CHAPTER 3: First Day EPIC High

130K 2.5K 254
                                    

A/N: Hello, Lian! Gaya ng pangako ko, ito na po ang dedication ko for you. Maraming-maraming salamat po sa BOOK COVER ng MN1IMH, ABMMN1 at dito nga sa book cover ng story ni Miller. Thank you so much! Ayyiiiee! I love it! At maraming salamat din sa pagbabasa ng mga stories ko. Hehehe! Hugs and kisses for you, Lian! ^____^

 

FACT 1: FT ISLAND member Lee Jaejin is the BRAINY of the group.

 

Yes! That's right. That's why, fit na fit siya sa character ni Van Miller Buencamino. READERS, HAPPY NEW YEAR! ENJOY READING! ^_____^

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CHAPTER 3: First Day EPIC High

ERICE'S POV

Pumikit ako at nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga. Then, nagmulat ako at ngumiti sa harap ng salamin. This day will be great. Sisiguraduhin kong hindi matatapos ang araw na ito nang hindi ako nakikilala ni Van Miller Buencamino, determinado at kumpiyansang sabi ko sa sarili ko bago ako lumabas ng condo ko.

Nasa ibaba na ng building na ito ang sundo ko. Sino pa ba? Eh di si bestfriend Mileezen. Unang araw ng pasukan this year and it was also my first day in my new school. At sabay kaming papasok sa school namin.

Yes. You read it right. Fourth-year high school transferee student ako sa school na pinapasukan niya. Classmate ko siya. At classmate niya si Van Miller. Therefore, classmate ko rin si crush. Kaya nga excited akong pumasok eh. Kasi makikita at makikilala na ko ni crush. Hehehe!

"Are you ready?"

"Yup," nakangiting sagot ko kay Mileezen.

"Are you excited?" tanong niya sakin habang nasa byahe na kami papunta sa school. Nakasakay kami sa kotse ko at magkatabi sa backseat. Si Tatay Neil ang driver ko, family driver namin noong hindi pa kami nagma-migrate sa Amerika three years ago. Muli ko siyang kinuha para maging personal driver ko.

Mas lalong lumapad ang ngiti ko. "Super."

Natatawang napailing na lang siya. Tumingin na lang ako sa labas ng kotse at pinagmasdan ang mga nadadaanan namin. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Mukhang dahil iyon sa sobrang excitement na nararamdaman ko. Hehehe!

[After a few minutes.....]

Nakarating na kami sa school. Nagpaalam na ko kay Tatay Neil at nagsabi na lang ako na sunduin ako sa hapon, after the class.

At habang naglalakad kami papasok ng campus, kapansin-pansin ang kakaibang tingin samin ng mga estudyanteng nakakasalubong at nadadaanan namin. Actually, sa akin sila nakatingin. Siguro dahil ngayon lang nila ako nakita dito at agaw-atensyon rin talaga ang blonde hair ko.

Tapos ilang sandali pa, may narinig akong nagring na cp. Napatingin ako sa katabi ko. "Psshhh. He's calling again." Narinig kong mahinang sambit ni Mileezen bago sinagot yung tawag. "What now, Zach?....Nandito na ko sa school...I'm with Jude," pakikipag-usap niya roon. Tumahimik muna siya saglit at mukhang pinakinggan ang sinasabi ng kausap niya. At napangisi ako nang makita kong iniikot niya ang kanyang mga mata. "Zach, transferee student si Jude at kailangan ko siyang i-tour sa buong campus para maging pamilyar siya. Mamaya ko na lang pakikinggan yang sinasabi mo kapag nandito ka na sa school, okay? Bye," sabi niya sabay end ng call.

When Genius Fell in Love ✅ (Available on DREAME)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon