Lukso ng Puso, Lukso ng Dugo (2)

139 6 2
                                    

Lukso ng Puso, Lukso ng Dugo

(2)

Nasa pinakahuling rounds na si Frank para sa araw na 'yon. Nanggaling pa siya sa kanyang clinic sa kabilang bayan bago bumalik sa Our Lady of the Remedies Medical Center. Kinailangan niyang pumunta uli roon para tingnan ang bagong-dating na pasyente sa ICU.

Dumaan ang doktor sa waiting area sa pagtungo niya sa ICU. Napa-double take pa siya sa dalagang natutulog sa bench. Hindi miminsang may nadaratnan si Frank doon sa waiting area. Pero noon na lang niya uli nakitang nag-iisa ang banta sa ganoong oras pa ng gabi.

He couldn't hold himself back from taking another good glance at the young woman. Akap-akap nito ang isang libro habang mahimbing na natutulog. Madali niyang napansin ang pagkahapo sa mukha nito. Too bad, he had to disturb her in a short while.

Sa ICU, inaral ni Frank ang chart ng pasyenteng si Pilar Alvarado, 84 years old. Inisa-isa niya ang bawat findings ng referring neurologist na naunang tumingin dito. Tiningnan din niya ang resulta ng mga lab results at CT-scan mula nang mai-admit ito sa district hospital. Nagsisulputan na ang mga tanong niya para sa dalagang palagay niya ay apo ng pasyente. Mukhang magiging mahaba-haba ang kuwentuhan nilang dalawa.

"Natutulog pa yata 'yung banta. Pakitingnan na muna, Ma'am Dianne," paalala ni Frank sa nurse on-duty. Bagaman lumabas na siya ng ICU, pinauna na muna niya si Dianne na humarap sa bantay.

"Ma'am... Ma'am," narinig niyang sambit ng nurse habang ginigising nito ang dalagang bantay. Ilang beses pang naulit ang katagang 'yon hanggang sa naging: "Ma'am, kakausapin na po kayo ng doktor."

"Okay na?" tanong ni Frank pagkabalik ni Dianne.

"Yes, Doc."

"Thank you."

Tumuloy na si Frank sa waiting area. Doon, gising at nakatayo na angdalagang nadatnan niya kanina. Binati niya ito. "Good evening. Doctor Ramirez po."

Naghikab pa ito matapos gumanting-bati sa kanya. Hindi niya maiwasang pagmasdan ito kahit habang humihingi siya ng dispensa dito. Palibhasa ay nasa malapitan na siya dito kaya nakita niya nang mas maigi ang pagkahapo sa mukha at tindig nito. Ang lampas-balikat na buhok nito ay medyo magulo pa. Ang mga mata niyo ay kumukurap-kurap pa mula sa pagmulat. He was expecting to see worry, aside from the fatigue on her expression. Pero mukhang mas dismayado pa ito, malamang dahil sa pagkakagising nito. Somehow, he was reminded of how his young daughter would look like when he had to wake her up for school. Nawala din naman kaagad ang pagkadismayadong 'yon sa hitsura ng dalaga nang minsang magtagpo ang kanilang mga mata.

There was something in her that caught his eye once more. She got lovelier as he could take a closer, longer look at her. Even despite her current state. Even when she's in her tomboyish get up of baggy shirt and shorts. He wanted to disregard these things about her. Kailangan niyang magfocus sa pasyente, hindi sa bantay na apo nga pala nito. Subalit pinapamukha sa kanya ng pagkakataon na mahirap ding balewalain ang mga napansin niya sa dalaga.

She seemed to be intelligent. No, she must be. Kitang-kita 'yon ni Frank sa pagsagot nito sa bawat katanungan niya. Sa totoo lang, na-impress siya sa dalaga. Alam kasi nito ang isasagot sa kanya. Mukhang kabisado nito ang kondisyon ni Lola Pilar kaya nakakaresponde agad ito sa kanya. May mga instances kasi dati na clueless ang nakakausap ni Frank, kahit na minsan ay immediate relative nito ang pasyente. This particular instance proved to be an exception.

Hindi miminsang nagpigil si Frank ng ngiti habang kausap ang apo ni Pilar Alvarado. Hindi lang dahil sa mga nalalaman niya sa pasyente. Kung ang iba ay nababalisa sa pagtatadtad niya ng mga katanungan, itong kasalukuyang kausap niya ay effortless sa pagresponde. She's definitely at ease, in spite of the weariness she showed. Tila ordinaryong usapan lang ang namamagitan sa kanila. Parang malayo sa medical history at condition ang kanilang topic.

By then, it dawned to him: he's definitely attracted to this intelligent young woman.

He became even more attracted to her with the slightest humor she showed, when he asked her about certain medications her grandmother takes. Isiningit na lang talaga ni Frank ang tanong na 'yon; in all fairness, nag-eenjoy siya sa interrogation niya dito. Again, she took the matter with ease. He might find it hard to get over with how she managed to laugh at her own confusion. Just a split-second of that laughter had lightened up the stress he had from another whole day at work.

How he hated to end their conversation. But he had to, for now. Nakaistorbo na rin siya sa pahinga ng dalaga. He had to explain the patient's current condition and the further procedures to be made. He thanked her after ending their talk. Bumalik na siya sa ICU para sa pag-update sa chart ng pasyente.

Pinasalamatan niyang muli ang dalaga pagdaan sa waiting area. Hindi niya napigilang sumulyap dito bago siya tuluyang pumanaog. Nakangiti na ito habang binubuklat ang libro nito. He smiled, too, as if to smile back at her.

***

Sa sumunod na dalawang araw, nanatili si Pilar Alvarado sa ICU. Ngunit ibang bantay na ang nakausap ni Frank nang magrounds na siya. He tried his best to just ignore the absence of the lady he talked to two days ago. But he should have tried much better. Because at the end of each day, he found himself wondering if he will ever see her again—in that hospital, or elsewhere.

Itutuloy.

***

Abangan:

Quarter to nine na ng umaga, ngunit wala pa rin ang nanay ni Ellie. Bukod sa kanyang tiyahin, karelyebo niya rin ito sa pagbabantay. Pumunta na muna siya sa billing section. Gaya ng napag-usapan nila, magpapa-audit na muna sila ng kanilang partial bill.

Ikaapat na araw na nila 'yon sa ospital. Nasa ICU pa rin ang kanyang Lola Pilar. Bagaman bumubuti na ang kalagayan nito, she still hasn't fully regained her consciousness.

Balisa si Ellie habang nasa counter at hinihintay ang print out ng kanilang partial bill. Alam na niya kung ano ang dapat niyang i-expect na makita. Pribadong ospital 'yon; naka-ICU ang lola niya. Malamang, ginto ang presyong madaratnan niya sa piraso ng papel na kanyang makukuha.

Pero iba pa rin ang impact nang mapasakamay na ni Ellie ang partial bill at nabasa ito nang maigi. Halos himatayin siya sa five digitis na sumatotal ng kanilang gastusin. Napakapit siya sa pasamano ng counter habang nakatitig sa presyo. Kulang-kulang ay singkwenta mil na ang kanilang bill sa nakalipas na tatlong araw pa lang.

Masyadong nagulat ang dalaga sa unang nakita na hindi niya agad napansing may bawas na pala ang bill. Lalo siyang nagulantang nang makita ang halagang nabayaran na. They haven't even seen the bill before, let alone pay for it. Paanong nagkaganoon? Fifteen thousand na ang nakasaad sa partial payment...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 15, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mayo... DisyembreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon