Berdeng mga mata.
Yan ang unang tumatak sa isip ko pagkakitang-pagkakita ko sa kanya.
Ni hindi ko sigurado kung hanggang kailan ako nakatitig sa kanya pero alam ko parang wala ako sa sariling nakatitig sa kanya hanggang sa mga oras na yun.
Halos hindi na ko humihinga lalo na nang tingnan niya din ako at pumokus sakin ang kanyang paningin.
Ang ganda.
Pero kahit na ganun parang wala ako sa sarili na naengkanto at nakatitig lang sa kanya. Ni hindi ako gumalaw. Ayoko ring pumikit. Sa pakiramdam na baka pagmulat ko, mawala siya.
DUGDUGDUGDUGDUG
At iyan na naman ang ingay ng puso ko. Mas dumoble pa... Pero sa mga oras na iyon, wala pa sa isip ko ang mainit niyang hininga na tumatama sa aking muka. Pati na rin ang mga mainit niyang brasong nakabuhat sakin. Di ko rin alintana ang lamig ng hangin. Ang tanging laman ng isip ko ay...
"Taga rito ka ba?" Ang weird di ba? Alam kong hindi dapat iyon ang unang itinatanong lalo na sa estranghero ngunit...
Hindi niya ko sinagot.
At dahan-dahan niya akong tinabingi?-- Ah! Buhat-buhat niya pa pala ako hanggang ngayon! 😣 Nakakahiya. Ano ba yan Aina.
Itinayo niya ako mabuti ngunit hindi ko parin inaalis ang titig sa kanyang muka.
Kulang ang salitang gwapo kung iddescribe ang taong ito. Kung--tao man siya. Hindi normal ang makasalo mula sa ganung kataas lalo na't mabigat pa ko.
Pinagiisipan ko pa kung naeengkanto ba ko o alien to nang hawakan niya ko sa kamay at lumipad na lahat nang laman ng utak ko.
Kasabay nun, pagkabog nanaman ng puso ko. Kung lalapit siya sakin, di kaya marinig niya yun?
Pero lahat ng yun wala sa isip ko dahil siya lang ang nakikita ko nang mga oras na yun.
"Ihahatid kita sa inyo."
Kahit ang sinabi nyang iyon, hindi ko na masyado naisip at tumango na lang ako.
Ang ganda ng boses niya. Kung kakanta sya, siguradong mahibighani niya ang kahit sino.
Naglakad kami ngunit para bang sumakay kami sa magic carpet o kung ano na tumakbo ang oras nang napakabilis at parang nagliliparang mga pahinang mga larawan na lamang ang lahat nang nasa paligid.
Napakabilis ngunit napakabagal.
Ang gulo. Basta ang alam kong gusto kong manatili ang mainit niyang mga kamay na nakahawak sa mga kamay ko.
Nagulat na lamang ako nang tumigil kami sa tapat na bahay. Hindi ko pa mapapansin yun kung hindi niya pa ko lilingunin at kakausapin.
"Andito na tayo."
At yun nga, parang biglang nakawala ako sa pagkakaengkanto at nakita ang bahay nila Apo Bentong. Paanong?! Kelan? At paglingon ko sa kanya--
😮😲 Nawala?! Asan na yun?
Para pa rin akong nasa panaginip at wala sa sarili nang mga oras na yun.
Gusto ko siyang hanapin pero pakiramdam ko, hindi ko na sya makikita pa ulit--ngayon.
"Boom ate Aina! Hehehe! 😋"
At syete! Naglalaro pa rin pala tong mga to!
At ayun nga naglabasan na ang mga bata sa kanya-kanyang mga taguan.Ngayon ko talaga masasabi na gising na gising na ko. Para akong lasing na hindi ko alam kung totoo ba yung nakita at naranasan ko o hindi. Basta ang alam ko, pagod na pagod ako at inaantok at kailangang kailangan ko ng tulog.
"Pano ba yan ate Aina! Ikaw ang taya!"
"Sorry Tyra, wala ako sa mood."
"Hah, eh kelan ka maglalaro ulit? Madaya!"
"Hindi na. Hinding hindi na ko maglalaro nyan ulit."
Pagod akong umakyat ng pangalwang palapag para makapagpahinga na sa kwarto. Sa pagdaan ko sa bintana, muling tinitigan ko ang buwan na buo at napakaliwanag sabay nito ang pagsipol ng napakalakas na hangin.
Para siyang panaginip. Hindi, para siyang pangitain. Hindi ko alam kung anong hatid nito sakin pero sigurado akong nais ko pa itong maulit.
![](https://img.wattpad.com/cover/39304677-288-k23132.jpg)
BINABASA MO ANG
Footsteps In The Moonlight
Teen FictionThe Boy Who Only Appears At Night. Dreams. That's what I thought everything is. Pero hindi pala... Dahil totoo siya. Nagsimula ito lahat sa isang pangitain... Sa isang kakaibang pakiramdam at naguguluhang utak.... Sa isang siguradong puso at at hin...