Chapter 23- Betrayed

8.3K 185 5
                                    


third persons POV

dalawang linggo ang lumipas at wala ni isa sa kanila ni Sky at Ace ang nagparamdam, mabuti na rin siguro yun at nakapag isip isip ng mabuti si Sky. napag isipan niya na,

ano naman ngayun kung Ex ni Ace si camille ?.

nakaraan nalang ang sa kanilang dalawa at siya ang present. at alam niyang mahal din siya ni Ace.
kaya naman nakatulong ang paglayo niya pansamantala. ngayon, sobrang miss na miss niya ang kanyang Ace tiniis niya talagang hindi magparamdam dito ni tawag kahit text wala siyang ginawa kaya naman napagisipan niyang puntahan si Ace sa condo niya ngayun at sorpresahin sasabihin niya na wala nalang yun sa kanya at yung nangyari sa kanila ay naiintindihan niya.

akala ko ba pupuntahan mo si Ace ngayon ?. tanong ni Royce sa kanya.

itinigil nito ang ginagawa at tumingin kay Royce.

oo nga, tatapusin ko lang tong niluluto ko. pagsagot nito sa binata.

nakangiti siya at maaliwalas ang kanyang mukha. lingid sa kaalaman ni sky ay lihim siyang nagugustuhan ng lalaki. sino ba naman kasi ang hindi magkakagusto sa isang Mishiella Sky Castillo ?. mabait, maalaga, mapagmahal at higit sa lahat magaling magluto. kaya naman hangang hanga talaga dito ang binata.

ang swerte talaga niya no. pagkuway sabi nito.

nagtataka namang nilingon ito ni Sky.

sinong maswerte ?.

napabuntong hininga naman si Royce.

wala.

nag kibit balikat naman si Sky. madalas na nagkakasama sina Royce at Sky dahil mag business partner na nga sila at magkaibigan narin. kaya naman komportable na talaga si Sky dito.

ilang sandali lang ay tapos nang mag luto si sky at nahuli niyang nakatingin si Royce sa kanya.

what ?. tanong niya.

royce just smiled and said.

nothing, youre just so beautiful. sinserong sabi nito.

bigla parang pinamulahan siya ng mukha sa sinabi ng binata kaya nakatungo lang siya.

salamat. nahihiyang sabi nito.

tumawa lang si Royce sa kanya. ng matapos niyang ilagay sa tupperware ang niluto sinamahan siyang ihatid sa condo ni Ace.

nang makarating sila ay nagsalita si Royce.

sure ka ba talagang hindi na kita hihintayin ?. sa tono ng pananalita ay parang nag alaala ito.

ngumiti naman si sky

nako wag na, this is too much Royce. salamat.

ngumiti naman ng pagkatamis tamis ang binata.

i insist sky. its my pleasure. madali ka lang naman dun diba ?.

hindi malaman ni sky kung papayag siya sa alok ni Royce dahil balak niyang mag tagal sa condo ni Ace.
titig na titig lang ito sa kanya.

pakshit naman kasi yang mga asul niyang mga mata. aniya sa kanyang isip.

napatulala naman si sky dahilan para matawa si Royce sa kanya.

hoy, ano na ?. tulala ka na naman sakin. nang aasar na sabi ni Royce.

napakurap naman ng mga mata si Sky.

cheeee !. diyan ka na nga !. maghintay ka kung gusto mo ! 

pag irap niya rito.

tumawa lamang si Royce at saka siya lumabas ng kotse at nag punta na sa unit ni Ace. napahinga ito ng malalim ng malapit na siya. nagtaka siya kung bakit bukas ang pinto. pagpasok niya ay biglang nakaramdam siya ng kakaibang kaba.

A Night With Stranger#SARAWARDS2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon