Chapter 2

11 1 0
                                    

Pagdating ng Araw (Someday)
Chapter 2

Sumasabay sa lakas ng hangin ang mga puno, maitim ang ulap, walang kang makikita na sinag ng araw. Tila may gusto sabihin ang kalangitan. Gusto niyang sabihin na may malakas na bagyo na darating.

Binalewala ko lang ang nakita ko sa labas, nandito ako sa isang sikat na cafe. Maaga akong umuwi galing opisina para lang mag stay dito para dito na lang gawin ang mga report ko para sa magaganap na meeting namin bukas sa head office.

Hindi nauubusan ng tao at tila ginawa ng tambayan itong cafe, maririnig mo na may sari sarili silang pinagkakaabalahan at pinagkwe kwentuhan. Ang iba naman makikita mo na busy sa kanikanilang laptop, mga estudyante na nagrereview para sa kanilang eksam na padating.

Ako ito nag iisa at pilit na pinofocus ang sarili sa mga office reports ko, mga excel sheet na puno ng mga numero na ihahanda ko para sa business review meeting namin bukas. At mga kakailangin na supporting docs. Pero ito ako ngayon tuliro, wala sa sarili at hindi makapag isip ng maayos.

Lumabas ako ng maaga sa opisina sa kadahilanan na ako na lang mag isa ang maiiwan. I don't like that feeling. Feeling of being left behind.

Lumipas na ang isang linggo hindi ko pa rin nakakalimutan yung mga nangyari. Hays! Gusto ko ng makamove on!

*Phone Ringing*


Calling...
BestestFriendHailey

Hindi ko sinagot ang tawag niya.

Isang linggo ko na din iniiwasan ang mga kaibigan ko. Pagkatapos nitong magring tinurn off ko na ang cellphone ko.

Gusto ko muna mapag isa. Alam ko naman na naiintidihan nila iyon. Alam ko din na nag aalala lang sila sa akin.

Gusto ko lang makalimot at iwasan muna ang mga taong malapit sa akin. Kaya ito ako ngayon nagpapakalunod sa trabaho.

Hindi naman ako makapagconcentrate sa ginagawa ko dahil naaalala ko yung mga panahon na kasama ko siya at mga kaibigan namin dito sa cafe, yung mga panahon na tumatawa kami sa panunukso kay hailey, yung mga panahon na kwentuhan at kape lang masaya na kami kahit mahal man, yung mga panahon na tinititigan ko siya sa counter habang nag oorder, yung mga panahon na nakikita ko pa ang malawak niyang mga ngiti at pagsuklay niya sa buhok niya gamit ang kanyang kamay. Yung mga panahon na nahuhulog pa lamang ako sa kanya. Hindi ko na maibabalik ang mga panahon na yun.

Ewan ko ba dito sa paa ko at dito pa talaga ako dinala. Sadista ka lang te? Hay!!!

9:00pm na pala! Naku makauwi na nga!

Sinabi ko sa sarili ko "Pagdating ng araw makakamove on din ako sayo Nate!!!

Binuksan ko ang cellphone tiningnan baka nagtext na si daddy at hinahanap ako.


4 messages
Received

Walang text galing sa daddy ko. Yung tatlong messages galing kay Hailey, Laica at Ina na ngangamusta sa akin at niyaya akong kumain kami sa labas. Kaso wala akong gana gumala at replayan sila.

Tiningnan ko ang isang message.

+639**********
Unknown Number

I miss you

Sino naman to? Baka wrong send lang siguro. Hindi ko na lang pinansin at binura ko na lang...

.........



After 2 years...

"Good morning Ma'am Carlie!" Bati sa akin ng isang empleyado ng kumpanya pinapasukan ko.


"Good morning din." Sagot ko sa kanya.

From being an OIC. I am now the head manager ng Accounting Department namin.

Last year nakapasa ako ng board exam at natapos ang isang masteral course sa aking alma mater. Hindi man sa pagmamayabang pero may clothing store na ako.

"Ma'am remind ko lang po kayo. About your meeting later with Sir Stewart Lee Ong and the said guest who will be the one to build the new branch in Subic later at 2pm" Sabi ng secretary ko na si Joy.


"I almost forgot about that! Thanks for reminding me Joy! Prepared na ba lahat ng gagamitin na documents later?" Tanong ko kay Joy na parang ate ko na.


"Yes Ma'am nasa table niyo na po. Anything else Ma'am?" Tiningnan ko ang mga reports at mga list of possible expenses ng gagamitin sa gagawing branch namin sa subic.


"Wala na. You can go. By the way Thank you!" Nag smile si ate Joy at lumabas na ng office ko.


Haay! Huminga ako ng malalim at inumpisahan ang araw ko.

.............

Dumiretso na kami ni Ate Joy sa Conference Room for the said meeting.


"Ma'am mukhang late ata tayo. Kausap na po daw ni Sir Stewart yung Archietect" Utas ni Ate Joy sa akin.


Tiningnan ko ang orasan ko. 1:55 pm pa lang sa orasan ko.


"It's ok! Maaga pa tayo, advance lang yang orasan mo!" Sambit ko kay Ate Joy.

Ate ang tawag ko sa kanya pag nasa labas kami ng opisina. Matagal ko na din siyang empleyado at magkaibigan na kami. Parehas kaming professional pagdating sa work.


Pumasok na kami sa loob ng conference room.


Nakita kong may kinakausap na Sir Stewart. Napaaga ata ang dating ng makakameeting namin.

Hindi ko siya maaninag dahil nakatalikod ang upuan niya sa amin.


"Sir let me introduce you to Ms. Bonzo our Accounting Manager." Tumayo si Sir Stewart at ipinakilala ako.


Ilalahad ko na sana ang aking kamay para makipag shake hands kaso nabigla ako ng makita ko kung sino ang nasa harapan ko.



"Hi! Nice to meet you Ma'am" Nakangiti niyang sinabi akin, at nilahad niya ang kamay niya sa akin. Hindi ko makakalimutan ang boses na yan.


Nakipag shake hands na din ako sa kanya and gave him a simple smile.


Umupo na ako sa harapan niya at si Joy para maumpisahan na namin.

Tiningnan ko siya at pinagmasdan. Nag bago na ang lahat sa kanya.





After a long years
Nagkita kami ulit..




Small world!!!!





Mr. Manalili its nice to meet you again bulong ko sa sarili ko.

End of Chapter 2

Pagdating ng PanahonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon