Bakit nga kaya tuwing Valentines Day na lang nagbibigay ng bulaklak ang ibang kalalakihan? Nawala na ba yung lumang panliligaw na kahit santan lang o sampaguita eh ibibigay ito sa babae masabi lang na importante at nirerespeto niya ito? Na handa niyang pitasin ang lahat ng bulaklak maialay lang sa kanyang babaeng nililigawan o kaya naman eh minamahal.
Minsan nga impromptu pa ang nangyayari, bibili lang ng Rosas, galing pa sa bulsa ng magulang niya, at hindi sa kanya. Masabing makakapagbigay siya ng rosas o ng anumang bulaklak.
Sige bigyan na natin ng credit ang mga taong ganun, pero iba talaga kapag pinag ipunan mo at galing ito sa puso. Yung pinaghirapan mo yung lahat ng bagay na ibibigay mo. Pero ok din naman at nagkaroon ng effort pa manghingi ng pera ang iba dahil nga naman malay natin kung wala talaga silang pera ngayon hindi ba?
Nasaan na nga kaya ang mga masusugid na lalakeng handang magbigay ng bulaklak kahit hindi araw ng mga puso? Kahit na iba na ang henerasyon ngayon, hindi ba’t isa rin namang nakakatuwang bagay sa parte ng babae ang makakuha ng bulaklak? Dahil isa rin sa sinisimbolo ng rosas eh ang kagandahan. At lalo na ang respeto at pag galang mo sa kanya bilang babae.
Ayan ang tunay na lalake.
A/N:
Vote.Fan.Comment
-BabyDeeeee
xx
BINABASA MO ANG
Side ng Boys
HumorAng mga lalaki kahit na sobrang pa-cool, gusto din namang suyuin, lambingin, mahalin at ingatan. Kailangan din namin kasing maramdaman na may taong handang magmahal kung sa ano man ang ugali namin, mayabang, pa cool, astig. Kailangan lang naman ng i...