Wrote this last 2012 or 2013.
-pricelessfeelingsilang ulit ko ng binabalikan ang mga litrato niya sa mini box ko.
nakakamiss siya. na mi-miss ko na ang tawa niya, ang pag salita niya, ang pag tawag niya sakin ng Tims lahat ng tungkol sakanya na mimiss ko na. sana maibalik ko ang panahon, mas papahalagahan ko pa siya higit pa sa pag papahalaga ko sa buhay ko, mas mamahalin ko siya mas papasiyahin ko siya at hinding-hindi ko na siya sasaktang muli.
Ni minsan hindi pumasok sa utak kong maging kami. aso't pusa. yan kami ni Delansi. Simula high school ata inasar ko na siya ng inasar dahil sa kagalingan niya sa arts. Naiingit lang ako sa una dahil sya ang pinaka magaling sa batch namin. Every competition siya ang ilinalaban. Lagi namang "wow! Annie ipanalo mo yang contest na yan! tapos ako naman ang iguhit mo para ikaw na ang champion!!" Annie ang palayaw niya actually close friends lang niya ang pwede tumawag nun sakanaya ee. inaasar ko lang talaga siya kaya tinatawag ko din siyang Annie ni minsan kasi hindi naging champion sa larangan ng Arts si Tims (Delansi) eveery time na sasabihan ko siya nun sisipain niya ako at mag sasabi ng "Asa ka naman dyan Suarez! hinding hindi ko ipipinta yang mukha mo ng ubod ng kapangitan!" paminsan naman inaasar ko siya sa kung ano-anong bagay.
hanggang sa nag 4th year na kami at naging kaklase ko siya. Mabait siya pala ngiti siya napaka talino pa. Mga classmates namin inaasar kami na bagay daw kami sa isa't-isa bakit daw hndi nalang maging kami? ang lagi lang naming sagot
" ASA KAYO! HINDING HINDI YAN MANGYAYARI"
sabay pa kaming nag sasalita niyan at mayroong mga titig na galit. XD
Linalabanan ko siya sa mga discussions. kahit anu man yan basta kaya ko ginagawa ko. wala lang gusto ko kasing naasar siya saakin.
di naman nag tagal naging magkaibigan kami dahil lang sa minsang nahulog yung art materials niya tapos ako ang nag pulot isa-isa at tinulungan ko pa siyang linisin yung natapon acrylic paint. Kantyawan lang kami ng kantyawan. nag kukurutan pa kami hanggang sa minsang napikon na sa kaingayan naming dalawa yung Advance Algebra teacher namin at pinalabas kami ng classroom.
Minsan namang wala si Tims. May competition siya sa Korea. Aaminin ko na miss ko siya nung mga panahon na yun. Siya lang kasi ang inaasar ko. siya lang ang kinukurot ko sa braso at siya lang ang ginugulo ko ang buhok. Nakakamiss ang baabeng yun.
Hanggang sa may nanligaw na sakanya. Gwapo oo mas gwapo pa saakin, mas mayaman at mas matalino, suportado ko pa nga yung lalaking yun kasi malapit ko siyang kaibigan pero habang tumatagal may mabigat na kung anong nabubuo sa puso ko tuwing nakikita ko silang mag kasamang dalawa, dun ko nalaman na mahal ko na pala si Tims at napag tanto ko na dapat wala akong palagpasing oras. Habang nasa canteen nun si Tims kasama ang iba niyang kaibigan tinipon ko ang mga barkada ko at may pinahawak sakanilang folders. Laht ng atensyon nasa amin kahit na yung mga tindera sa canteen at yung mga gutom na gutom na studyante natigilan ng nakita kami ng mga kaibigan kong nag bibilad sa araw at may hawak na mga folders. isa-isa nilang bbinuksan ang folder " DELANSI I LOVE YOU" every folder one letter. Lahat ng tao sa canteen pati teachers nag hiyawan. Sino ba namang babae ang hindi kikiligin sa ganun diba? Nakita ko siyang ngumiti. nuon pa lang alam ko na kung ano ang sagot. Mahal niya rin ako. Naging kami legal both sides. Madaming away oo hindi naman yan nawawala sa isang relasyon.
Nakapag tapos kami ng High School, mag kaiba man ang university na pinasukan naming nung college sinisigurado naming may oras parin kami para sa isa't-isa. She tooked Fine arts habang ako naman ay Civil Engineering ang kinuha.
Madami siyang pinag selosang babae, ang gwapo ko kasi! :D ako din naman madaming pinag selosang lalaki ang ganda kaya ng Tims ko. ^_^
Hanggang sa nag OJT siya internationally habang ako naiwan dito sa pilipanas tuloy ang pag aaral. 1 year ko siyang hindi nakita kaya nung bumalik siya hindi ko sinayang ang panhon at lagi kaming magkasamang dalawa. Wala kaming nanging problema, walang away lagi lang masaya, lingo-lingong nag sisimba kasama ang mga pamilya namin. Pag nag de-date naman kami lagi naming iniisip ang future naming dalawa kasama ang mga magiging anak namin. oh diba ang saya lang?
pero ayaw ata ng tadhana na tuluyang maging masaya kami sa isa't-isa. Minsang sumikip ang dibdib ni Tims habang nasa mall kami nag de-date. Hindi siya makahinga. bakas sa mukha niya ang pag hihirap.
Nataranta ako, dinala ko siya agad sa pinaka malapit na ospital. Nung araw na yun parang guguho na ang mundo ko ng nalaman kong may butas ang puso niya. Ang sakit tanggapin. Biglaan lang. parang kahapon ang say namin ngayun ang lungkot. Hindi ko siya iniwan, lagi ko siyang inaalagan, lagi ko siya binabantayan at kinakantahan. Ang sakit tanggapin na nahihirapan siyang mag salita paminsan-minsan. Ikakasal pa naman kaming dalawa next month. ready na nga ang lahat ee. Dumating pa ang napaka laking problema.
Madaming naging proseso para gumaling lang si Tims pero wala tayong magagawa kung ang Diyos na ang nag dikta kung ano ang tapos na at kung ano ang dapat pang ipagpatuloy. Natuloy ang kasal naming dalawa, ako na ata ang pinaka masayang lalaki sa mundo nung mga oras na yun. Tumira kami sa sarili naming bahay. Bumuo ng pamilya.
"You decide Mr. Suarez, you save the baby or you save wife" ang hirap. gusto ko nang sumuko ng sinabi yan ng doktor.
7 months ng buntis si Tims pero imbes masaya kami problema nanaman, bakit kelangan saamin magyari ang ganitong sitwasyon? pwede bang maligtas ang mag-ina ko? gagawin ko ang lahat!..
"Tims, I want our child to see our world" sinabi saakin ni Tims nung umuwi kami sa bahay galing sa Doktor nung araw na yun.
"Ayokong mawala ka Tims" yan ang sinabi ko sakanya. ayokong mawala siya sa buhay ko.
"pero I Guess it's enough for me, nakita ko na ang mundo, natuto na akong mag mahal, ngumiti na ako, nalungkot na ako, na excite na ako, nakapag-aral na ako, nasa akin kana, I have a very loving family at marami pa. madami na akong naranasan sa buhay. Ayokong I-give up ang pag bubuntis ko, gusto kong maransan rin ng magiging anak natin ang tumawa, ang mag mahal, ang malungkot, ang maexcite, ang makapag aral, ang makakilala ng lalaking gaya mo, at marami pa siyang dapat maranasan."
Pumayag ako, tutal anak namin ang pinag bubuntis niya. Everyday lagi ko siyang pinapahalagahan, lagi lang akong nasa tabi niya hindi siya iniiwan. lagi ko siyang nilalambing. hindi ko kasi alam kung kelan siya pwedeng kunin saakin.
Araw ng panganganak niya. kabado kaming lahat na naghihintay sa labas ng Delivery Room. Hindi ako mapakali palakad lakad lang ako habang nag saasbi sa isipang "Iligtas mo po ang mag-ina ko"
5 years later.
"Daddy!! how's mommy?"
biglang tanong saakin ng mga anak ko.
umupo ako sa tabi niya at ginulo ang buhok niya
"Demy, Dean your mommy is fine"
oo kambal ang anak namin ni Tims.
"but Daddy where is mommy? kelan po ba namin siya makikita?"
biglang lumungkot ang mukha ng mga anak ko. pati ako.
limang taon na ang nakakaraan. ayaw ko ng balikan. pero kailangan
nahirapan si Tims sa panganganak. sabi ng doktor nahirapan siyang Ilabas ang pangalawang anak naming si Demy, inubos niya ang lakas niya para lang mailabas si Demy pero nakapus si Tims sa pag hinga bigla ring tumigil ang pag tibok ng puso niya At malala pa.. mas luamki pala ang butas ng puso ni TIms.. At dun gumuho ang mundo ko. hindi ko natanggap na wala na siya. Napabayaan ko ang mga anak namin hanggang sa narealize ko na dapat ko silang pahalagahan dahil sa sila ang nagpapaalala saakin ng mommy nila.
"Daddy we will keep on praying for mommy!"
inakap ko ang kambal ko at tumingin sa lapida ng asawa ko
Delansi Marie G. Suarez
born: September 23, 20XX Died May 18, 20XX
naluluha nanaman ako. pero pinunas ko kaagad. ayaw kong makita ako ng mga anak kong nalulungkot. Baka kasi pati sila mas malungkot pa.
tama si Tims kelagan ng anak namin maranasan yung mga naranasan na niya.
minsan hindi masama gumive up ng ibang bagay sa buhay natin kung alam nating mas may mabuting rason para gawin natin iyon.
"Tims, alis na kami ng mga anak mo, gabi na. Happy Wedding anniversary, I love you.. Until we meet again.."
END