Chapter 1:
The Beginning(I dedicate this chapter to nerdypeculiar for making a wonderful book cover for me. Thank you so much po)
Kyrille's Pov
"Kie, kain na! Baka lumamig ang pagkain" sigaw ni Inay. Nasa hapagkainan na kasi sila at nandito lang ako sa sala. "Opo Inay. Tatapusin ko lang ho itong ginagawa ko" sigaw ko din pabalik.Ako nga pala si Kyrille Ann Cruz, Kie (pronounced as Ki) ang tawag nila sa akin. Isa akong high school student at pangarap kong makapagtapos ng kolehiyo. Pero sa taong ito ay magtatrabaho muna ako at mag-iipon ng pera pang college at para makapag graduate ako ngayon sa High School.
Nang natapos akong kumain ay iniligpit ko na ang pinagkainan ko at inihanda ang mga gamit ko.
"Inay..itay. sige ho. Alis na ho ako. Baka matagalan pa po kasi ako sa paghahanap ng trabaho" pagpapaalam ko.
"O, sige anak. Mag-iingat ka ha" sabi ni Inay sabay halik sa aking pisngi.
Umalis na ako at nilakad ang daanan papunta sa paradahan ng mga bus. Hindi na ako nag-abalang magtrycicle dahil malapit lang naman ito. Sayang ang pamasahe. Hindi nagtagal ay nakarating na rin ako roon ngunit sa kasamaang palad, puno na ang bus at mukhang wala na akong mauupuan.
Pero nakita ko ang isang lalaking nakasumbrero at nakamask na nasa pangdalawahan na upuan sa dulo ng bus na ito. Agad ko itong tinungo ngunit may bag na nakalagay sa tabi niya. Gusto ko man siyang gisingin pero natatakot ako dahil parang may kakaibang aura ang dating ng lalaking ito.
Nanatili na lamang akong nakatayo at nagsimula ng umalis ang bus na ito.
Maya't maya ay nakaramdam ako ng sakit sa paa. Gusto ko ng umupo. Nakakapagod din kasing tumayo.Kaya nang nakita kong gumalaw ang lalaking iyon, ay doon ako naglakas loob na kausapin siya.
"Manong, pwede po bang makitabi? Pagod na po kasi akong tumayo"
Agad akong napaatras nang tiningnan niya ako mula paa hanggang ulo at nang magtapat na ang aming tingin, parang mas lalo akong nanghina sa di ko malamang dahilan.Hindi siya kumibo at kinuha na lamang ang bag sa tabi niya at umusog malapit sa bintana.
Agad naman akong umupo at nagpasalamat sa kaniya ngunit wala pa din siyang kibo. Bagay na hinayaan ko na lamang.
Nakita ko naman na bigla ng nagsisingil ng pamasahe ang konduktor kaya inihanda ko na ang pera ko ngunit nilagpasan niya lang ako at ang katabi ko.
"Manong bayad ko po" sabi ko pero mukhang hindi niya narinig kaya't tinawag ko siyang muli ngunit hindi siya humarap at parang wala lang siyang narinig. Bagay na ipinagtaka ko. Tatayo na sana ako pero agad akong pinigilan ng katabi ko.
"Can you shut your mouth? I already paid for that seat dahil ayoko ng may katabi."
Napatitig ako sa kaniya. Napakalalim ng boses niya at may dala siyang kakaibang aura na hindi ko maipaliwanag. Mukhang nainis ko ata siya. Napakamot na lamang ako sa aking batok.
"E-eh b-bakit mo---"
Hindi ko na muli natapos ang sasabihin ko nang agad niyang sinalpak sa tenga niya ang headset niya. Aba. Walang modo. Hinayaan ko na lamang siya. Atleast nalibre ako ng pamasahe diba haha.
Maya't maya'y nakarating na rin kami sa Maynila. Isa't kalahating oras din ang byahe. Nang huminto na ang bus ay agad na din akong tumayo at bumaba pero may nakalimutan pala ako.
Bumalik ako at nakita siyang tulog pa din. Tinapik ko ang balikat niya at nagising na din naman siya.
"Salamat sa pamasahe" ngiti kong sabi tsaka binigay sa kaniya ang keychain na letter K na kanina ko pa hawak.
BINABASA MO ANG
Love The Way You Lie (COMPLETE) (Under Revision)
ActionHighest Rank #18 in Action/April-26-17 Meet Kyrille Ann Cruz. Isang simpleng babae na naging katulong. Akala niya simple lang ang magiging trabaho niya pero hindi pala. May mga nakilala siya, mga mapagkakatiwalaan at mga traydor. At habang nasa loo...