Chapter 3

11 1 0
                                        

Pagdating ng Araw (Someday)
Chapter 3





Hindi na ako matinag sa dami ng trabaho na kailangan kong tapusin this end of the month pati mga aayusin na papers para sa bagong branch namin sa subic.



2 weeks na ang nakalipas mula nung pagkikita namin ni MJ MANALILI.

After ng contract signing with his construction firm. Nagyaya naman sila mag dinner, umayaw ako dahil birthday ng pinakacute kong pamangkin nung araw na yun.



Tinatapos ko na lahat ng trabaho ko dahil dalawang araw ako mawawala sa opisina. Magsisite visit kami sa subic ni Sir Stew (short for stewart).


..........

10:00 am

Nakadating na kami sa site..


Sinalubong kami ni MJ at dinala sa loob ng barracks nila para makapag-usap ng maayos. Pinakilala niya din kami sa mga senior architect na may hawak ng project.

Pinagusapan namin ang magiging timeline kung kailan matatapos, mga billing dates at issuance of payments, mga construction expenses. Habang Sir stew tinatanong kung magiging ok ba yung materials at mga possible problems na pwedeng mangyari.


Hindi na ako masyado nakinig sa pinaguusapan nila dahil wala naman akong kaalam alam dun. Kailanganin ko lang naman alamin ang financial expenses ng magiging bagong branch namin.

Isang malaking project ang iniinvest namin dito dahil magkakaroon kami ng logistic to distribute local goods/stocks to other countries near the philippines. Kaya sobra ang pagtutok namin dito ni Sir Stewart.


"Ms. Carlie do you have any concern or any question?" Tanong ni MJ.

"Wala na." I gave him a fake smile.

Almost 4pm na din ng matapos ang meeting namin.

Tumayo na kami ni Sir Stewart and end the day.


"By the way MJ thanks for accommodating us in your hotel." Utas ni Sir Stew.

Kung hindi ako nagkakamali ng rinig hotel niya?



Hindi pa kami nakakapag check in,  dahil dumiretso kami agad sa site.


"My pleasure Sir." Sagot niya kay Sir Stew na may halong nakakalokong ngiti.


I just gave him a smirk.

"If you want we can have dinner, I'm also staying there in my suite." Pag yayaya niya sa amin.

"Sure wala naman din akong gagawin." Sagot ni Sir stew


"That will be nice Sir. How about you Ms. Carlie do you have plans?" Your assuring me na sasama ako sayo.

Balak ko sanang mag room service na lang at magtrabaho sa suite ko. Ayaw ko namang tanggihan ang offer niya baka isipin pa nito iniiwasan ko siya.


"I'll be there!" Sagot ko sa kanya.


Nag paalam na kami sa kanya at pumunta na sa hotel para mag check in.


.................................
Prestige Hotel

"Good afternoon Welcome to Prestige Hotel." Pagkapasok pa lang namin ginreet na kami ng staff.


Mukhang 5 star hotel ito. Ang garbo ng disenyo sa ceiling, mga malalaking chandelier na kumikinang dahil sa ilaw na  kanyang inilalabas. Mga furniture na mamahalin, mala Santorini ang theme ng hotel na ito. Halos puti at blue ang mga kagamitan. Nakakamangha ang infinity pool nila sa may harap ng beach. Mga villas at suite na rustic ang mga disenyo at modern villas.


Pagdating ng PanahonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon