The Boy On The Hill

28 3 1
                                    

"Tago-taguan maliwanag ang buwanMaglalabasan ang aswang, mga tsanak sa daan. Mananangal at kapre, magpapakita sa gabi. Pero iwasan sa lahat, bampirang nangangagat. Kapag ikaw ay nakagat, sumpa sayo ay lalapat..."

"Ituloy pa ang laro at milagro'y mabubuo. Sa gabi magtatago, wag ka lang susuko. May maligno sa likod ang magtago sa harap. May bulutong sa puwet ang magtago sa gilid. Tabi-tabi po, bawal sa may punso. Kakambal ng kapre ang magtago sa puno. Ang magiging madaya sampung beses matataya. Pipitikin sa noo ang matatalo sa huli... Isa...dalwa...tatlo...apat...lima..."

Hay nako, nagtaka kayo anoh? Kakaiba ang kanta namin, malamang kakaiba din ang laro namin eh. Dahil kung yung ibang mga bata dyan sa umaga o hapon naglalaro, kami naman sa gabi lang. O tuwing gabi lang. Kakaiba noh? Pero lilinawin ko lang mabuti, hindi kami imortal ha? O kaya naman bampira na tinatawag. Tao kami, tuwing gabi lang talaga kami naglalaro nyan.

Andito kasi kami sa probinsya namin...este, nila Apo Bentong. Sa Makati na nga pala kami nakatira at lumipat kami dun. Pumunta lang kami dito dahil sembreak.  At syempre dahil probinsya, madaming kwento-kwentong katatakutan. Kaya ayan, nasanay na kami sa mga usapang maligno dyan kaya pati sa awitin ng laro nadamay na.

Sabihin na nating 'tradisyon'. Masyadong sikat eh. Kahit saang banda ng baryo namin maririnig mo yang kinakanta ng mga bata. Ang creepy nga eh. Sinong nagpauso? Kami. Hindi, sila pala. Yung magagaling kong pinsan. Magagaling na dinamay pa ang ate nila na kahit na 16 years old na ay nakikipaglaro pa rin ngaun.- Ako.

Ako na napilitan lang at di na dapat sasali pa na sumabak ulit dahil sa kakulitan nilang lahat at pagtataksil ng tanging pinakamabait kong kapatid na si Jamin na 14 pa lang po ngaun. Kita nyo? Pati ako nadadamay sa kalokohan nila. Hello? Gabi kaya ngaun? Tapos ako pa yung taya. 😑

Matatawag mong old generation's province tong lugar namin kasi hindi naman hi-tech place tong lugar na to. Walang grocery store dito, sari-sari store lang at sa kabilang bayan pa yung grocery store dito pati palengke. Di uso ang kotse at ayan, may kalabaw at kabayo. Kung gusto mo sumakay ka pa sa kambing eh. Pero may tricycle at motor din naman. Di rin semetado ang daan dito.

Pag pupunta sila sa bayan, sasakay sila ng jeep sa paradahan sa unahan papasok sa baryo. Wala ding computer shop dito at simple mamuhay ang mga tao dito. Kaso nga lang, meron na silang mga tablet at computer sa bahay nila. Wag na magtanong kung bakit at uso ang OFW noon pa. Mga buhay padala ng kamag-anak.

Pero ang pinakakakaiba sa lahat ang mga bahay nila dito. Gawa parin sa kahoy na hinaluan lang ng konting semento. Aba, matitibay ata ang mga bahay dito! Yung iba nga yung bubong gawa sa bricks at yung bintana gawa pa sa tisa. Isa na sa mga bahay na yon ay yung kila Apo Bentong, kung saan dati pang tumira sila Papa kasama nung mga kapatid nya nung bata pa sila. O di ba, parang kapanahunan lang ni Rizal?

Pero lilinawin ko lang ulit ha? Hindi sa pinapabayaan kaming maglaro dito sa gabi. Safe zone kasi tong lugar namin. Di uso patayan dito. Di rin uso ang rape. Mababait ang mga tao dito noh. Kaya nga gustong-gusto nila Mama na andito kami eh. Ako, hindi naman sa ayaw ko ha? Pero kita nyo naman ang sitwasyon ko.

I mean, Ate, ang pinakamatanda saming magpipinsan napipilitang magsakripisyo 😒.  Husme kung may tanong ka pa mamaya na ha? Mamaya ko na sasagutin dahil-

"Ate Aina..." 😨 Oh no, oooohh no. No way. Not now. Not now. 😫 (gulp) Umalis ka, umalis ka! At.........Whew! Lumagpas! Dali! Sa kabila naman tago! Pumunta ako sa kabila habang nakatalikod sya at...Haha! Di nya ko nakita! 😁

Hala! Biglang lumingon dito!😲😨

"Ate Aina..." 😱 NO NO NO NO NO NO! Wag dito! Wag dito! Wala ako dito! 😰😖🙏 Lord please, Lord please, Lord please! Ngaun na lang to, huli na to. Wag nyo akong hayaang mataya. Ayokong maging taya ng sampung beses! Pleeeeeeaaaaase!

Footsteps In The MoonlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon