Pagdating ng Araw (Someday)
Habol na pagmamahal
Dalawang klase lang meron ito.Una, ang maghabol dahil nagkamali ka ng desisyon
Pangalawa ang maghabol ng walang kasiguraduhan.Sa unang paghahabol mabilis lang maiayos at maitama ang lahat.
Pagsisihan natin sa una pero may pagkakataon pa tayo baguhin ang lahat, may oras pa para magawan ng paraan.Ang pangalawang paghahabol hindi mo alam kung tama ba na hinahabol mo yung tao dahil pilit ka niyang nilalayo sa kanya. Halos maubos na ang hininga mo sa kakahabol sa kanya pero hindi mo alam kung kailan mo makakamit ang finish line, yung nakatayo siya doon bilang premyo mo kahit na napagod ka man sa kakatakbo alam mo na may nag aantay sayo sa dulo.
May pagkakataon naman na takbo ka ng takbo dahil napagod kana kakahabol sa kanya. Lahat naman may hangganan, napupuno ka din at napapagod.
Minsan siya pa ang magtataboy sa atin at sasabihin "tama na!" Kahit ayaw mo pang huminto, kahit kaya mo pang tumakbo, kahit gusto mo pang tapusin ang laro pero wala ka naman magawa.
Ang pinaka ayaw mong marining ang sabihin niyang "huminto kana!"
.............
Pawis na pawis akong nagising at hinahabol ang paghinga ko.
Parang tumakbo ako ng napakalayo.
Nasanay na ako na ganito magising. Hindi ko alam kung paano ko makakalimutan ang pangyayari na yun.
3 weeks na ang nakalipas simula nung pagpunta namin sa subic.
......
Nag ring ang phone ko.
Daddy Calling....
"Hello!"
"Saan kana?"
"Nlex na po!"
"Ah sige nandito na kami, ingat ka ha! Akala namin hindi ka nanaman pupunta." Sabi ng papa ko sa kabilang linya.
"Im on my way na! don't worry."
"Oh sige!" Binababa na niya yung phone.
..........
Flashback
"Ma'am!" Pumasok si ate joy sa office ko.
"Baka gusto muna magdinner Carlie." Pag aaya niya sa akin.
"Mamaya na lang Ate, madami pa akong ginagawa." Pagdadahilan ko sa kanya.
Nag overtime kami ngayon, ang daming kailangan icheck at tapusin ng trabaho para sa bago naming branch.
"Kanina kapa hindi tumatayo diyan eh!" Panenermon sa akin ni ate joy.
Tiningnan ko siya na may dala dalang mga plastic at inayos ito agad sa lamesa.
"Kumain kana bumili akong chinese food. Sigurado din ako na hindi ka magluluto pagdating mo sa condo mo." Kilalang kilala na ako ng isa na ito.
Agad naman akong tumayo para matapos na din yung pangungulit niya sa akin.
"Nagtext naba si Architect MJ? Nabigla ako sa tanong niya konti na lang mabilaukan ako.
"Bakit naman siya magtetext sa akin?" Pagtatanong ko sa kanya.
"Kasi gusto ka niya! Ayieee muling ibalik ang tamis ng pag ibig." Pang aasar niya sa akin.
"Ano ba Ate Joy hindi naman niya alam yung number ko."
"Ano ba yan? Ang hina din ng isa na yun eh! May chance ba siya ha? May chance ba?" Hay ang kulit talaga nito.
"Baka natauhan na yun kaya hindi nagparamdam diba sabi ko nga sa kanya, hindi ko pa kayang pumasok sa isang relasyon." Naikwento ko kay ate joy ang mga nangyari sa subic.
