#TeenFiction #ChickLit
-
I'm just like those normal person you meet everyday but...
"Oh! Ayan na pala si Michael!" sabi ng kaklase kong si Lily kaya naman napatingin ako sa direksyon kung saan siya nakatingin at doon ko na nakita si Michael. Hindi siya ganoon ka-gwapo pero cute kung ngumiti kaya siguro naging crush ko siya. Noong simula, ang akala ko normal lang ang lahat pero habang tumatagal mas naga-gwapuhan ako sa kanya, mas gusto ko siyang makita lagi, at naiinis ako kapag napapansin ko na pinopormahan niya si Marie atsaka ko lang doon naisip na baka may gusto na ako sa kanya. Hindi ko lang alam kung ganoon din siya sa akin. Pero hindi ko maiwasang umasa dahil sa nakapa-gentleman niya sa akin.
---
"Lyca!!!" nakarinig ako ng sigaw mula sa likuran at nakita ko ang dakila kong bestfriend na si Emci. Nakangiti ito ng pagkalaki-laki sa akin saka niya ako niyakap. Ipinakilala ko siya sa mga kaklase ko. Puro nakatulala at nagpapacute ang mga kaklase kong lalaki sa kanya, maganda kasi talaga si Emci napakalayo sa itsura ko, ang itsura kong nagtatago sa aking di kapani-paniwalang sikreto. Hindi pa man tapos magpakilala si Emci sa mga kaklase ko ay napansin ko ang tao sa likuran niya. Tinitigan ko siya pati ang kasama niya. Masakit parin pala. Hanggang ngayon, sariwang sariwa parin 'yung sugat na iniwan niya sa akin. Ang sakit sakit. Nang magtama ang mga mata namin ay humiwalay siya sa kasama niyang babae na kanina'y nakadantay pa sa kanya, akmang lalapit siya sa akin kaya naman nataranta ako at hindi ko alam ang gagawin. Hindi ko pa kaya. Sa sobrang taranta ko ay hinila ko ang tao sa likod ko atsaka ko ipinulupot ang mga kamay ko sa braso niya.
"Lyca! Let me explain!" narinig kong sabi ni Red bago pa man ako tuluyang makadantay sa katabi ko. Kasabay ng pagkakasabi niya ang halatang pagkakagulat ng katabi ko dahil sa pagsabi nito ng 'what-the!'.
"Oh! Hi Red! Long time no see ah!" sabi ko. Mabuti nalang at kasama ako sa drama club at may alam ako sa mga ganitong bagay, ang pag-arte. Pagpapanggap na ayos lang, okey lang pero sa totoo lang ay hindi.
"Lyca..." nakatingin lang siya sa akin habang binabanggit ang pangalan ko at yung mukha niya, nagmamakaawa. Parang gusto kong bumigay sa kanya pero ayoko na. Tama na yung sakit na nadulot niya noon.
"Red! I want you to meet my boyfriend..." nilingon ko ang taong nasa tabi ko at lumuwang ang pagkakahawak ko sa kanya nang malaman ko na ang kaisa-isang crush ko pala iyon. "...Michael." sabi ko saka ko siya binigyan ng tingin na nagsasabi na 'sumakay-ka-nalang!'.
"B-boyfriend?!" hindi ko alam kung kikiligin ba ako o ano sa reaksiyon niya. Ganiyan siya magselos sa mga kaibigan kong lalaki. May parte dito sa puso ko na natutuwa dahil sa inasal niya pero hindi pwede.
"Yep!" sagot ko sa kanya. Pinapakita ko na masaya ako. Na mas masaya ako kasama ang iba kaysa sa kanya. Na sakit lang ang madudulot niya sa akin. Na hindi ko na siya mahal.
"DAMN!? Don't joke Lyca! I know you're lying!" padabog nitong sabi kaya naman napatingin sa amin ang mga tao dito sa park. "Please Lyca... Don't do this to me. IT hurts like hell." pumipiyok-piyok pa siya dahil sa umiiyak na siya. Ano ba!? Ayoko na! Tama na! Ayoko na please...
"Wala na tayo." sabi ko saka hinawakan sa kamay si Michael at hinila siya palayo sa lugar na iyon.
"Oh!" narinig kong sabi ng kung sino. Naramdaman ko nalang na may pumupunas na ng luha ko. "Hay! Ikaw na nga!" sabi nito saka ibinato sa akin yung panyo. May pagkamasungit din pala itong isang 'to!
"Bakit mo naman ginawa yun?" tanong niya.
"Sorry ha... Hindi ko naman alam na ikaw pala yung nahila ko." pero natutuwa ako. Sobra. Ewan ko ba pero ang sarap sa pakiramdam nung sinabi ko na siya ang boyfriend ko.
BINABASA MO ANG
Random. [One-Shot Compilation for 2013]
Kısa HikayeRandomness. Copyright © 2013 by LittleFangirl