#Romance #TeenFiction
-
"Kapag ako gumanda, who you ka sakin!"
Simpleng salita, simpleng pangungusap pero parang sinumpa na ni Jesy ang pagsabi noon. Motto na nga ata niya iyon nang dahil mapang-asar na si Ken. Sa araw araw na pagsasama nila bilang magkaklase, iyon nalang lagi ang lumalabas sa bibig nito.
"Kapag ako talaga gumanda! Tangina ka Ken! Lubayan mo ako!" may kasama pang mura, o diba! Bongga! Ako nga pala Mhim ang dakilang tagapagsalaysay ng love story nila.
"Negra!" asar ni Ken kay Jesy. Sa totoo lang, hindi ko makita kung saang banda maiitim si Jesy. Talagang trip lang siguro ni Ken asarin si Jesy kaya siguro ganoon.
"Gago!" kilala si Jesy bilang palamura sa eskwelahan nila pati narin sa tawag na chocoloves ni Ken dito. Sikat sila sa skwela hindi dahil sa maganda't gwapo sila dahil hindi ko naman masasabing ganoon nga sila, sikat sila dahil sa kakulitan nila sa tuwing umaga, breaktime, lunch at uwian maging sa oras ng klase. Palagi silang LQ kapag magkasama. Ang tawag nga sa love team nila ay Kesy. Ang cute!
"Libre mo naman akong Choco Tops, chocoloves ko!" asar ni Ken kay Jesy. Bakit nga ba ganito si Ken? Tsk. Simple lang. Katulad lang rin sa ibang cliché na story. Ang lalaking mapang-asar sa isang partikular na babae. Syempre, may gusto sa babaeng iyon at kung nagkataon, mahal niya pa nga siguro. Ewan?
"Ililibre kita sa oras na tigilan mo ako." saka ito nagpunta sa isang mesa at kumuha ng upuan, saka umupo at kumain.
"Chocoloves! Huwag ka na ulit sasama dun sa Negroboy na iyon!" ma-ala presidenteng sabi ni Ken. Akala mo naman kung sino kung maka-utos.
"Tsk. Aba't sino naman ang tinutukoy mo?"
"Ayan!" sabay turo niya sa lalaking pumasok sa loob ng Cafeteria. Si Rence, kilala siya dahil sa Dad niya na artista at miyembro rin siya ng dance troupe ng school.
"Tsk. Hay naku Ken! Tigilan mo ako." sabi nito at umalis na habang si Ken naman ay nakatingin lang ng masama kay Rence. Ano bang meron ito na wala siya. Actually para sa akin ay marami, sabihin na nating mas maputi siya kay Rence, moreno kasi ito parang si Jesy lang. Flawless moreno skin! Mas matangos ang ilong ni Rence siya medyo lang, mas matangkad siya kay Rence ng isang pulgada, walang pimples si Rence habang siya ay may isa sa ilong pa, chinito ito siya naman laki mata. Tsk. Kung titingnan talaga, talo si Ken kay Rence.
"Nakakainis naman!" bulong ni Ken sa sarili. "Nasaan na iyon?" tanong ni Ken dahil nawala sa paningin niya si Jesy. Kakakumpara niya kay Rence at sa kanya, nawala tuloy sa paningin ang apple of the eye niya.
"Miss Mhim, nakita mo si Jesy?" tanong niya sa akin.
"Si Chocoloves mo? Ayun oh! Kasama si Rence." tsaka ko nginuso ang kinaroroonan nila.
"Tangina naman oh!" napailing nalang ako atsaka siya sinundan ng tingin.
"Layuan mo nga siya!" sigaw ni Ken kay Rence. Ngumiti lang si Rence sa kanya at saka umalis na sa kinaroroonan nila. Nakita ko naman si Ken na hinila si Jesy sa kung saan at ibinaling ulit an tingin kay Rence kinindatan niya ako, nathumbs up naman ako. Magkavibes kasi kami!
Sinundan ko ang dalawa. Lagot na! Baka magsabunutan! Joke.
"Diba sabi ko naman sayo layuan mo siya?!" -Ken
"Tsk. Bakit ba? Ano bang pake mo?" -Jesy
"Kung sa tingin mo bagay kayo, hindi kayo bagay! Sikat si Rence, ikaw ordinaryo ka lang. Gwapo si Rence ikaw pang - " napatigil si Ken sa pagsasalita dahil sa malakas na pagsampal sa kanya ni Ken.
"Ang kapal ng mukha mo! Pwede ba tama na! Ang sasakit na ng mga lumalabas diyan sa bibig mo e!" umiiyak si Jesy habang sinasabi niya ang mga salitang iyon.
"Oo na, panget na. Gago ka! Tangina mo! Paksyet ka! Lahat na ng mura ikaw! Syet!" iyak siya nang iyak habang si Ken naman ay nakatingin lang sa kanya, hindi alam ang gagawin.
"Bakit ikaw pa ang nagustuhan ko..." banggit ni Jesy habang papiyok-piyok pa. Natigilan si Ken.
"A-ano?" -Ken
"Oo na, may pimples ako. Oo na, may eye bags ako. Oo na, buhaghag ang buhok ko. Oo na, maitim ako. Kaya kapag ako gumanda, who you ka sakin!"
"Sabihin mo nga ulit iyong kanina." pag-uutos ni Ken.
"Ayoko na! Hindi ako uto-uto." sagot ni Jesy. Bigla bigla naman ay nangyakap si Ken mula sa likod at ipinatong ang ulo niya sa balikat ni Jesy.
"Hindi mo naman kailangang maging maganda. Hindi kailangan na makinis ang mukha mo, hinid kailangan na maganda ang mga mata mo, hindi kailangan kung maganda ba ang buhok mo, at hindi mahalaga kung kasing itim mo man ang uling -- Aray!"
"Paksyet ka!"
"Ang mahalaga, gusto mo ako."
"H-ha? Sinong may sabi noon?" pagmamang-maangan ni Jesy.
"I love you too!"
-

BINABASA MO ANG
Random. [One-Shot Compilation for 2013]
Short StoryRandomness. Copyright © 2013 by LittleFangirl