Trip ng mga babae sa paghahanap ng Jowawits.
May mga babaeng gusto nila ng masamang boyfriend dahil gusto daw nila na sila ang magpapatino nito.
May mga babae naman na praktikal at gusto nilang mabait ang boyfriend dahil hindi na nila gagawin yung nasa itaas dahil mabait na. Bakit ka maghahanap nga naman ng masamang boyfriend kung may mabait na hindi ba?
May mga babaeng gusto ng mababango na tao lang. Kahit walang itsura. Basta mabango.
May mga babae naman na patuloy na naghahanap ng gwapo. Dahil sa pabango nga lang naman ang problema eh kaya naman siguro niya sustentuhan ito ng pabango.
May mga babae na ayaw ng sobrang pogi. Marami daw kasi kaagaw. Hindi nila alam na hindi naman lahat ng gwapo na tulad namen eh babaero na agad. Loyal din kami no.
May mga babae na gusto ng tama at sakto lang. Para pwede pa rin pan display at sigurado silang matino.
May mga babaeng gusto ng kengkoy. Kumbaga sense of humor type na lalake.
May mga babae naman na gusto ng seryoso. Tapos tska nila kukulitin dahil daw cute eto. Ang gulo ng mga tao no?
May mga babae naman na mahilig sa matatalinong tao. Kumbaga alam niya at nakikita niya ang liwanag at future niya sa taong ito. Kumbaga sa katalinuhan niya eh maaring matulungan siya sa assignments niya o sa mga problema nila kung magkakaroon man.
May mga babaeng gusto naman eh yung mga tahimik. Kumbaga yung mga misteryoso na lalake. Tipong gusto daw kasi nila alamin ang sikreto. Ano yun? Indiania Jones?
May mga babaeng gusto na blogger ang jowawits nila para daw i share ang lovelife nila online. JAMICH lang ang peg teh?
Sa madaling salita. Huwag ka mawawalan ng pag-asa sa mga babae kaibigan. Sa dami ng weirdong trip ng mga babae eh imposibleng hindi ka tsumamba sa mga gusto ng mga dalaginding na yan. Tsambahan lang ang laban kaibigan. Makakahanap ka. Malay mo? Trip ka ng taong trip mo. At kung hindi ka trip. Edi hintay ka ng taong magkaka trip sayo. Pakatotoo ka lang. Kasi kapag pineke mo ang sarili mo eh baka hindi ka ma swak sa gusto ng mga daliginding at hindi ka nila maging jowawits.
A/N:
Vote.Fan.Comment.
-BabyDeeeee
xx
BINABASA MO ANG
Side ng Boys
HumorAng mga lalaki kahit na sobrang pa-cool, gusto din namang suyuin, lambingin, mahalin at ingatan. Kailangan din namin kasing maramdaman na may taong handang magmahal kung sa ano man ang ugali namin, mayabang, pa cool, astig. Kailangan lang naman ng i...