Side ng Boys - #5

55 0 0
                                    

Ang mga lalaki..

Minsan tahimik, minsan weird, mahilig sa adventure, mahilig sa kakaiba.

Maaring lumalandi sa iba, pero kapag nagmahal siguradong ikaw lang ang mamahalin nito.

Ang lalake, mahilig sa laro yan. Online Games, Video Games, walang kamatayang DOTA na pinoproblema ng karamihan, ayos lang na payagan sila sa ganito, pero alam dapat ang limitasyon nila.

Kapag nagtatampo kami, paano ba? Minsan bigyan lang ng tamang oras para mapag isa, siguro lambing lang din ang hanap namin tulad sa inyong mga babae.

Romantic sa maraming paraan, maraming diskarte kapag nagmahal, tandaan niyong mga babae na kahit kailan hindi kami mawawalan ng idea paano niyo pa kami lalong mamahalin kapag sobrang mahal namin ang isang tao.

Hindi porket naloko ka ng isang lalake eh lahat ng lalake ay ganu na, masakit sa pakiramdam ng isang lalake yun, lalo na kung binabalak kang ligawan nito eh paano pa siya makakadiskarte? Kung nilalahat mo ang lahat ng lalake.

May mga lalake na hindi palatext, pero kapag nagtext ito siguradong sincere ito, minsan iniiwasan niyang magkasawaan kayo dahil sa buong araw na magkausap kayo, ginagawa niya yun ng palihim.

Ang lalake mahilig rin magtago ng damdamin yan, bihira mong makikitang umiyak, bihira mo makikita na iyakan ang isang kaibigan niyan. Kaya nga mas prone kami sa sakit sa puso, dahil dinadamdam namin lahat, kami lang halos ang nagdadala ng problema sa sarili namin.

Ang lalake simple lang magselos yan, kapag sobra na talaga, hanggat ayaw namin magselos hindi kami magseselos, sa oras na nagselos kami ayun ang oras na tanungin mo ang sarili mo bakit namin naramdaman ang bagay na yun.

Ang lalake hindi masyado demanding yan, kami yung mga taong handang ibigay ang gusto niyo, kaya nga nasasabing maraming gusto ang babae, sa relasyon o sa pagmamahalan ng dalawang tao, isa lang naman ang hiling ng bawat isa, yun ang mapansin at mahalin ng bawat isa.

Source: matabangutak

A/N:

Vote.Fan.Comment

-BabyDeeeee

xx

Side ng BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon