Pengeng Piso [Wattpad Battle Of Stories Entry]

82 7 0
                                    

#TeenFiction #Romance

-

"Hi Eya! Pengeng piso!"

Uwian na naman. Tapos na yung pesteng Araling Panlipunan na yan! Bakit ba kasi kailangang pag-aralan ang history?! Tsk.

"Uy Eya!"

Naalala ko naman si Cross. Yes! Cross. Hindi siya si Cross ng DNP at lalong lalong hindi ako si Eya dun noh. Mapangasar lang talaga ang pagkakataon at pareho ang mga pangalan namin sa lead loveteams sa Diary ng Panget. Atsaka! Ang ganda ko kaya! Sipain ko ang magsabing panget ako! Homemade puto ka kung sino ka man! (Puto ng ina mo!)

"Ay! Wala akong barya Cross!" sabi ko sa kanya.

"Edi yung buo nalang." sabi niya.

"Loko ito! Wala akong pera!" sabi ko.

Si Cross, araw araw yan nanghihingi ng piso sa amin. Basta parang bata yan na bago mag-uwian ay magsasabi ng 'Pengeng Piso!' sa makita niyang kakilala. Namumulubi na. Hahaha. Joke!

"Ay damot!" sabi niya tapos sumimangot. Ang poging cute niya talaga kaya maraming nagkaka-crush sa kanya sa loob at labas ng school. At isa na ako sa kanila. Hindi ko lang pinapahalata. Mahirap na, ayoko namang mailang siya sa akin. Naiinis nga ako kasi piso siya ng piso! Eh kung puso ko nalang hiningi niya! Edi binigay ko pa nang buong buo. Yak! Ang korni!

Pauwi na ako at kasabay ko ang mga kaibigan kong sina Sam at Michie. Hindi rin sila yung characters sa TBYD ah! Di hamak naman na mas baliw itong dalawa kong kaibigan kaysa sa kanila. Bakit ko nga ba kilala yung mga characters sa wattpad? Malamang! Nagbabasa din kaya ako! Di ako promdi no. Sunod ako sa uso. Get it? Haha.

"Pst! Eya! Pengeng Piso!" eto na naman si Cross! Hindi ba titigil ito? Alam niyo bang kanina pa niya binabalandra yang gwapo niyang pagmumukha sa harapan ko? Sunggaban ko yan e! Yang lips niyang kay pula! Hmm...Yak! Ang manyak ko! Eww.

"Wala nga akong piso.Teka nga...Bakit ba araw araw nalang hingi ka ng hingi ng piso? Wala ka bang nanay o tatay? Pulubi ka na ba? Piso lang e!" tanong ko dito. Sa pagkakaalam ko kasi mayaman itong isang ito e! iPhone kaya cellphone niyan! Di naman siguro siya na-offend. Sa totoo nga niyan, tumawa pa e. Waaaah! Ang gwapo niya ring tumawa. May dimples!

"Wala lang." sagot niya tapos nakatingin parin sakin.

"Tingamunga! Ang yaman yaman mo e! Tigilan mo ako sa piso piso mo na yan a!" sabi ko sa kanya. Sa totoo lang kinikilig ako kapag kinukulit niya ako, sino ba namang hindi? Crush mo tapos kukulitin ka? Hihi!

"Teka? Asan na yung dalawa kong kasama?" tanong ko sa kanya ng mapansing wala na sina Sam at Michie. Loko iyon! Iniwan pa ata ako.

"Ha? E-ewan." sagot niya.

"Mga loka loka talaga yun! Malamang nakakita na naman yun ng gwapo at pinagpyestahan na nila yun gamit ang mga malalaking mata nila. Iwan ba naman ako." sabi ko, ni hindi ko nga alam kung nakikinig itong isang 'to e.

"Oo." Huh? Ano konek?

Palingon ko sa kanya, nakatingin siya sa akin kaya naman umiwas agad ako ng tingin. Ang ewan kasi nung tingin niya! Nakakaewan! Basta, may something!

Tapos ayun... tahimik na. Wala nang nagsasalita sa amin habang naglalakad hanggang sa makarating na kami sa tapat ng bahay namin. Teka! Ang bilis naman. Ang unfair! Bakit ganun?

"Sige." sabi ko pero bago pa man ako makapasok ay pinigilan na niya ako, hinawakan niya ang mga kamay ko. At may kuryente! Yun bang spark? Spark na gusto kong ulit ulitin basta siya ang hahawak sa kamay ko.

Random. [One-Shot Compilation for 2013]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon