V

620 39 7
                                    

[Yui]

Hindi ako makakita ng maayos dahil sa sobrang liwanag nung ilaw na  nakatapat sakin. mukhang nagkamali ako ng desisyong sumangayon sa pabor ni Bom.

Nakaharap ako ngayon sa maraming tao at hindi ko alam kung ngingiti ba ako o iiyak. Sabi ni Bom kanina madali lang daw yung gagawin ko. Ngingiti at lalakad sa stage, pagkarating sa pinakadulo kailangang nakapamewang ako tapos ngingiti at lalakad pabalik yun lang.

"Waah! Nag-invite ba sila ng artista?"

"Sa Hence University rin ba siya nag-aaral?!"

Mahirap talaga pag may lengguahe kang hindi mo maintindihan.

Naririnig ko yung bulungan nung ibang mga manonood. Ng makabalik ako sa backstage ba yun? yinakap ako ni Bom.

"YUI! You made the show! Everybody likes you!" Anudaw?

Napansin niya atang hindi ko naintindihan yung sinabi niya, Kaya napabitaw muna siya sakin.

"Nagustuhan ka ng lahat! Mukhang bebenta ang collection ng group namin this month! All thanks to you!" Ngumiti nalang ako sa kanya.

***

Palabas na kami ng mall ng may lumapit saming grupo ng mga babae.

"Hi! Pwedeng magpapicture?!" Medyo napalayo ako sa babaeng lumapit sakin. Nakakabigla siya.

"Ang ganda niyo po! Nakita kita sa stage kanina na rumampa! artista po ba kayo? Model? Popstar?" Hindi ko alam kung anong isasagot mabuti at si Bom nalang yung kumausap sa kanya.

"Wala siya sa binanggit mo, sorry pero, ayaw yata magpapicture ng kasama ko" nadismaya yung babae sa sinabi ni Bom.

"Sige na po please, kahit dalawang shot lang! Ang ganda po kasi!"

Napatingin si Bom sakin at tinanguan ko lang ito, kahit hindi ko naman talaga alam kung ano ang gusto ng babaeng ito.

"Sige na nga, but make it quick kailangan na kasi naming umuwi" Lubos na natuwa ang babae sa sinabi ni Bom.

"Guys! Pwesto na kayo! 1...2...3..
CHEESE!" Tumabi samin yung ibang kasamahan niya, tapos may tinaas siyang stick, napatingin kaming lahat dun.

Nakita kong nakangiti silang lahat habang nakatingin sa may dulo ng stick, kaya yun din ang ginawa ko.

Selfie ay hindi groupfie pala yung tawag sa gianawa namin kanina sabi ni Bom. Mga tao talaga ang dami nilang alam.

***

"Welcome sa Dorm namin!" Binati ako ng isang babaeng may may kaikliang buhok.

"Yo! Ikaw si Yui diba?" Sabi naman nung babaeng nakahiga sa sofa.

Dumirestso kami ni Bom sa sinasabi niyang 'Dorm' nila, dun na daw muna ako titira habang ginagawa ko ang misyon ko.

Naalala ko nanaman tuloy yung misyon ko, hindi ko alam kung pano ko sisimulan yun gayong nawawala yung libro ko.

"S-salamat sa pagpapatira niyo lang muna sakin sa dorm niyo" pagpapasalamat ko sa kanila.

"You are very much welcome Yui, isa pa I don't know how to repay you with what you've done for me earlier!" marahang tinapik ni Bom yung balikat ko saka bumaling sa dalawang babae sa loob ng dorm.

12 Gangsters And A Goddess(DaraxExo Ff)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon