Puno ang langit ng bituin... At kay lamig pa nang hangin...
'sayong tingin ako'y mababaliw, giliw'
Ang ganda... Sobrang ganda ng musikang iyon.
Sa totoo lang, medyo nacocornihan ako sa masyadong pangmatatandang kanta. Pero iba ang dating sakin ng ibang makalumang bagay. Siguro dahil lagi ko itong nakikita dito sa baryo kaya parang ang payapa ng dating.
Pero ngayong gabi, wala akong ibang maisip kundi ang lirikong iyon na talagang nagtutugma sa nararamdaman ko ngayon. Lalo na dahil nakakarinig ako ng tugtog ng gitara.
Hindi ko alam kung sino ang natugtog na iyon pero, kahit na wala akong naririnig na kumakanta, nagagandahan ako sa pagtugtog niya.
Nakasilip ako muli sa bintana ng ikalawang palapag ng bahay tanaw-tanaw ang burol. Nakapatong ang dalwa kong braso dito at nakapatong naman ang aking baba sa aking mga braso.
Hindi lamang ang musika ang nakakahumaling, pati ang tanawin. Medyo malumanay ang daloy ng malamig na hangin at maliwanag ang langit buhat ng maliwanag ang bilog buwan.
Kitang kita ang nagkikinangang mga bituin at gumagawa ng musika ng hangin sa bawat paghampas nito sa mga dahon at mga kakahuyan.
Nasisinagan ng liwanag halos lahat ng nasa paligid maliban sa ibang nakukubli sa mga anino.
Napakapayapa.
Matagal na din na hindi ko naranasan ito buhat ng mapili akong lumaban.
Sya nga pala, kamusta na kaya sila doon? Kaya na naman siguro ng kapatid ko iyon 😁. Tutal naman lagi ko siyang kasama kahit noong practice pa lang eh.
May naging silbi din pala ang panonood niya sakin kahit na tinatawanan nya lang ako sa tabi. Grabe talaga yung batang iyon nagsama pa talaga ng pinsan noong practice ko, ang ingay tuloy. Sa susot nun ni Aleng Dela, pati siya dinamay sa practice. Hindi rin siya makatawa nun kasama na siya sa pinagtatawanan eh.
Iyong batang iyon talaga. Alam ko namang hindi ako yung gusto niyang bantayan kahit na malakas ang pakiramdam ko isa iyon sa mga dahilan. Dahil nanonood talaga siya para makakulitan ang kababata kong tunay na kung iturin naman siya ay nakababatang kapatid.
Pero tingnan mo nga naman ngayon, diba? Sinong mag-aakala na nang nagbigayan ng pangalan ng mga pambato, nilagay na pala ni Tita Rhea ko ay si Jamin dahil akala niya, siya yung napili ni Apo Bentong at di niya aakalaing ako ang isasabak ni Apo Bentong dahil alam niyang hindi papayag sila Papa at lalong lalo na-AKO.
Ang sarap pala sa pakiramdam na may kamag-anak kang iniisip ang ikasisiya mo. Salamat Tita 😊
Pero syempre papatalo ba naman si Lolo? Edi aapila pa sana siya kaso lang, may TV exposure pa pala yun at dahil tapos na ang binigay na deadline para sa mga magbabackout at ipapalit, hindi na pwedeng baguhin pa ang ibinigay na listahan pa.
Kaya iyon, oh di ba? Sila din pala sa huli.
Inasar ko nga si Jamin kanina eh, akala niya sya lang? Napakatamis ng higanti kapag walang kawala ang target mo. Hindi na siya makasagot, siya ang lalaban eh.
Kaya kanina habang inaayusan siya, pinaalala ko sa kanya na huwag magkakamaling magsuot ng costume ng Kampanerong Kuba dahil baka maulit niya ang ginawa niya nung grade 2 siya nang pinagcareer day sila at Halloween Trick or Treat.
Pano ba naman kasi, pinagpapalit ko siya ng damit nun para sa career costume naman ang suotin niya, aba ang bata, abalang abala sa pananakot ng kaklase, tinakbuhan niya pa ko nun. Resulta: Nakilala siyang Future Kampanerong Kuba.
![](https://img.wattpad.com/cover/39304677-288-k23132.jpg)
BINABASA MO ANG
Footsteps In The Moonlight
Teen FictionThe Boy Who Only Appears At Night. Dreams. That's what I thought everything is. Pero hindi pala... Dahil totoo siya. Nagsimula ito lahat sa isang pangitain... Sa isang kakaibang pakiramdam at naguguluhang utak.... Sa isang siguradong puso at at hin...