The Night of Wonder

1 1 0
                                    

Paggising ko ng umaga nakita ko si Apo Bentong na nagbibiyak ng panggatong sa bakuran.

Habang yung mga pinsan ko naman, nanonood ng cartoons at yung iba nagkikipaglaro sa mga kapitbahay. Simple lang naman ang buhay dito eh. Simple lang din ang buhay nila. Gising sa umaga, laro. Hanggang hapon at pati na gabi. 😔 Yung mga matatanda naman, may kanya-kanya silang gawain sa bahay kaya nakagawa ang lahat nang maayos.

"Lolo," tawag ko

"Ano nanamang kailangan mo ha?"

Pag ganitong Lolo ang tawag ko sa kanya. Alam na niyang may kailangan ako. Matinik talaga to si Lolo.

"Lo, may kakilala po ba kayong... ahm kaedaran kong foreigner na nagbabakasyon ngayon dito sa baryo?"

Maiging foreigner na lang sabihin ko para safe. Baka mamaya kung ano pa isipin nito ni Lolo eh. Isa pa, alangan namang sabihin kong alien nakita ko kahapon di ba? Ano ko nababaliw?

"Aba'y foreigner na ba hanap mo ngayon apo? Bakit? Andyan naman si Romel ah. Kababata mo pa yun. Bata pa lang kayo, may kras na siya sayo! Hahanap ka pa nang foreigner eh meron naman diyan sa tabi-tabi!"

"Lolo hindi ganun!"

"Anong crush-crush na yan Pa? Aina, bata ka pa ha. Bawal ka pang magnobyo!"

At bigla namang singit ni Papa. Sabi ko na nga ba eh. Magtatanong lang kung saan-saan na umaabot ang usapan. 🤦 Ingay kasi nito ni Apo Bentong. Wala naman siya dito nang tinatanong ko si Lolo eh. Chinempuhan ko na ngang magtanong nung nakita ko siyang nag-iisa. Pero dahil sa ingay iyan, narinig pa ni Papa.

"Papa, hindi po ganun. Tinatanong ko lang naman si Lolo kung may kakilala siyang fore-"

"Aba't bakit ayaw mo kay Romel? Matangkad naman yun, moreno at gwapo din. Malakas pa!"

"Lolo! Hindi nga po ganun!" A-ah ang hirap kausapin ni Lolo pag talagang ganyan siya!

Ireto daw ba ko kay Romel?! Hindi naman sa pag-iinarte ha, pero kaibigan lang kasi talaga ang tingin ko sa kanya. Kalaro ko yun nung bata pa kami, pero syempre mula nang mapalipat hindi ko na siya nakikita nang gaano.

Alam kong may crush na sakin yun nung bata pa kami pero syempre bata pa ko nun, malay ko ba sa mga crush-crush na yan.

Basta alam ko, makapanood lang ako ng barbie  at makapaglaro ng lutu-lutuan at bahay-bahayan sa bakuran namin masaya na ko. Minsan nga di ko pa pinapansin yun pano lagi siyang nanduduya kapag nagpapatintero eh. Inaasar niya pa ko minsan na mapapangasawa ko daw ay maligno dahil ayoko siyang pakasalan kapag naglalaro kami ng kasal-kasalan. Pakasalan niya yung Barbie ko! Bahala na siya dun. Samantalang ako, kapag kasal-kasalan na, pupunta na lang ako sa may burol, aakyat ng puno at magtatago. Gagawin ko yun matapos kong itago yung tsinelas niya sa bubong sa sobrang inis kapag inaagawan niya ko ng barbie. Sino ba kasing may sabi na gusto kong maglaro ng kasal-kasalan?! Tapos gusto niya kami pa lagi yung partner, bahala siya dun.

"Foreigner ba kamo Aina? Ayaw mo baga kay Romel? Honor student din naman yun ah. Parehas kayong matalino! Bagay na bagay kayo!"

At... isa pa to si Tita Trining. Wala talaga ito dito kanina. Nakarinig lang yan ng chismis, malakas ang tenga.

"Anong bagay-bagay! Hindi ako sang-ayon! Ikaw Aina ha! Magtapos ka muna ng pag-aaral tsaka--"

Footsteps In The MoonlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon