CHAPTER 5:
AT THE PARTYI dedicate this chapter po to Ms. @AerisScarlet. Sana po mabasa niyo ang mga stories niya. Click niyo na lang po yung external link para magdirect kayo sa mismong story niya. Kung di niyo naman po makita, search nito na lang po pangalan niya at yung story niya na Teasing The Mafia Boss.
Kyrille's POV
Maaga akong gumising upang maglinis sa may poolside. Ikalimang araw ko na ngayon dito sa mansion. Madaming gagawin ngayon dahil may pool party na magaganap dito mamaya.
Pansin ko lang na ang dumi pala talaga ng Mansion. Ngayon lang ako nakakita ng Mansion na dadalawa lang ang katulong. Paano pa kaya nung wala ako dito? Hirap na hirap siguro si manang sa mga gawain dito.
Kailangan mag general cleaning ngayon at kailangan ko ding humingi ng tulong kina manong Pal at manong Kiro dahil sigurado namang hindi ko to kakayanin ng mag-isa. Sila yung dalawang guard na natira dito. Hinanap ko sila at nagpatulong sa paglilinis.
Balita ko kasi matagal tagal na rin simula nung nagdala sila dito ng kaibigan nila. Kaya nakakahiya naman na ang dumi ng bahay.
Nagpresinta si Manang na siya na ang gagawa ng agahan namin at may darating daw na chef dito para magluto ng mga pagkain mamaya. Dati rin daw siyang nagtatrabaho dito kaso nung umalis yung amo nila, which is yung may ari ng bahay na ito, ay umalis na din siya. Bumabalik lang pala sila kapag nandito yung mag ari ng bahay pero pag wala, hindi sila pumapasok.
Ewan ko ba dun sa apat na yun. Ayaw nila ng may katulong pero di naman nila kaya sarili nila. Ang gulo nila.
"Kakay!" rinig kong tawag ni Zich sa akin. Tumingin ako at lumapit sa kaniya.
"Aalis muna kami. May darating dito na delivery truck and yung mag-aayos ng mini bar sa may gilid. Pakisabi kay manong guard na papasukin. Sila mag-aayos ng mga cocktails, wine and liquor doon"
"Pagbalik namin, dapat settled na lahat okay?"
Tumango naman ako.
Hindi nagtagal ay paunto unti din naming natapos ang mga gawain. Naglagay na din kami ng mga lights and balloons. Kasi nga party.
Nang mapansin kong medyo dumidilim na, naligo na ako. Bumalik din agad ako para asikasuhin ang mga nagsisidatingang bisita.
Mahahalata mong ang yayaman nila dahil may sari-sarili pa silang kotse.
Napukaw ng atensyon ko ang isang babaeng nagtuloy tuloy lang pagpasok sa loob ng Mansion.
Ang iba kasi'y dumideretso sa likod pero siya, pumasok pa siya dito sa loob. Lakas loob akong lumapit sa kaniya.
"Uhm Maam. Sa likod po ang par--" Di ko natapos ang dapat kong sabihin dahil sumabat agad siya.
"Who are you?" Tanong niya at hinead to toe ako.
"Uhmm..bago po akong kat--"
"Nevermind. I'm not even interested"
Napatango na lang ako.
"Where's Xander btw?" Tanong niya ulit.
"May pinuntahan po sila pero di nila sinabi kung sa--"
"Okay. I'll wait here" sabat uli niya at umupo sa couch.
Napapikit ako dahil sa inis. Wala ba talaga siyang balak patapusin ako? Sino ba kasi tong babaeng to.
Di nagtagal ay padami na ng padami ang bisita. Mabuti at dumating na din yung apat. Sinalubong naman sila nung babae kanina at umambang yayakap pa. Pero nagpatuloy tuloy lang sa paglakad si Xander hanggang sa mapansin niyang nakatingin ako sa kanila. Agad akong tumalikod at dumiretso sa kusina. Di ko alam na sumunod pala siya.
BINABASA MO ANG
Love The Way You Lie (COMPLETE) (Under Revision)
ActionHighest Rank #18 in Action/April-26-17 Meet Kyrille Ann Cruz. Isang simpleng babae na naging katulong. Akala niya simple lang ang magiging trabaho niya pero hindi pala. May mga nakilala siya, mga mapagkakatiwalaan at mga traydor. At habang nasa loo...