#TeenFiction #Romance
-
Ang bawat tao ay may love story.
Ako. Ikaw. Siya. Sila. Lahat tayo. Kahit sino pwedeng mapana ni kupido, tamaan ng sibat ng pag-ibig, at mahulog sa bangin ng pagmamahal. Kahit kailan, kahit saan at kahit sino pa man iyan. Magugulat ka nalang na isang araw...
***
Palagi mo siyang iniisip.
"Girl! Girl! Psst! Yuhooo! Velocityy!"
"AY! LORENCE!" Anong sabi ko? Kung anu-ano nalang nababanggit ko. Nababaliw na ako!
"Sinong Lorence? Ikaw ha! Mayroon ka atang hindi binabanggit sa akin, these past few days ay wala ka lagi sa sarili mo." sabi ni Emma nang nakapamaywang pa, kunot ang noo at salubong ang kilay.
Iniisip ko na naman kasi siya e. Tsk. Hindi ito maganda. Masama ito. Kailangan ko na talagang itigil ito.
***
Nag-aalala ka sa kanya.
Yung sinabi kong ititigil ko na ito? Hindi ko ata kaya eh! Kasi eto ako ngayon, nagtatakbo papunta sa ospital. Balita ko kasi may sakit daw siya.
"Room 143, Room 143, Room 143! Ayun!" sabi ko saka ko pinasok yung room na iyon. Nakita ko na may babae sa loob at nakayakap siya kay Lorence.
"Velocity? OhGod! Ikaw nga!" napatingin ako sa kanya, ngiting ngiti ito na akala mo ay abot hanggang langit. Nakakainis! Sino ba yung kasama niya? Napatingin ako dito at, Ok? Maganda siya, pero mas maganda ako noh! Mukha naman siyang mabait pero ako, mabait talaga ako! Cross my heart, hope you die! Swear!
"Uhm.. Hi! I'm – "
"Sino ka?" sabi ko ng nakakunot ang noo at nakasimangot. I just don't like her.
"Ako nga pala si Lara! Lorence's big sis!" sabi nito at saka ako niyakap.
"What?! Ate mo siya?" tanong ko na sobra sa pagtataka at nakakahiya a!
"Haha! Selos ka noh!" pang-aasar naman ni Lorence.
"Heh!" sabi ko.
"Ang cute naman ng girlfriend ng kapatid ko." napatigil naman ako ng marinig ko ang salitang girlfriend.
Eto na naman ako. Hayy... Ano ba kasi itong pinasok ko?
***
Bumibilis ang tibok ng puso mo kapag kasama o kausap mo siya, kahit makita o marinig mo lang siya.
Isang linggo na ang nagkalipas at mas lalong lumalim ang pagkakaibigan naming ni Lorence. Si Lorence, nakilala ko siya sa Comelec. Magpaparegister ako noon para sa SK at siya lang ang nakakausap ko noon dahil wala akong ibang kasama at hanggang ngayon ay magkaibigan parin kami.
"Hi Velocity!" *dugdug* Ano yun? Yung puso ko! Waaah! Magkasabay kasi kami ngayon sa jeep e. Magkaiba kami ng school at sa jeep lang kami nagkakasabay, ewan ko ba kung destiny daw 'kuno' o nagkataon lang na palaging pareho ang nasasakyan namin na jeep papunta at pauwi.
"Ah.. H-hello." sabi ko. Nahihiya ako sa kanya, ewan ko ba pero! Basta!
"May nagawa ba akong mali? Huy Velocity! Bakit di mo ako pinapansin? Iniiwasan mo ba ako?" dire-diretsong tanong niya sa akin.
*dugdugdugdug*
"Ah.. Hindi ah. Wala lang ito. Ano lang... Ano kasi – pagod lang ako, madami kasi kaming ginawa kanina sa school e." pagsisinungaling ko.
BINABASA MO ANG
Random. [One-Shot Compilation for 2013]
NouvellesRandomness. Copyright © 2013 by LittleFangirl