Lukso ng Puso, Lukso ng Dugo (1)

182 5 7
                                    

Lukso ng Puso, Lukso ng Dugo

(1)

"Ma'am, kakausapin na po kayo ng doktor."

Bigla-biglang sumingit ang boses na 'yon sa papalipad nang diwa ni Ellie. Mahinahon man ang tono niyon, nakaantala pa rin 'yon sa paghimbing ng dalaga.

Nurse, tukoy ni Ellie sa boses. Hinatak na niya ang sarili mula sa paglalim ng kanyang tulog.

Hesitantly, she opened her eyes. She stared at the blank ceiling.

Ayun na, eh. Ang sarap-sarap na ng tulog ni Ellie. Kahit na ba doon lang siya nakahiga, sa waiting area na walang electric fan. Palibhasa, ilang araw na siyang sleep-deprived kaya bale-wala na lahat niyon. Wala siyang pakialam kung nasa maalinsangang open space siya o kung sinu-sino ang nagsisidaan. Basta, wala ring makikialam sa pagtulog niya nang mahimbing.

Bagaman aburido, hindi magawa ni Ellie na maasar nang todo. Bumangon na siya at nag-ayos nang kaunti.

Kaka-transfer lamang ng kanyang Lola Pilar sa ICU ng private hospital na 'yon. Five days and four nights ang itinagal nila sa district hospital; si Ellie ang nakatoka sa graveyard shift ng pagbabantay. Dahil hindi na ma-accommodate ng district hospital ang kondisyon ng kanyang lola, kinailangan na nila itong ilipat upang mas matutukan ang kalagayan nito. Nagkataong may bagong-bukas na private hospital sa kanilang bayan kaya doon na nila dinala ang kanyang lola.

Sa ICU, ang mga nurses na ang nag-aasikaso sa pasyente kaya hindi na maglalamay si Ellie sa pagbabantay. Kaya lang, hindi maaaring manatili ang bantay sa mismong ICU. Piling oras lang ang pagbisita sa pasyente. No choice si Ellie. Sinolo na lang niya ang waiting area na 'yon.

Sa kasamaang palad, kaka-umpisa pa lang ni Ellie sa pagbawi ng tulog na ipinagkait ng pagkakataon. 'Tapos, may panibagong eeksena na naman bago siya managinip uli.

Masama pa naman kung maistorbo ang pagtulog niya... minsan.

Pagkaalis ng nurse, sumulpot naman ang isang middle-aged na lalaki. Ito na marahil ang specialist na binanggit ng kanyang tita kanina pagkarating nila doon.

Nagbadya ang pagsasalubong ng mga kilay at pagkalukot ng mukha ni Ellie, ngunit nagsi-atrasan ang mga kilos na 'yon pagkakita niya sa doktor.

Napakapormal ng dating nito sa suot na pure white polo barong at itim na slacks. May stethoscope itong hawak sa kanang kamay. Medyo matangkad ito bagaman bulky ang pangangatawan nito. The doctor looked like he came out of a Koreanovela; his almond-shaped eyes and ivory complexion reminded Ellie of the patriarchs portrayed in those shows. He is not the conventional handsome man with his round face, slightly pointed nose and thin mouth. Yet, he's good-looking enough for Ellie to find him attractive. Mukhang malayu-layo pa ang kanilang age gap. Instead of being taken aback, Ellie was more drawn because of his older age. Umangat din ang intelihenteng aura nito; 'yon ang ganap na pumukaw sa pansin ni Ellie. Napawi na ang antok sa kanyang diwa hanggang sa mahimasmasan na siya agad.

Okay na rin pala kung maistorbo man ang pagtulog ni Ellie. Mukhang pambawi namana ng dahilan ng pag-istorbo sa kanya.

"Good evening," malumanay na bati ng doktor. "Doctor Ramirez po."

"Good evening po," ganting-bati ni Ellie. Bumaling siya sa kaliwa para ilihis ang kanyang paghikab.

"Pasensya na sa abala." Dr. Ramirez seemed sincerely apologetic.

She assured him just as sincerely, "Okay lang po 'yun." Cute ka naman, Doc.

Ellie couldn't help but stare when he suddenly gave a hint of a smile.

Mayo... DisyembreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon