XI

226 25 7
                                    

YUI

"Waaaaaah unnie..."

"Cool!"

Umaga palang ay ginising na kami ni Bom. Ibinigay niya samin yung mga damit na pinamili namin kahapon.

Pinakita niya samin yung ginawa niya sa damit na susuotin niya sa kasiyahan mamaya.

Nakakamangha dahil iniba niya yung istsura nung mga damit. Mas lalo pa itong gumanda.

"Minzy this is for you. Pure white na magkaternong top saka ankle length skirt."

Binigay ni Bom sa kanya yung damit at lumundag naman ito sa saya.

"Yie haha magmumukha akong lady mamaya for the first time. Thank you Bom unnie!"

"Welcome Minzy-yah~ Ito naman sayo Chae. Alam kong ayaw mo sa mga pabebeng style na dress. Kaya wala akong masyadong ginawa sa black dress na binili mo. Yung sapatos lang kinulayan ko ng black. Mas magmumukha kang sopistikada nito."

Inabot naman ni Bom yung itim na damit  at sapatos kay Chaerin.

"Yeah di na ako nagulat, you know me very well. Thank you."

Ngumiti si Bom saka napatingin naman sakin.

"Yui~"

Pakanta niyang sabi sabay lumapit sakin.

"First time kitang gagawan ng damit kaya medyo kinakabahan ako sa magiging reaksyon mo. Hindi ko pa kabisado ang mga hilig mo kaya sana magustuhan mo ang ginawa kong damit para sayo."

Napailing naman ako sa sinabi niya.

"N-nakakahiya nga sa inyo. Ang dami niyo nang ginagawa para sakin. Hindi ko na tuloy alam kung pano ko kayo mapapasalamatan." tugon ko.

"Anyways heto, simple lang din na dark pink na mermaid dress. Gusto ko kasi na theme nating apat sa ball ano 'Simple but Pretty' ganon hahaha!"

Binigay niya sakin yung kinuha niyang damit at gaya nina Chaerin at Minzy, namangha din ako sa gawa niya.

Siguro kung sa planeta namin, pag-aagawan siyang maging personal na tiga desino ng mga maharlika.

"Bom, ang ganda nito." puri ko sa kanya at sa tuwa niya ay niyakap niya ako.

"Yey hindi peyl ang mga gawa ko. Group hug nga tayo girls!" sabi ni Bom saka lumapit naman samin sina Minzy at Chaerin at nagyakapan kaming apat.

Riiing...

Naghiwalay kami ng makarinig kaming tunog. Kung hindi ako nagkakamali tunog iyon ng cellphone. Yung parisukat na bagay na ginagamit ng mga tao sa pakikipagusap sa mga taong nasa malayo.

"Hmmm...Cellphone mo yun Minzy no?" pagsususpetsa ni Bom.

"Wag!"

Biglang tumakbo si Bom paakyat sa mga kwarto at sinubukan naman siyang pigilan ni Minzy. Naghabulan silang dalawa.

"Sundan natin sila unnie. Sa tingin ko'y may hindi sinasabi satin si Minzy."

12 Gangsters And A Goddess(DaraxExo Ff)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon