Chapter 28- Daddy

10K 221 10
                                    


Ace

isang linggo ang lumipas napagdesisyunan kong ayusin ang buhay at ang sarili ko tanggap ko nang wala na kami ni Sky at hindi na maibabalik ang kung ano mang meron kami. alam ko namang nasa maayos na kalagayan siya ngayon. kung saan man siya naroroon sana ay masaya ito. mahal ko parin siya hanggang ngayon hindi naman madaling mawala iyon. sabi ko nga kung masaya siya, masaya na rin ako. nawalan man kami ng komunikasyon sa isat isa mas mabuti na rin siguro iyon. pero hindi ko parin mapigilan ang sarili kong maghintay kahit tanggap ko nang wala na, mayroon parin sa akin ang umaasa na magkikita kaming muli kahibangan man matatawag iyon ngunit wala akong pakialam.

huminga ako ng malalim habang nakatingin sa salamin mahaba na ang bigote ko tanda na napapabayaan ko iyon. napailing ako atsaka shinave ito. matapos kong ayusin ang sarili ko ay tinignan ko naman ang laman ng ref ko. napailing ulit ako ng makitang wala ng stock na lulutoin. nagpasya akong pumunta ng mall. lumabas ako ng unit ko at sumakay sa kotse ko. sinaksak ko naman ang heaset sa phone ko at shinuffle ang music atsaka ko pinaandar ang sasakyan. pumailanlang ang kantang pamilyar sakin.

Oceans apart day after day
And Im slowly go insane
I hear your voice on the line
but it doesn't stop the pain

napahigpit ang hawak ko sa manibela ng marinig ang lirikong pumailanlang at para na naman akong nawala sa sarili.

if I see you next to never
But how can we say forever

hindi ko namalayang narating ko na pala ang mall. lumabas ako ng parang wala parin sa aking sarili habang patuloy ko paring pinakikinggan ang kantang dumadala na naman sakin sa nakaraan

Wherever you go, whatever you do
I will be right here waiting for you
whatever it takes or how my heart breaks I will be right here waiting for you

nakapasok na ako ng mall at dumiretso sa grocery store kumuha ako ng malaking basket atsaka pumunta sa meat section

I took for granted all the times
there I thought would last somehow
I hear the laughter I taste the tears
But i can't get near you now

ng matapos akong kumuha sa meat section at iba pa ay pumunta naman ako sa snacks section. kumuha ako ng piatos, nova, piknik, at iba pa.

Oh can't you see it baby
you got me going crazy

bumalik ulit sa chorus ang kanta habang pumunta naman ako sa mga chocolates dahil paborito ko ang mga iyon.

I wonder how we can survive
this romance
but in the end if Im with you
I'll take the chance

napatigil ako sa pagkuha ng chocolates ng may kumalabit sa aking binti. nagpalinga linga pa ako sa paligid pero wala naman akong nakita. kukuha na sana ako ng tinapakan nito ang isang paa ko.

Aray !. pag daing ko.

napatingin ako sa ibaba nang makarinig ako ng hagikhik inis ko siyang tinignan kahit bata pa ito ay talagang matatamaan ito sakin aba't napaka bully. lumuhod ako para makapantay kami gayon nalang ang gulat ko ng humarap na siya sa akin.

Sorry po. hehehe. hagikhik ulit nito may kasamang peace sign pa talaga

nakatulala lang ako sa kanya at napatitig sa kanyang mukha hinawakan ko siya sa kanyang mga balikat. bakit pareho kami ng mata, ilong, labi at

Jaceee baby, marahil pangalan iyon ng batang kaharap niya ngayon.

papalapit na papalapit ang boses na iyon at tila naging pamilyar sa akin ang boses na tumatawag dito.

A Night With Stranger#SARAWARDS2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon