#FanFiction #Humor
~
"Ang bitter mo talaga girl!"
"Heto na naman tayo sa bitter e! Tapos sasabihin niyo sa akin na inggit ako sa inyo kasi ganito, kasi ganyan. Hay naku girl! Kahit anong mangyari hindi ako titigil sa kadadaldal ko tungkol sa mga kabaliwan niyo na iyan. You girls are crazy na! Too much obsessed over your so called bias. I won't stop until you, my bestfriends, won't stop that." mahabang litanya ko sa mga bestfriends ko.
"Girl..." yun nalang ang nasabi nila. Nandito kami sa kwarto ko, kung dati ay puno ito ng pictures and posters ng bias ko. Ngayon, hindi na. That will never happen, never again.
"I used to like them before right?" I said. Heto na naman ako, mangangaral na naman sa kanila. Paulit-ulit nalang at hindi ko alam kung kailan ba sila madadala.
"Dati, umiyak pa ako sa excitement dahil sa kanila. Sobrang tuwa kapag nakikita sila. Pero ano? Sobra-sobra ako kung mag-effort tapos ang kapalit lang noon ay panandaliang kasiyahan. Then pain come afterwards. Kapag may kakausap sa kanila na ibang tao, kapag may hahalik sa pisngi nila, kapag may mapapapicture sa kanila na iba. Nagseselos ako, nasasaktan ako. Isa pa, yung todo tweet ako para sa kanila, hindi naman ako napapansin. Nakakalungkot. Iniisip ko na may next time pa pero kelan pa ba yun darating? That's why I decided to move on. Mag-move on sa pagiging fan nila, mag-focus sa ibang bagay. Ibang bagay na mas may kabuluhan." I said.
Hindi sila nasasalita nakikinig lang sila sa mga sinasabi ko at hindi ko alam kung saan ko nahuhugot itong mga lumalabas sa bunganga ko. Siguro kasi dati, kasi fan din ako. Ang ewan ko ba dahil sobrang bitter ko daw, bitter ba ako kung gusto ko lang naman ipaalam na wala silang mararating sa pagiging fan nila. Tsk. It's just a waste of time. Fangirling is just a waste of time, and money narin! pati energy narin. Wait, let me rephrase it, Fangirling is just a waste of enery, money and time. Its non-sense.
"Kaya girls, move on na diyan! Sooner or later, yang sinasabi niyo na forever fans nila kayo? Tsk. That won't happen. Kung hindi ngayon, maybe sa mga susunod na taon. Matitigil din yang kahibangan niyo na iyan. So, stop wasting your time ngayon palang." sabi ko sa kanila.
"Girl! Alam mo gutom ka lang! Libre ka namin? Ta -- " I cut her off.
"Iniiba mo naman yung usapan e. As I was saying. Hindi mo kailangan alamin kung anong pabango nila, kung ano yung kakainin nila para bukas sa breakfast, kung ano yung pangalan ng ex nila, kung ano yung tatak ng sapatos nila, at kung anu-ano pang gusto mong malaman tungkol sa kanila. May kinalaman ba iyon sa buhay mo? Kapag ba nalaman mo iyong mga bagay na iyon madadagdagan ng isang segundo yung buhay mo? Ganun?" napabuntong-hininga nalang sila.
"Sa pansa-stalk niyo sa kanila. Tsk. Wala naman kayong mapapala doon diba? Unang una, tulad nga ng paulit-ulit kong sinasabi, you're just wasting your time. Pangalawa, bigyan niyo naman ng privacy yung tao, bigyan niyo naman sila ng freedom sa mga bagay-bagay. Okey lang naman maging fan, pero girls! Sa case niyo, hindi lang kayo fan, kayo ay obsessed fan! Soon, lahat ng efforts, lahat ng pansa-stalk, lahat ng oras na nasayang niyo para sa kanila, pagsisisihan niyo iyon. I swear." sabi ko na nagpasimangot naman sa kanila.
"O! Tapos sisimasimangot kayo diyan? Di pa ako tapos, Ok? Alam niyo girls kapag narealize niyo yang mga bagay na iyan. You'll just say nalang na, 'OMG! Sobrang baliw ko pala talaga sa kanila dati? Ugh! Nasabi ko bang Forever Fan nila ak-- " someone cut me off. Napalingon naman ako sa taong iyon. It was Kuya.
"Hoy! Ano na naman kabalbalan mo diyan sa kanila. Puro kalokohan ka talaga! Tsk. Tsk. Tsk. Tara! Baba na kayo! Merienda na kayo sa baba." sabi ni Kuya, mukhang kadarating lang niya galing sa opisina.
"Lumayas ka nga dito Kuya!" pagkasabi ko noon ay sinarado na ni Kuya ang pintuan ko saka ko pinagpatuloy ang sinasabi ko. "As I was saying again, someday girls, mawawala lahat ng feelings niyo para sa kanila. Makakalimutan niyo rin sila. Magagalit man kayo sakin pero balang araw sasabihin niyo sa sarili niyo na tama lahat ng sinabi ko." I said then tumayo na ako.
"Merienda na tayo? Tara! Gutom na ako!" sabi ko tapos tumakbo na ako at nauna na sa kanila pababa sa sala.
-

BINABASA MO ANG
Random. [One-Shot Compilation for 2013]
Kort verhaalRandomness. Copyright © 2013 by LittleFangirl