IX

500 26 16
                                    

[Bom]

Kinuha ko yung phone ko saka dinial yung no. ni Dahyunie. Nakailang ring muna bago niya sagutin.

"Hello? Bom unnie?" Sabi sa kabilang linya.

"Hi Dahyunie! Gusto ko lang tanungin kung saan makikipagkita yung kaibigan mo kay Yui at kung anong oras."

"Uhm..." Medyo napatagal yung pagsagot niya.

"Nagkita na po sila unnie...nasa garden si Yui unnie" Oh. Tumango ako kahit nasa kabilang linya ako.

"Ah sige, pupuntahan ko na lang sila mamaya. I'll hung up na dahyunie"

"Sige po, bye"

Hmm. Buti naman at nagkita na sila. Na ku-curious parin ako hanggang ngayon kung kaano-ano ni Yui yung nakipagkita sa kanya. Is he relative or someone important to Yui?-Ay ewan! Tanungin ko nalang siya mamaya!

***
[Yui]

"Exo?" Tanong ni Eros. Buti naman at medyo kumalma na siya.

"Oo, isa silang grupo ng labin dalawang magkakaibigan. Sila yung tumulong sakin nung unang araw na napadpad ako dito"

"Sigurado ka bang mapagkakatiwalaan ang mga yun?" Tanong niya ulit. Muntik ko na itong batukan.

"Oo naman Eros! Kung hindi sila mapagkakatiwalaan sa tingin mo ba mag-kausap pa tayo ngayon?-At isa pa Bukod sa labin dalawang lalaking iyon-" nanlaki yung mata niya at pinutol yung sasabihin ko.

"LABIN DALAWANG LALAKI?!" Bakit parang gulat na gulat yata siya? May mali ba dun? Di ko siya pinansin saka nagpatuloy sa pagsasalita.

"Bukod sa kanila may tatlo pa kong mga naging kaibigan. Sina Bom, Minzy at Cl! Ang babait nila! Pinatuloy nila ako sa dorm nila ng libre, binigyan din nila ako ng ibang mga kagamitan at mga damit-nakakahiya na nga eh! Wala akong kwenta kahit saan ako magpunta. Palagi lang akong nakadepende sa iba, palagi lang akong akong kawawa" Napabuntong hininga ako saka napamasid sa malayo.

"Tsk. Yan kasi! Winala mo yung libro! Yun pa naman yung tanging bagay na makakatulong sayo. Ginagamit yung librong iyon ng mga ninuno natin sa tuwing maglalakbay sila sa mundo, upang hindi sila maging mangmang sa mga bagay dito-Basta! sa lalong madaling panahon, kailangan mong mahanap ang librong iyon kahit anong mangyari-" Biglang natahimik si pusa kaya nilingon ko ito.

"Yui!"

Ah may tao pala, sa mundo nila hindi pala nagsasalita ang mga pusa.

Kinawayan ako ni Suho habang papalapit siya sakin. Kinawayan ko din ito pabalik.

"Kumusta na?" Sabi nito saka naupo sa tabi ko.

"Pusa mo ba yan? Mahilig ka pala sa pusa? Tapos sa mga kulay black pa? Most girls don't like black cats they are usually afraid of them." Nakita kong napairap si Eros sa tabi ko.

"Ah-haha oo! Mahilig ako sa itim na pusa! Nakita ko lang to sa basurahan noon, naawa ako kaya kinupkop ko na lang" Naiilang na paliwanag ko sa kanya.

"Ah....well that's nice, I actually prefer dogs but I also like cats" Anudaw? Magpaturo nga kay pusa kung papano mag-english! Nakakahilo minsan di ko kasi maintindihan!

"By the way Yui, Alam kong matagal pa pero sa New year's eve gusto ko sana kayong imbitahan na pumunta sa resthouse namin ng Exo, tell Cl and the others. Dun na din kayo magpalipas ng gabi, I'm sure it's going to be a lot of fun. Matagal na panahon na kasi nung huli kaming magbonding nagmagkakasama"

Kung ganun, magkakaibigan na sila suho at cl noon pa? Akala ko si Bom lang yung malapit sa Exo.

Tumango ako sa kanya saka kinarga si Eros. Tumayo ako saka ngumiti sa kanya.

12 Gangsters And A Goddess(DaraxExo Ff)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon