CHAPTER 4: The G5

138K 2.6K 221
                                    

A/N: This chapter is dedicated to you, Maricris! Hello! Long time no talk! Kumusta ang FT ISLAND? Hahaha! Di na ulit tayo nakakapag-usap about sa kanila. Hahaha! Anyways, maraming salamat sa pagbabasa mo sa mga stories ko. Magbalitaan ulit tayo about FT ISLAND! hahaha! #proudPrimadonna ^____^

 

FACT 2: FT ISLAND is five-member boyband group. Choi Jonghoon, guitar and keyboard. He is also the leader of the group. Lee Hongki, the main vocalist. Lee Jaejin, bass and second vocalist. Song Seunghyun, guitar and vocalist. Choi Minhwan, drums. Jonghoon and Minhwan can also sings.

 

That's right. Kung alam nyo ang kanta nilang 'The One', 'Treasure' at 'I confess', kumanta silang lima doon. Hehehe! Pasensiya kung umabot ng mahigit dalawang buwan bago ko na-update ito. Busy eh. Pero bumawi naman ako dahil mahaba ang update na ito. Hahaha! Enjoy reading, readers! :)

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CHAPTER 4: The G5

ERICE'S POV

"Nakakahiya!" impit na sigaw ko bago muling sumubo ng kinakain kong carbonara. "At nakakainis!" dagdag ko pa pagkalunok ng pasta. Nandito kami ngayon ni Mileezen sa canteen at kumakain ng lunch. After that 'incident' in our class, bigla akong nakaramdam ng hiya. Para bang wala na kong mukhang maiharap sa mga bagong kaklase ko.

Kahit hindi naman nila ako tinitingnan ng masama at may panghuhusga, nahihiya pa rin ako. Kung umakto nga sila kanina, parang wala lang. Para bang hindi nila narinig ang hayagang pagtatapat ko kung bakit ako lumipat dito sa school na 'to. At ang mas nakakainis pa, ganun din kung umakto si Van Miller Buencamino. Yung aktong hindi niya talaga narinig ang anumang sinabi ko.

"Eh di hindi mo na siya crush?"

Nanlalaki ang mga matang hinarap ko si Mileezen. "Ofcourse not! Naiinis lang ako, but it doesn't mean na mawawala na ang pagkacrush ko sa kanya. Naka-earphone siya kaya hindi niya kasalanan kung hindi niya narinig ang sinabi ko sa harap ng klase." Then, nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. "Siguro hindi pa talaga ito ang tamang oras para malaman niya ang lihim kong pagtingin sa kanya."

Tumaas ang isang kilay niya. "Hindi na lihim ang pagtingin mo sa kanya dahil alam na ng buong klase natin. And expect na malalaman na rin iyan sa buong campus."

"Rhian!"

Sabay kaming napalingon ni Mileezen sa pinanggalingan ng tinig na iyon. Nakangiting lumapit samin ang isang magandang babae na may dalang tray ng pagkain at umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko. "Pasabay ako, ha?"

Ngumiti kami ni Mileezen sa kanya bilang pagsang-ayon. She looks familiar. Parang nakita ko na siya sa klase namin kanina.

"Hindi mo pa siya kilala, diba?" sabi sakin ni Mileezen bago tumingin sa katabi kong babae. "Hey, Trish. Magpakilala ka kay Jude. Classmate natin siya."

Huminto sa pagkain ng cheesecake yung katabi ko at nagpunas ng tissue. "Oh, right. I'm sorry for not introducing myself," hinging paumanhin niya bago nakangiting bumaling ng tingin sakin. "Hi. I'm Lian Trisha Elicante. You can call me Trish. Medyo closed din kami nitong si Rhian. And you two are best firends, right?" pakilala niya sabay lahad ng kamay niya.

When Genius Fell in Love ✅ (Available on DREAME)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon