"Nang gabing iyon, nakita niya na ang pinakamatagal na niyang hinahanap... Sa ilalim ng mahiwagang buwan, natupad ang kaniyang hiling at nagkaroon ng isang himala..."
Pagmulat ng mga mata ko, parang may bumulong ng mga salitang iyon sa isip ko. Hindi ko ba alam pero pakiramdam ko, nadinig ko na to kung saan...
Pagkauwi pala nila Papa kagabi, parang gaya nga ng inaasahan ko, wala silang nahanap. Pero sa loob-loob ko, medyo nanghinayang ako dahil umasa parin ako ng konti.
Naging panatag naman sila Tito matapos nun. Pero syempre si Papa hindi.
Bagamat medyo naibsan na yung pangamba niya, iniisip niya pa ding magpatuloy dahil mas kadudaduda ang biglaang pagkawala o hindi matagpuan samantalang may nakakita kaya nakipagtulungan sila sa mga tanod na magpatrol.
Pumayag naman si Apo Bentong kaso pinatigil niya na ang paghahanap. Wala namang siyang nababanggit pero ang kalmado niya na para bang may alam siyang hindi ko alam. 😑
Dahil sa nangyari, medyo nagtaka yung ilang tagabaryo kung bakit may naganap na checking kahapon.
Buti na lang hindi nila binanggit yung sinabi ko 😅. Buti talaga hindi ko masyado kinwento yung mga pangyayari sa kanila at sinabi lang yung mahahalagang parte lalo na't andun sa harap si Tita.
Nakakahiya pag ganun.
Isipin pa nila naaaning na ko. Pero mapamahiin din yang mga yan eh, problema dun mamaya isipin nila, nababaliw na ko sa pag-ibig.
Uso din kasi dito yung mga kung anu-anong kwento pagdating sa engkanto.
Iyon, malamang kapag nakwento yan, sasabihin nila, umiibig ako sa engkanto o anumang maligno.
Kesyo baka kunin daw ako at biglang mawala o kaya gumawa sila ng kakikiligang storya at wala nang halos magawa ang mga taga-rito. Mamaya magdala pa yung iba ng mga espiritista, ay naku na lang 🤦.
"Ate Aina! Totoo bang nakakita ka ng maligno kahapon?"
Di ba? Mabilis ang balita. 😄
"Hahaha." Iyon siguro yung ginawa nilang rason nung tinanong sila Apo Bentong ng mga tao kahapon.
Kaya tuloy pati mga anak ng kapitbahay hindi rin ata nakapaglaro sa labas 😅 sorry na.
"Bakit Eric? Natatakot ka?"
"Hindi! Gusto ko din makakita Ate Aina. Saang parte mo ba nakita yun kahapon? Sabi ni Apo Bentong sa may bakuran nyo daw?" Hindi naman siya excited noh?
Sabi sa inyo eh, ganyan sila makareact. Kahit bata iba na. Bakit hindi na lang sila naging kagaya ko nung maliit?! Ang lalakas ng loob ng mga to!
At andun na nga napansin kong sa sinabi niyang iyon, madaming batang nagsisitanungan din sa mga pinsan ko kung asan daw nakita yung maligno.
Kani-kanina lang iyon pa yung term na naririnig ko, tapos nagulat na lang ako may narinig akong multo. Nakakita daw ako ng multo. Mga bata nga naman.
Tapos ayan, may isa pa kapre naman daw. Yung mga pinsan ko naman, kanya-kanyang sagot. Akala mo, sila yung nakakita. Nagmamalaki pa, ituturo daw nila sa iba nilang kalaro kung saan nila nakita yung engkanto. Nagugulat talaga ako sa bilis ng mga to. Parang kahapon lang ako pa sinisisi ng mga ito ah?!
Hay nako, mukang magiging sikat sa mga tao ang bakuran namin ngayon.
At talaga namang nagkapit-kapit pa sila ng kamay bago pumunta sa likod ng bahay. Ano to horror house?!
BINABASA MO ANG
Footsteps In The Moonlight
Teen FictionThe Boy Who Only Appears At Night. Dreams. That's what I thought everything is. Pero hindi pala... Dahil totoo siya. Nagsimula ito lahat sa isang pangitain... Sa isang kakaibang pakiramdam at naguguluhang utak.... Sa isang siguradong puso at at hin...