ako."

Tumulo nanaman ang mga luha ko. Hindi ko kayang nakikita si Troy na ganito na miserable ang buhay nang dahil sa akin.

"Masakit ang maiwan, pero mas masakit ang manatili sa isang relasyong alam mong ikaw na lang ang nagmamahal." Sabi ko.

Wala nang puwang si Troy sa puso ko.

"Lane. Please? Pwede naman natin maibalik ang lahat lahat diba!? Oo alam ko sa simula palang si Zathan ang mahal mo. Ayos lang naman sa akin kung sya parin ang laman nang puso mo. Wag molang akong iwan. Tatanggapin ko kung may kahati man ako jan sa puso mo, wag molang ako iwan nang ganito."

T_T

Hindi ako makapaniwala. Isang gangster na katulad nya ay nag mamakaawa sa harap ko? Lalo tuloy ako nag sisi sa ginawa ko. Paano? Paano pa mababalik ang noon? Kung hanggang sa pagtulog ko si Zathan parin ang pumapasok sa isip ko. Ilang beses ko na tinatanong sa sarili ko kung mamahalin rin ba nya ako tulad nang pagmamahal ko sa kanya? Bakit ko ba sya minahal? Bakit hindi nalang si Troy? Si Troy na totoong nagmamahal sa akin.

Yumuko ako. "K-kalimutan mo nalang ako." Sabi ko. Papasok na ako nang mansion nang bigla syang nag salita.

"Ang iyong paglisan ay bangungot na sasakal sa hininga ng bawat gabing
naiisip kong kalimutan ka pero hindi ko kailanman magagawa." Ang huli kong narinig sa kanya bago ako tuluyan pumasok sa mansion at sarahan sya nang pinto.

Umiyak ako nang umiyak. Feeling ko ang sama sama ko. Ang sama sama ko na iwan sya nang ganon nalang.

"Sana noon palang. Hindi mona pinaasa si Troy. Edi sana hindi kayo nasasaktan." Nag angat ako nang tingin. Si kuya. May kasama sya. Sino naman yan?

"Maiintindihan ako ni Troy sa huli." Sagot ko.

"Wag ka maghanap ng taong makakaintindi sayo. Ang hanapin mo yung taong kahit hindi ka naiintindihan
hindi ka pa rin iniiwan." Sabi nong babaeng kasama ni kuya.

Sino ba sya?

"Hehe. Kiddo sya pala si Daniela Lui. My girlfriend."

O__O

Girlfriend?????

"Hi lane. Nice to meet you." Nakangiting sabi nya sa akin.

Ngumiti nalang din ako. Maganda naman sya at sexy, bagay sila nang kuya ko. Pero parang nainis ako bigla. Hay.

I'm sorry Troy Andrew Smith. Sorrt because i destroy your life.

-
Troy Andrew POV

Yung magigising ka na lang sa gitna ng gabi na umiiyak. Hindi dahil sa bangungot ng nakaraan kundi sa takot na wala na siya kinabukasan. ay nawala na nga.

"Hoy bro! Tangna naman! Tamana! Kanina kapa inom nang inom e." Tinignan ko nang masama si Maven.

Hindi nila alam ang nararamdaman ko! Hindi nila alam kung gaano ka sakit. Ka sakit na iwan ka nang babaeng mahal mo.

"Hindi ako susuko. Malakas ako, hindi ako susuko dahil alam kong mahal parin ako ni Lane." Sabi ko, at tumungga ulit nang alak. Andito kami ni Maven sa base.

"Ang pagsuko ay di pagpapakita ng kahinaan, sadyang may mga bagay
lang talaga na di na kayang gawan ng paraan kahit gaano mo pa gustong
lumaban."

Tangina! Bakit ganon? Tumama sa akin ang mga sinabi nang gagong to?

"Tch. Manahimik ka nalang." Sabi ko.

Inagaw nya ang alak na iniinom ko. Sasapakin kona sana sya nang bigla syang magsalita.

"Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lang yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na labas! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo bro magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!" Hingal nyang sabi.

=___=

Hindi ko alam kung tatawa ba ako o hindi? Pero tama rin sya. Ako ang may kasalanan nang lahat.

Tumingin ako sa kanya. "Bakit ang hirap mag move on sa taong minahal mo ng sobra pero kahit minsan, hindi mo man lang naramdamang minahal ka."

Inakbayan nya ako. "Alam mo kasi bro. Naiintindihan kita e. Ang sabi nga nang iba, madali ma inlove pero ang hirap mag move on kapag nasaktan ka. Bakit? Ay puta hindi ko rin alam. ARAY KO!"

-__-

Binatukan ko sya nang malakas.

"TANGINA MO!"

At some point you have to realize that some people can stay in your heart, But not in your life.

*******
A/N: alam nyo na ha? Wag nyong sisisihin ang mga laman loob nyo haha.

#BrokenTroy

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 16, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Last CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon