X

533 32 14
                                    

                          [Yui]

Busy ang lahat ngayon. Huling araw na kasi ngayon sa paghahanda para sa Christmas Ball ng paaralan.

"Yui unnie! Buti nakita kita!" Napalingon ako at nakita si Minzy na papalapit sakin.

"Minzy-yah, kumusta yung pagsasanay mo?"

"Ok lang, sa mall nalang tayo mag-usap unnie kaja!" Sagot niya saka hinila ako papalabas ng paaralan.

"T-teka Mall?" Bigla kong naalala, yun ba yung lugar kung saan dinala ako dati ni Bom?

"Yup, kasama natin sina Bom at Cl unnie"

Maya-maya ay nakita ko sina Bom at Cl sa isang kotse na walang dingding. Masayang kumakaway samin si Bom.

"Ready na ang lahat?" Tanong ni Cl samin.

"Yup Leggo!~" Sagot ni Bom at binalingan ko ito.

"Bakit tayo pupunta sa mall? Magfafashion show ba ulit yung club mo?" Tanong ko dito.

"Haha! Hindi! Huling araw na ngayon sa paghahanda ng christmas ball diba so bukas na yung much awaited event! Eh yung problema natin wala pa tayong dress na susuotin!"

"Dresseu?" Takang tanong ko. Ano ba yun?

"Basta! Damit! Bonggang damit para sa susuotin natin sa Ball bukas."

"Ah..."

Nagdrive si Cl papunta sa mall. Mahigit isang oras ang lumipas bago kami nakarating dun.

Sunod lang kami ng sunod kay Bom. Papasok kami sa isang tindahan ng mga damit tapos lalabas. Papasok nanaman sa isang tindahan ng sapatos tapos lalabas. Ganun lang, at si Bom yung pinakaseryoso samin sa pamimili.

"Ms, wala kayong color black nito?" Tanong ni Bom sa babae.

"Wala ho mam, nakadesign po kasi yan in bright colors"

"Ah okay, kukunin ko nalang to"

Bumaling si Bom saming tatlo na kanina pang tahimik na nakatingin lang sa kanya.

"Wag kayong mag-alala guys ako bahala sa outfit niyo bukas. I'll make sure na magstastand-out tayo sa ball" Sabi niya samin sabay kindat. Naiilang na napatawa nalang kami dito.

Matapos ang ilang taon ng pamimili namin ay kumain kami sa isang tinatawag nilang restaurant.

"Ang weird ng pinamili mo Bom, sa tingin ko pag-eexperimentuhan mo pa ang mga yon" Sabi ni Cl kay Bom habang umiinom sa juice niya.

Masarap yung Juice sa restaurant na to! Buti nalang at hindi ako mangmang sa kung ano ang Juice nakatikim na kasi ako nito nung sa bahay pa ako ng Exo tumutuloy.

Kumakain kaming lahat nun ng tinatawag nilang sushi ba yon? Tapos sinabihan ako ni chanyeol na isawsaw ko iyon sa sinasabi niyang wasabi. Tuwang tuwa ako nun kasi akala ko nakikipagkaibigan na sakin si chanyeol pero nung sinawsaw ko yung sushi sa wasabi at kinain iyon naluha ako sa sobrang anghang nun! Pakiramdam ko, masusunog yung bibig ko sa sobrang anghang ng wasabi na yun! Nataranta yung iba tapos kaagad akong binigyan ni Xiumin ng isang baso ng malamig na Juice.

"Yui....yuhoo....nandito ka pa ba sa earth? O nasa ibang planeta ka na?"

Napatigil ako sa pagalala ng winagayway ni Cl yung kamay niya sa harap ko.

"Dalian na natin guys, may mga last minute preparation pa tayong dapat tapusin. Kaya tara na balik na tayo sa school"
Sabi samin ni Bom at nagsitayuan na kami para umalis.

***
[Minzy]

"Hoy Kai, baka gusto mong bitawan na ako?" Iritang sabi ko sa uling na to.

Pano ba kasi? Tapos na yung music, and yung posistion namin masyadong awkward pero hindi padin niya ako binibitawan.

"I will after you answer this"

Ano naman kaya ang itatanong niya sakin? Kung byuntae nanaman to? ewan ko nalang, baka hindi siya maka-attend sa ball bukas!

"Yiiiie! Ma OTP is sailin' " Narinig kong kinikilig na sabi ni Momo. Mabatukan nga mamaya ang batang yon. Otp-otp psh.

"Ano bang itatanong mo Kai at kailangan nakaganito pa ang posistion natin? Pwedeng pakidalian kasi magh----"

"Can you be my date for the ball tomorrow?"

HUWAAT?

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Naka-drugs ba siya?

***
[Yui]

"Waaah....." halos sabay-sabay kaming apat na napabuntong hininga at napahiga sa sahig ng dorm namin.

Halatang pagod na pagod kaming apat ngayon. Pero kanina pa ako may napapansin kay Minzy. Kanina pa itong tulala tapos sisigaw bigla tapos aaktong parang iiyak na.

"Aigoo....bukas ko nalang gagawin yung mga dress natin, sa gabi pa naman yung ball" Halos pabulong nalang na sabi ni Bom.

"Nga pala, bukas na rin yung christmas eve, wala tayong handa....wala ding gifts..." Pagod na sabi ni Cl.

"Mga unnies matulog na nga lang tayo, we have a long day tomorrow" Suhestyon ni Minzy saka nauna itong magpunta sa kwarto niya. Sumunod naman ako.

Saktong paghiga ko ay nakatulog ako kaagad. Dala na rin siguro sa sobrang pagod sa araw na to.

***
[Dahyun]

"Dear crush....I want you to know something you don't know but I know that others shouldn't know---niloloko mo ba ako?" Sinamaan ako ng tingin ni pusa matapos basahin---actually hindi na niya tinuloy yung pagbasa sa love letter na sinulat ko para kay crush.

"Eh....yun lang nakayanan ko eh saka nakakahiya yata pusa.....wag na nga lang natin ituloy"

Nakatungo kong sabi saka nakapanhalumbaba sa may bintana ng kwarto ko.

Naramdaman kong lumapit siya at tumabi sakin.

"Anong wag ituloy?! Alam mo bang hindi lang muna ako sumama para tulungan si Yui dahil lang dito?! Tapos ngayon sasabihin mo ang lahat ng to?"

Napapikit ako ng mag-sermon nanaman siya sakin. Lakas talaga ng pusang to! Siya na nga pinapakain ko ito pa yung ganti niya sakin.

"Palibhasa kasi pusa wala ka namang crush kaya hindi mo naiintindihan ang nararamdaman ko ngayon"

Sinamaan niya ako ng tingin.

"At sinong may sabing wala akong hinahangaan?"

"Ehh? Sino naman yung crush mo pusa?"

May crush pala tong si Pusa? Sino naman kaya? Pusa din ba siya?

"Wala ka ng pake kung sino yun" Umiiwas niyang sabi pero kinulit ko ulit siya.

"Ge na pusa.....sino? Sino? sabihin mo sakin para quits tayo~"

"S-si Yui! Oo tama si Yui nga!"

Napatigil ako sa pangungulit sa kanya at napa-crossarms sa harap niya.

"Alam mo pusa, given na yun eh! Si Yui unnie kasi may charm na kakaiba. Yun bang unang kita mo palang sa kanya mag-kaka crush ka na....ang gondo niya kasiiii! Kahit ako kinikilig sa tuwing nakikita siya!"

"Oo nalang...bukas nalang natin pag-usapan to! Matutulog na ako"

Aba't! Tinulugan lang ako?!

###

Annyeong~ Antagal ng UD ko hahaha but I hope you enjoyed the double UD. Ang totoo niyan matagal ng nakapending to sa mga drafts ko. Ngayon lang nagkaload yung Wifi eh sarreh.

Next UD:

The Ball^^ Look forward to a lot of Fluff 2nexo moments♥

12 Gangsters And A Goddess(DaraxExo Ff)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon