CHAPTER 2
The Four JerksKyrille's POV
Nandito ako ngayon sa tapat ng E. Mansion. Ewan ko ba. Para kasing merong pumipigil sa akin na huwag akong pumasok dito, na wag ko ng ituloy ang balak kong pagtrabaho dito. Pero kailangan eh..
Lalapit na sana ako sa may gilid ng gate upang magdoorbell pero natanaw ko ang isang tao mula sa hindi kalayuang puno.
Hindi ko malaman kung sakin ba siya nakamasid o sa Mansion na ito. Mukhang napansin niyang nakatingin ako sa kaniya kaya bigla siyang bumalik sa pagkakatago.
Bigla akong nakaramdam ng kaba. Dahan dahan kong tinungo ang punong iyon at nang makarating ako ay wala namang tao rito. Inilibot ko pa ang aking tingin, nagbabakasakaling nasa tabi tabi pa siya pero bigo akong makita siya.
Aalis na sana ako pero nahagip ng tingin ko ang apat na puting petals.
Wala namang white roses dito o kaya mga white flowers kaya ipinagtaka ko kung saan ito manggagaling.Hindi kaya..galing ito doon sa lalaking nagmamasid kanina? Kung sino man ang taong iyon, ano kaya ang balak niya?
Hinayaan ko na lamang ito at bumalik na sa tapat ng Mansion.
Nag doorbell muna ako at hinintay na bumukas ang gate. Pero walang nangyari kaya pinindot ko ulit iyon pero wala talaga kaya nilagay ko na lang ang passcode ng gate na ito na itinuro sa akin ni Manang kahapon.
Tss. San ba kasi mga guard dito? Nakita ko sila kahapon andami nila tapos ngayon wala man lang kahit isang nagbabatay sa gate? Hay nakuu.
Pumasok na ako sa loob ng Mansion. Hula ko ay nasa kusina si Manang kaya agad ko naman itong hinanap. Sa sobrang dami ng pasikot sikot dito sa Mansion, feeling ko mawawala ako. Pero nagkamali ako dahil kita ko na agad si Manang na naghihiwa ng karne. Lumapit agad ako sa kaniya at bumati.
"Magandang umaga ho, Manang Fe" gulat naman siyang napatingin sa akin.
"Oh? Good morning din ija! Napaaga ka ata." Agad naman akong napakamot ng ulo.
"Medyo late na nga po ako eh" nahihiyang sagot ko. Inihinto niya muna ang ginagawa niya at naghugas ng kamay.
"Halika rito at ituturo ko sayo ang kwarto mo" Aya ni manang kaya sumunod naman ako.
Pero ano raw? kwarto ko? Woah! May sari-sarili ding kwarto ang mga kasambahay? Ang yaman talaga ng may ari nito.
Pag-akyat namin ng hagdan, kumaliwa kami tas kumanan tas dumiretso at dun na ang kwarto. Grabe talaga ang daming pasikot sikot dito. Nakakalito.
Pagbukas niya, nakita ko kaagad ang kabuuan ng kwarto. Ang laki naman ng kwarto na ito para sa akin. Ay pangdalawang tao pala. Dalawa kasi ang higaan dito. Ang isa ay malapit sa bintana at ang isa ay malapit sa Cr.
"Ang ganda naman po nito. Ako lang ho ba ang matutulog rito? O may kasama pa po akong iba?" Manghang tanong ko habang nililibot ng tingin ang loob ng kwarto.
"Oo" tipid na sagot niya."Parang ang laki naman ho ata nito kung para sa akin lang" nag-aalanganing tanong ko dahil hindi rin ako kumportable sa malalaking kwarto. Nakarinig naman ako ng mahinang tawa ni Manang "Kung tutuusin ay maliit pa ito kung para sa mga alaga ko eh" Mga alaga? Ibig sabihin madami? Sana naman hindi sila makukulit at masusungit.
"Pero pag may nag-apply ulit na bago, baka magsama na kayo diyan" dagdag pa nito. Napatango na lamang ako.
"Sige, maiwan muna kita riyan nang maayos mo ang mga gamit mo. Pagtapos mo diyan, bumaba ka kaagad para matulungan mo akong magluto" tumango naman ako at nagpasalamat.
![](https://img.wattpad.com/cover/87477701-288-k793407.jpg)
BINABASA MO ANG
Love The Way You Lie (COMPLETE) (Under Revision)
AçãoHighest Rank #18 in Action/April-26-17 Meet Kyrille Ann Cruz. Isang simpleng babae na naging katulong. Akala niya simple lang ang magiging trabaho niya pero hindi pala. May mga nakilala siya, mga mapagkakatiwalaan at mga traydor. At habang nasa loo...