CHAPTER 2: Erice, The Genius' Admirer

176K 2.8K 170
                                    

A/N: Dedicated po kay Kuya Erice! Waaahhh! Kuya, where na you? I can't find your account here in watty. Hehehe! Remember me? Ako po yung nagpaalam sayong gagamitin yung name mo sa heroine ng story ko dahil gandang-ganda talaga ako sa name mo at ito na iyon. Pasensya na kung natagalan. Hehehe! :)

 

Readers, lalake po talaga yung hiniraman ko ng name ni Erice. Hahaha. Nagandahan ako at ang astig diba? Tunog babae yung Erice eh. So anyways, THIS IS IT! SIMULA NA NG STORY NI MILLER! Enjoy reading! ^____^

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CHAPTER 2: Erice, The Genius' Admirer

ERICE'S POV

"Hello Philippines! Welcome back to me!" \(^___^)/ - masayang pagsigaw ko with matching taas pa ng dalawang kamay pagkalabas na pagkalabas ko pa lang ng eroplano

Then pagdating ko sa arrival area, agad na hinanap ng mga mata ko ang sundo ko.

"Jude!"

Agad kong nilingon ang pinanggalingan ng tinig na iyon.

"Mileezen!" - tuwang-tuwang tili ko at nagtatakbo sa direksyon ng bestfriend ko. Agad ko naman siyang niyakap nang makalapit ako. "Waaahhh! Namiss kita ng bongga!"

"Talaga lang ha? Eh twice a week tayong nagkakachat sa facebook at skype. Tapos once a month din tayong nagkakausap sa phone."

"Syempre iba pa rin yung nagkikita tayo ng personal. Tatlong taon din tayong hindi nagkita eh."

"Hahaha! Sabagay. Hmmm...Mukhang hiyang na hiyang ka sa States ah? Blonde pa rin ang buhok mo."

I rolled my eyes. "Duh? Kelan ba hindi naging blonde yan? Ang lakas kasi makahawa ng blonde hair ni Mama."

"Hahaha! Iyang buhok mo ang patunay na isa kang american girl."

"Correction. Half-American and half-Pinay ako. May dugong Pilipino pa ring nananalaytay sa mga ugat ko dahil isang mamamayang Pilipino pa rin ang tatay ko."

Tumaas ang isang kilay niya."Mukhang praktisadong-praktisado mo ang lenggwahe natin ah?" (~___-)

"Naman! Yung mga pure American nga ang pinagpapraktisan ko palagi eh. At nganga lang sila sa malalalim na tagalog ko. Di nila magets eh. Hahaha!" - pagmamalaki ko sa kanya. "Ay nga pala, kumusta ka naman?" - pangungumusta ko sa kanya

Ngumisi siya ng nakakaloko."Ako ba talaga ang kinukumusta o yung ULTIMATE CRUSH MO?"

"Malamang ikaw! Mas matimbang pa rin ang FRIENDSHIP natin kaysa sa pagtingin ko kay CRUSH. Besides, pwede ko naman siyang kumustahin later. Hahaha!" - natatawang sabi ko sa kanya although, di ko rin maiwasang kiligin just by thinking na makikita ko na ulit si crush

When Genius Fell in Love ✅ (Available on DREAME)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon