Chapter 19: APOLOGY ACCEPTED

347 4 0
                                    

sorry for the very  very very late ud's...

sa bakasyon na lang ulit ang nxt ud kay?

thanks for reading hihii

enjoy......

vote/comment/add to ur rl

______________________________________________________________________________

Chapter 19: APOLOGY ACCEPTED

MIKI POV

Nagising ako dahil sa liwanag na tumatama sa aking katawan. Tinatamad na minulat ko ang namamagang mga mata ko at nilibot ang kapaligiran ko. Nasa isang kwarto ako.....malaking kwarto ako at base sa nakikita ko nasa kwarto ako ng isang lalaki...may isang bagay na nakakuha ng atensyon ko,tumayo ako sa kama at nilapitan ang malaking letrato sa wall.

Sa litratong ito may dalawang matandang lalaki na nakatayo at sa kabilang gilid nila ay may dalawang lalaking mga nasa late twenties na nakahawak sa balikat ng dalawang babae ang nasa kaliwa ay di buntis ngunit may dalang baby at sa kanan naman ay may babaeng buntis na nakahawak sa lalaking nasa likuran niya at ang isang kamay ay nakhawak sa tiyan niya habang sila ay nakaupo ngunit may isang batang babae na nakaupo gitna sa dalawang buntis. Lahat sila ay nakangiti at alam mong masaya sila sa buhay nila......

.

Pero kapansin pansin ko na ang isang matandang nakatayo doon ay ang aking lo-lolo...

Dumako ako sa dalawang taong nasa kanan...

Kahit itanggi ko sa sarili ko alam ko kung sino sila at sa tingin ko ay mag-asawa sila....ang babaeng buntis sa kanan at ang lalaking nasa likudan nito ay ang........

...

...

...

...

...

Ang mga magulang ko...

Bakit?papaano ko nalaman?

Totoo ang sinabi ng l-olo ko na na na ka-kamukha ko siya.....kamukhang kamukha bukod lang sa buntis siya kaya mataba siya pero di maitatanggi na anak ako ng tao yun saka ang sa tingin ko ay ang ama ko ang lalake sa likod ng tingin ko ay aking ina. Napansin ko sa aking ama,... ay nakuha ko ang mga mata niya....brown and yet dark eyes...

Base sa litrato mahal na mahal nila ang isa’t-isa at masaya sila.....kahit sa litrato lamang nakikita ko sa mga mata nila ang contentment, excitement, nervous? No. Happiness, pero ang nangingibabaw ay ang love....pagmamahal...pagmamahal sa isa’t isa at sa tingin ko ay......sa akin din?

Nagulat na lamang ako ng may naramdaman akong may mahigpit na nakayakap sa akin mula sa likuran.. ang isang braso nito ay nakapalibot sa bewang ko habang ang isa ay nasa leeg ko pero hindi naman ako nasasakal sa katunayan nga i felt safe and protected in his arms....

Naramdaman kong hinahaplos niya ang pisngi ko at naramdaman kong basa ito....umiiyak na pala ako...pero kasi kahit sawang sawa na akong umiyak di ko pa rin mapigilan ang pagdaloy ng luha ko...di ko kayang pigilan ang mga emosyon ko......di ko na alam...bakit ba ito nangyayari?

Parang kahapon lang isa lang akong simpleng babaeng gusto lang matupad ang kanyang mga pangarap para sa mga magulang niya.....

Pero dahil sa isang katotohanan nagbago ang lahat.....lahat-lahat...nararamdaman kong nangyayari na ito sa akin....bakit ganito kasakit ang katotohanan? Di ko alam kung anong mararamdaman ko sa mga nalaman at nangyayari sa akin at sa buhay ko....magiging malungkot ba ako? Malungkot dahil hindi pala ako anak nina inay at itay o matutuwa dahil hindi nila tinago habang buhay ang totoo kong pagkatao at nakilala ko ang tunay na pamilya ko? Di ko alam.......

The Lost HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon